Cavanata XIII
"Wag mo ako ma Tatang, Tatang ha!" malakas niyang sigaw sa akin halos naman mapatalon ako sa takot.
"T-Tang, Labas po dito si Coring---" agad akong hinawakan ni Badong saka itinago sa likod niya kahit nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan niya.
"Paanong naging labas siya dito ha?! kasama mo siyang nangloloko sa akin! sasabihin mong labas?! pagkatapos ninyo akong paniwalain?!" Kulay pula na ang mukha ng Tatay ni Badong pati mata nito namumula na.
"Wala syang kinalaman dito... pinilit ko lang siyang pagkatakpan kung ano ako Tatang..." alam kong naiiyak na si Badong pero pinipigil lang niya ang pag iyak niya, marahan kong hinagod ang likod niya para ipaalam na nandito lang ako.
"Bakit ano ka ba? ha! Badong?!" naglalabasan na ugat sa leeg ng Tatang niya.
"Ba... Ba..." Baba... baba...Banana? Ay letche Coring nagawa mo pa talaga mag Joke ha! malakas kong kastigo sa sarili ko.
"Tang..." tumingin si Badong sa Tatang niya na para bang nakikipag sukatan siya ng tingin.
"Patawad... Bak---"
"Badong!" Napatili ako ng malakas nang makita ko siyang sumadsad palayo sa akin sa lakas ng suntok ng Tatang niya sumadsad siya sa lupa ilang dipa ang layo sa akin.
"Tarantado ka! wala akong anak na Bakla!" nanggagalaiting sigaw ng Tatang niya saka muli sumugod para bigyan ulit ng malakas na sapak si Badong.
Marahas nitong hinatak ang damit ni Badong saka siya sinapak sa kaliwang pisngi gumulong si Badong sa lakas ng impak nito dali-dali ako lumapit kay Badong para lang mapaiyak sa takot at awa nang makita kong iba na ang kulay ng pisngi niya at may dugo na siya bibig.
"Hayop kang bata ka! hindi ako nagpakapagod para lumaki kang salot!" sigaw naman ng tatay niya.
"Hindi po siya salot!" malakas kong sigaw habang pinupunasan ang mukha ni Badong.
Natatakot ako Oo! pero di naman ako papayag na kung anu-ano ang itatawag niya kay Badong! ano ba alam niya? naglihim at nagsinungaling kami Oo! pero walang kaming kahit isang inargabyado o maski si Badong.
"Ang salot! yung mga taong naninira ng buhay! yung mga pumapatay at nanggagahasa! alin man sa mga iyon wala doon si Badong oo, Bakla siya! oo naglihim kami! pero hindi iyon batayan para tawagin ninyo siyang salot o hayop! dahil mas hayop at salot ang mga taong di kayang rumispeto at magmahal sa mga gaya niya! tao lang din siya... nasasaktan, nahihirapan... bakit hilbis mas mahalin ninyo siya kahit iba siya sa anak na gusto ninyo mas pinipili ninyong saktan siya? hindi ninyo ba alam na minsan mas tao pa silang matatawag kesa sa tulad ninyong tunay na lalaki pero kung makahusga akala mo sinong Santo!" nanginginig kong lintaya habang tinatayo si Badong nawala bigla ang paggalang at maayos kong pagtingin sa tatay ni Badong sa isang iglap lang.
"Wag kang magsalita na parang alam mo kung anong tama babae ka!" malakas niyang bulyaw sa akin.
"Bakit? masakit marinig!" balik kong sigaw hindi ako papatalo! hindi ako titigil hanggat hindi siya gumigising sa katotohanan.
"Ang kapal naman ng mukha mo mangaral! sino ka ba? anak ng isang babae sa kung sino? babaeng halos lahat ng lalaki dito kinalantari!" bigla akong nawalan ng lakas sa mga sinabi ng tatay ni Badong, ang sakit... hindi ako nakareak ano bang dapat kong sabihin? oo anak ako nang Nanay sa kung sinong hindi niya masabi... oo iba-iba ang lalaki nang Nanay ko nakikita ko naman pero bakit ganito? pakiramdam ko sobrang baba namin ng Nanay ko.
"Ano? hindi ka makasalita! ang lakas ng loob ninyo magsinungaling isa ka rin naman Pu---"
"Tang!" malakas na sigaw ni Badong napatakip ako sa mukha ko para hindi mapalakas ang iyak ko.
Hindi ako papayag na makita nang tatay ni Badong ang paghihirap ko! sino ba siya para husgahan ako? kaparehas lang siya ng iba dyan na walang ibang makita o alam gawin kundi punahin kami!
"Tama na Tang! hindi ko papayagang magsalita ka ng ganian kay Coring, patayin mo na lang ako sa bugbog! kesa tawagin siya sa kung anu-ano wala kang alam!" ibinalik ako ni Badong sa likod niya para muling itago.
Ngumisi sa amin ang tatang niya saka marahas na hinatak sa kwelyo si Badong.
"Talagang papatayin kita! wala akong anak na tulad mo!" saka niya ito marahas na hinatak.
"Badong!" sinubukan ko siyang agawin sa tatay niya dahil alam kong oras na mawala siya sa paningin ko mas higit pa sa mga suntok ng tatay niya ang makukuha niya.
Pero sadyang mahirap kausap ang taong galit malakas niya akong tinabig para makalayo kay Badong.
Tinitigan naman niya ako na parang nagmamakaawa na hayaan na lang sila.
Umiiyak ko silang pinanood na papalayo habang kinakaladkad siya ng tatay niya.
Badong...
+++++++++++
Pls Vote and Comment ^___^V
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
HumorPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring