Cavanata 36
Kung inaakala ninyong may magandang kinahinatnan ang halik na yun, well asa bess! Ganoon pa den ang pakikitungo niya sa akin saka day 1, pa lang naman ang nalalaman ninyo gusto ninyo na ba mabasa ang day 2 ko with him? Malapit ko na nga papalitan ang title nito eh, papalitan ko ng "A Week with Mr. Arrogant" kaso naisip ko ulit akin nga palang story to, pagawa siya ng kanya.
So back to him."Coring! Bilisan moa ng bagal!"
"Oo! Andyan na ito na nga oh!" nagmamadali akong tumayo sa harapan niya habang tinatali ang buhok ko.
Tinitigan lang niya ako saka umirap.
Gusto ko naman tuloy siyang tawaging bakla.~Hihihi...
"What are your smiling at?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Wala po..." sagot ko naman habang nakayuko syempre alangang sagutin ko siya na.Gusto kitang tawaging bakla ulit kasi baka halikan mo ko ulit.
Syempre hindi dapat ganoon, pinalaki kaya ako ni Badong ng maharot na babae este mahinhin pala.
"Bakit para ayaw kong maniwala sayo?" kita ninyo! Ayaw maniwala baka naman nakikita niya sa magaganda kong mata na gusto kong magpahalay sa kanya este gusto kong magpahalik lang pala, saka na pala ang home run!
~hihihihi...
"W-wala naman po... bagay po kasi sainyo ang damit nyo." Nakayuko ko pa ring sabi.
"Of course this is new." Naka smirk niyang sabi sa akin.
"Hala! Bago?! Kaya pala ngayon ko lang nakita iyan." Pinakasipat ko pa ang damit niya.
Simple lang naman yun pero halata mong mamahalin may maliit na buwaya kasi sa bandang dibdib, may colar din ang shirt niya na sky blue, pero hapit sa bandang dibdib niya at braso kaya naman masasabi mong talaga yummy na! mucho pa! tenernuhan niya ito ng fitted jeans na hapit sa balakang at may konteng sira sa bandang legs at tuhod.
"Alam mo master, maganda na sana yung pang taas mo eh, kaso bakit ka nagsuot ng basahang pantalon? Kita mo oh... sira-sira." Napa tsk pa ako, madalas talaga matindi ang saltik ng lalaking ito eh.
"Hindi yaan basahan ang tawag dyan STYLE! And it's worth 10,000 pesos. And this shirt" hinatak niya ang kwelyo ng damit niya. "This is worth 25,000 bago! Meron kasing isang tao dyan! Napakahusay sa paglalaba!" sikmat niya sa akin. "Sa palagay mo sino may kasalanan kung bakit kailangan ko bumili ng mga bagong damit ha?!" sigaw niya sabay talikod.
Napakagat labi naman ako, akala ko kasi nakalimutan na niya yung nangyari well mukhang kasama siya sa mga samahan na hirap magmave-on, well ganito kasi yaan.
----DAY 2---
"You! Woman!" sigaw niya sa akin mula sa taas ng bahay niya ako naman itong si mabait tiningala siya.
"Akala ko ba napag-usapan na naten na tagalog lang tayo? Saka hindi woman ang pangalan ko! CORING" naiinis na sabi ko.
Nakakairita siya maghapon na niya akong pinaglilinis ng bahay niya akala mo naman maliit ang bahay niya!
"I know, hindi ako makakalimutin saka ang pangit ng pangalan mo." Saka siya ngumisi sa akin.
"Maka pangit ka, akala mo naman gwapo ka..." sagot ko saka muling tinuloy ang paglalampaso pupusta akong may saltik naman siya kaya s'ya ganyan.
"Gwapo naman talaga ako, and what did I tell you, will have called me?" nakagisi siya habang nakatiwas ang kilay.
Bumuntong hininga muna ako bago siya tinitgan sabay ngiti ng peke.
"Master..." walang buhay kong sagot saka bumalik sa paglilinis.
Noong akala ko tapos na siya sa mga pakulo niya. Marahan akong napabuga ng hangin ng walang abog niya nilagay sa pinaglampahusan ang sandamakmak na mga damit.
"Hayan, labahan mo yaan kailang ko ang mga iyan bukas." Sabi niya sa akin habang punong-puno ang mata niya ng tuwa.
Kahit gusto ko siyang sigawan at tarayan kailang kong magpakahinahon, kailangan kong paulit-ulit na ipaalala sa sarili na nandito ako dahil pinatitira niya ako ng libre kaya kailangan ko siyang pagsilbihan.
"Sige" walang buhay kong sagot.
"What did you say?" nakaangat naman ang kilay niya.
Ngumisi ako na parang ewan sa harapan niya. "Okay po Master, masusunod." Utang na laman note the sarcasm at mukhang naramadaman niya dahil agad na nalukot ang mukha niya.
"Aalis lang ako, dapat pagbalik ko, tapos mo na lahat ng gawain." Saka siya tumalikod at umalis.
Bubulong-bulong kong pinagpupulot ang mga damit niya sa pumunta sa likod bahay niya para simulant ang paglalaba.
Agad naman akong nakakita ng isang timbang malaki at napakaraming sabon may maliit din na palanggana.
"Nako!" malakas akong napatapik sa nuo ng may maalala ako.
"Hindi ko natanong sa kanya saan dito may batis, paano ako maglalaba?" naiinis akong napapadyak sa lupa saka nagpalinga-linga sa paligid para lang magtatalon sa tuwa.
"Pucha ang astig ng bahay na to! May malaking imbakan ng tubig na may maliit na batis!" nagnining ang aking mga mata habang papalapit sa napalaking imbakan ng tubig napakalinaw ng tubig nito na nanggagaling sa maliit na batis na siyang nagpupuno ng tubig sa malaking lagayan ng silipin ko ang kailaliman nito ay nakita kong may naikot ditong salamin sa pinaka ilalim.
"Ang galing naman ng batis sa lugar na ito parang kasya ang buong baryon amen dito pagnasiligo... ganito ba ang mga batis dito? Aba't may hagdan pa pababa!" nahihiwagaan kong tanong pero dahil walang sasagot sa akin ay agad akong umupo sa hagdan nun umabot agad ang tubig sa aking bewang, at dahil ganito naman ako maglaba sa aming nayon.
Agad kong binuhos ang malaking pack ng sabon sa maliit na palanggana saka nilagyan ng tubig galing sa malaking imbakan, pero napakunot ang aking nuo ng hindi ito bumula kaya naman dinagdagan ko ulit pero ayaw pa den hanggang sa limang pack na ang nilagay ko medyo napaubo pa ako sa tapang ng amoy ng sabon hanggang sa ito ay bumula ng makita kong bumubula na ito ng maayos ay agad ko nang nilabhan ang mga damit.
Enjoy na enjoy na ko sa paglalaba ng maymarinig akong malakas na sigaw.
"What the fuck did you do to my pool?!"
----oOo----
Enjoy everyone... 😉😉😉
Vote and comment.
Love: Crazybhabiemhine
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
HumorPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring