Ikatlong Giling*** Dukutin ang Laman >part II<

9.1K 48 1
                                    


Cavanata III




Nasaan na ba ang anak mo ha minda at iniwan na ata sa atin itong nobya niya?


Napaangat ang tingin ko sa tatay niya kulang na lang sulsulan ko siya ng (oo nga po, baka lumandi naman kung saan ang hinayupak na iyon at iniwan ako sa inyo) itatapon ko talaga sa bundok tralala yang baklang yan eh.


Aba ay kanina andito lang yuon.... Di ba nag sabi sayo iha? Malambing na sabi sa akin ni aling minda kamuntik ko na siyang taasan ng kilay ko. Pusang ginawang siopao! Lalabas pa ata ang kamalditahan ko.


Hindi po kanina ko pa nga po sya hinahanap eh. Nagpalingon lingon pa ako hoping na baka nasa gilid gilid lang ang malanding bakla.


Sandali at aking hahanapin baka——-


Nang san ang punta mo? Napaangat ang tingin ko sa nagsalita,


*o*


muntik ng malalag ang panga ko sa kagwapuhang aking nakikita.


Anak ng kamote! Bakit ang gwapo nito? Umupo sya sa tabi ko naka sunod pa din ang tingin ko sa kanya. Nailang ata sa tingin ko kaya humarap sa akin saka ngumiti. Anak naman talaga ng—— bakit pati ang ngiti niya ang gwapo? sabay hawak sa baba ko at dahang-dahang isinara ang nakaawang kong labi.


Coring...isara mo nga yan baka pasukan ng bangaw. Ngising-ngising sabi niya, pero ako tulala pa din sa kanya. Tiningnan nya ulit ako saka bahagyang umangat ang kilay, yung labi niya nangingig sa pinipigil na ngiti halatang gustong tumawa ng malakas.


Uy! Coring punasan mo nga yang bibig mo natulo ang laway mo oh. Nakangising sabi niya sa akin.


@__@


Wala sa sariling pinunasan ko aking labi hanggang pisngi gamit ang likod ng kamay ko.


Eh tinola naman talaga oh, bat ang gwapo ni Badong? Nakapolo sya na dark blue tapos nakabukas yung dalawang botones kita ko yung dibdib niya ang kinis mga ate! Tas naka shades pa sya! Yung pang baba nya maong na hapit sa balakang at hita niya ito ata yung skinny jeans na sinasabi nila. Tinola ang sarap halayin ng hinayupak! Saan ba galing tong taong to? Kung saan man sya galing at bigla syang nagkaganito aba araw-araw ko syang sasamahan pumunta doon maging ganito lang siya lagi.


Nagising ang diwa ko sa malakas niyang tawa nakahawak pa siya sa tyan niya tapos yung tawa niya parang wala nang bukas.


Maubusan ka sana ng hangin sa katawan! Kandalukot ang mukha ko sa kanya. Letcheng Baklang to! Kundi lang nakakahinayang na di ko pa sya nahahalay pinaslang ko na to eh!

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon