Cavanata 48
"Wag kang magalaw" hindi ko na mabilang kung ilang beses ko narinig yaan kay Lulu.
"Masakit na kasi." Naluluha kong sabi habang hinahabol ko ang hininga ko.
"Wag kang oa bakla" masungit niyang sabi.
"Wag mo na kasi ipilit ipasok masakit na talaga." Sagot ko habang sumisinghot.
Kanina pa namin ito ginagawa at hindi ko na matitiis ang hapdi.
"Ugh! Fine just stop crying!" naiinis siyang lumayo sakin saka nakangusong lumayo.
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko para luminaw at maalis ang mga luhang naka bara.
Tinitigan ko siya habang literal na sumisinok.
"My Gash! Stop that na Coring it's just a contact lens." Sagot niya sa akin saka ako inikutan ng mata.
"Pero masakit nga ang hapdi-hapdi na ng mata ko!" malakas kong sabi saka muli humikbi.
"Okay na... sorry na wag ka na umiyak masisira ang masterpiece ko." Nagdadabog niyang sabi habang nakaharap sa akin na siyang ikinakunot ng nuo ko. "Saka baka marinig tayo sa labas ano pa isipin nila at isumbong ako kay Sir Luke baka talagang mapilipit na niya ang leeg ko! Ke barbaridad sayang ang ganda ko." Histerical niyang pinaypayan ang sarili niya.
Humihikbing yumuko ako saka pumikit ang sakit talaga ng mata ko.
Yung akala kong makakapagpahinga ako hindi nangyari oo nga at naka upo ako pero hindi naman niya nilubayan ang pagkatao ko.
"Gusto mo ma ba makita ang itsura mo?" masigla niyang sabi. Napakurapkurap naman ako sa kanya.
Masaya ang bukas ng mukha niya halatang masayang-masaya siya.
Napabuntong hininga ako saka tumango, may magagawa pa ba ako eh kanina pa ako kinakawawa ni Lulu.
Ngiting-ngiti siyang pumuwesto sa likod ko saka ako inikot nang maiharap na niya sa telang itim marahan niya iyong hinatak sa pagkakahatak niya sa tela marahang lumilitaw sa harapan ko ang isang salamin at sa paglitaw nito ay unti-unti ko ring nakikita ang isang babae.
"A-ahm" hindi ko maapuhap ang sasabihin gumala ang paningin ko babaeng nasa harapan ko.
"Ang ganda di ba? Dinaig mo ang ganda ni Marian Rivera noong si Marimar siya simple pero sobrang nakakahalina.
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
HumorPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring