Cavanata 38
Nagpaikot-ikot ako sa kusina para makahanap ng kalan pero wala akong makita, binuksan ko ang mga aparador sa ilalim, sa pag-iisip mayroong gas range doon baka kasi masabihan naman ako na tanga maalam naman ako sa gas range meron kami nun sa bahay pero madalang pa sa ulan gamitin dahil mahal ang bumili ulit ng gas.
Pero kulang na lang pumasok ako sa loob ng mga kabinet pero wala pa din ako makita napapagod na inilibot ko ang aking napingin hanggang sa huminto ang paningin ko sa kaldero malapit sa akin nilapitan ko ito at inusisa.
Wala naman kakaiba nakapatong lang iyon sa kulay black na may mga red sa paligid na, naka pormang bilog.
"Ano ba namang bahay ito? Paglulutuin ka pero walang kalan?" naiinis akong lumabas ng kusina gamit ang pintuan sa likod nagbabakasaling may ulingan siya doon.
Pero sa kasamaang palad wala! Nahahapong naglakad ako papunta sa harap bahay habang nag-iisip ng maaaring gawin, hanggang sa nahagip ng paningin ko ang mga nakatumbang bahagi ng puno.
"Kita mo nga naman sabi nga nila paggusto may paraan, pag-ayaw bigyan mo nang dahilan." Nakangisi akong tagumpay habang nakatingin sa mga kahoy.
----oOo----
Pagkalipas ng isang oras heto ako at nagdurusa pa din pakiramdam ko tuloy nilagyan niya ng sumpa ang sarili niyang bahay para pahirapan ako.
"Pati ba naman mga kahoy dito mana sa may-ari? Ang hirap pakibayan ah!" nakabusangot kong hinipan hipan ang mga kahoy para magpatuloy ang pagbabaga.
Nakailang tibag na ako ng mga kahoy naubos ko yung dalawang troso pero nanatiling pahirapan ang pagpapaliyab sa mga kahoy.
"Umayos kayo ah! Makisama kayo kundi sasamain kayo sa akin!" naiinis kong kausap sa mga kahoy pakiramdam ko kasi mauubusan na ko ng hangin sa katawan pero hindi pa din sila magbabaga.
Hanggang sa wakas pinagbigyan na ako ng may kapal.
~Lala... lalaa... lalaaah---
Sayang saya ako habang nagluluto sa sa likod ng bahay pero bago ko napaningas ang mga kahoy sangkaterbang usok na ang nasa paligid.
Pero di bali na ang mahalaga nakaluto na ako.
Maingat kong inaalis ang ulam sa mga pinagpatong-patong ko na bato saka nakangiting tagumpay na pumasok sa kusina, hindi humihingang ipinatong ko sa lamesa ang kaldero.
Wala akong balak huminga, dahil na din sa kapal ng usok sa loob ng bahay mabilis kong tinakpan ang mukha ko dahil sa hapdi ng usok sa mata ko at di mapigilang pagpasok ng mga ito sa baga ko, tatakbo na sana ako palabas ng makarinig ako ng malakas na boses.
"Holy mother of earth, nasusunog ang bahay ko!"
---oOo---
Byirne santo, katapusan ng mundo, araw ng mga kaluluwa, kamatayan ni Rizal, paghuhukom ni Hitler walang wala yaan sa pinaghalo-halong busangot na mukha ng amo ko.
Mabilis akong yumuko saka pinilipit ang kamison ko nang makasalubong ang matatalim niyang tingin.
"Aalis na kami sir." Sinilip ko ang bumberong magalang na nagpaalam sa kanya, sabay tingin sakin at nangingiting naglakad papalayo habang umiiling.
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
HumorPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring