Ika- Dawampu't Pitong Giling ***Scared***

1.7K 26 3
                                    



Cavanata 27



"I said who are you?!" napaangat ang mga balikat ko lakas ng pagkakasigaw niya.


Nakaramdam ako ng panglalamig at panginginig ng aking katawan sa kanyang mga titig parang handa niya akong sakalin.


---Sasaktan niya ako!


Malalakas ang mga katagang iyon sa isip ko.


Mabilis ko hinawakan ang pinto ng sasakyan para lumabas at tumakas pero ayaw bumukas nun, mabilis na lumipad ang paningin ko sa labas ng sasakyan.


---U-umaga na...


Nangingig ang mga labi ko sa nakikitang tanawin sa labas ng bintana bumaling ako sa kabilang pintuan at humawak sa salamin maliwanag.... Sobrang liwanag patunay niyon ang mga naghuhumiyaw na mga bahay mga naglalakihang bahay sa palid na nababalutan din nang nagtataasang pader.


"N-nasaan ako..." tumitindi ang takot na namumuo sa dibdib ko.


Tumingin ulit ako sa kabilang bintana baka namamali langa ko ng tingin.


---Hindi maari!


Natataran akong napahawak sa likurang salamin ng sasakyan pero sinalubong lang ako ng mahabang daanan na hinarangan ng isang napakalaking harang.


"Nasaan ako?!" nararamdaman ko ang panglalaki ng aking mga mata habang nakatingin sa lalaking nasaunahan.


"Who are you to ask me?! I am the one who's asking here!" malakas niyang sigaw sa akin.


Napailing-iling ako.


---Hindi maari... hindi...


"Paki-usap..." naglalaglagan ang mga luha sa mata ko, nakita ko pa kung paano namilog ang mga mata niya saka lumayo ng kaunti. "Paki-usap... I-ibalik mo ako..." pumiyok ang tinig ko, nahihirapan akong huminga.


--Si Badong...


"Ha! Are you crazy?! I said who are you?! And what the hell are you doing here?!" bumalik naman ang galit niyang mukha.


--Hindi ko siya maintindihan, bakit siya nagagalit? Masama din ba siya? Kasamahan ba siya ng mga halimaw na iyon? Sasaktan din ba niya ako? Anong ginawa nila kay Badong?


Sunod-sunod ang mga katanungang iyon sa aking isipan pero kahit isa ay walang lumabas natataranta naman ang isip ko sigurado ako wala na ako, kung saan ako huling iniwan ni Badong, wala na ako sa lugar kung nasaan ang mga halimaw.

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon