Ika- Labing Pitong Giling *** Impossible

2.5K 31 1
                                    



Cavanata XVII



              "Inumin mo ito..." Marahan niyang inabot sa akin ang isang tasa ng umuusok na kape.


"Kahit paano maiibsan niyan ang panglalamig na nararamdaman mo" marahan akong pumikit saka ninanam ang kakaunting init na nanggagaling sa maliit na baso.


Malapit nang maghari ang araw, pero ang nararamdaman namen ay sing dilim pa din ng nagdaang gabi.


"Ano na gagawin natin ngayon? Saan tayo pupunta?"


"Kahit saan basta malayo, malayo sa mga mananakit sayo... Malayo sa mga handang saktan ka." Maririin ang bawat katagang sinasabi niya.


Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, kahit sa aking pagpikit nakikita ko ang matiim niyang mga titig, ang kanyang bagang na nanggagalit.


"Ano na mangyayari pagkatapos nito?" Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa aking mata.


"Hindi ko alam..." Maharan niyang hinaplos ang aking mukha.


Muli ko naman naramdam ang panginginig ng aking lalamunan mga luhang pilit kong itinatago sa aking kalooban gusto kong sumigaw, gusto kong magwala! Gusto kong tanungin ang langit kung "Bakit"


Bakit kailangan gawin sa akin iyon ng sarili kong ina.


"Wag ka munang mag-isip ng sobra... Ipahinga mo ang katawan mo." Muli akong napatingin sa kanya...


Isa siyang larawan ng kalmadong mandirigma ngunit sa kanyang kalooban... Sa mga mata niyang puno ng maraming agam-agam.


"Babantayan kita..." Saka siya marahang ngumiti.


Isang ngiting puno ng pangako...


Isang ngiting---- nasasaktan.


Nasa mga mata niya ang bawat kasagutan...


Naroroon ang takot, takot para sa aming dalawa kung ano ang maaring mangyari...


Determinasyon, isang masidhing pagnanais na mailayo ako sa kung anumang maaring mangyari sa akin...


Awa... Isang bagay na hindi ko kailanman nanaising makita.


Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng maubos ko na ang kape.


"H-hindi ko akalain na aabot sa ganito...gusto ko ng kasagutan... Gusto kong malinawan...bakit... Bakit---" hindi ko napigil ang mga luhang traydor tulad ng damdamin ko para sa mga taong nanakit sa akin...sa amin... Ano bang mali? ano bang kulang?


"Shh... Coring..." Marahan niya akong niyakap saka hinagod ang aking likod.


Natatakot ako sa mga maaring mangyari paano ang bawat bukas sa lugar na aming maaring puntahan paano kami?


Paano siya? Kakayanin ba niya?


Hindi itong isang simpleng bagay na tulad ng pagpasok sa isang paaralan kung saan wala kang magagawa kundi ang makibaga.


Isa itong pagsubok na maaring mas lalong madala sa amin sa lusak.


"Matulog ka muna... Wag mo muna silang isipin... Ang mahalaga mailayo kita..." Isang marahang halik sa aking ulo ang kanyang binigay. "Basta tatandaan mo gagawin ko ang lahat para walang manakit sayo... Hinding-hindi ako papayag na masaktan ka ng kahit sino... Kung kinakailangang gawin kong posible ang imposible gagawin ko... Masiguro ko lang ang kaligtasan mo."


Naniniwala ako...


Naniniwala akong kaya niyang gawing posible ang imposible...


Naniniwala akong kaya niya akong protektahan...


Hanggang sa maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga talukap...


At ang pagbalik ng aking diwa sa isang maliit na silid na madilim... At malamig...






----oOo---


Sa wakas naka UD rin after century! hahaha


salamat doon sa mga nag mo-motivate sa akin hanggang FB at school...


para sainyo ang limang chapter na UD love u all! :-*




written by:

Crazybhabiemhine


PS: Please Vote and Comment

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon