Ika- Apatnaput-isang Giling ***Elevator ***

1.2K 28 4
                                    


Cavanata 41




Sumisinok-sinok pa ako habang bumababa ng sasakyan niya tinitigan niya ako ng masama bago malakas na isinara ang pinto ng sasakyan niya.


"Mukha naman kasi talaga itong lungga ng mga kampon niya." Bulong ko habang marahang lumakad.


"Nahiya naman ako sa mga bulong mo hindi ko naririnig eh." Sikmat niya sa akin, pasimple ko siyang inirapan.


"Tsk, what I'm gonna do to you?" nailing niyang sabi.


"Ano rin kaya, ang pwede kong gawin sayo?" matalim ang matang balik ko sa kanya kaso sinamaan rin niya ako ng tingin saka naglakad na lang basta na akala mo eh hindi niya ako kasama, syempre pa ano magagawa ko alangan tumayo na lang ako dito sa paradahan ng mga sasakyan eh ang lakas maka horror movie parang kahit anong sandali maglilitawan ang mga alagad niya kaya naman kahit para akong aso, hala sigi sunod ako sa kanya.


"Remember what I told to you, don't touch anything lalo na kung hindi mo naman alam kung para saan iyon." Sabi niya habang naglalakad at dahil mahahaba ang binti niya pati paa malaki ang sukat ang isang hakbang niya tatlo ko agad kaya ano pa aasahan ninyo edi hingal na hingal ako.


Kaya habang dada siya ng dada ako naman kung anu-anong make-face ang ginagawa kaso n'yo ang pinuno ng lagim biglang lumingon!


"What the fuck are you doing?"


"Nag... nag stretching ng mukha master... nanigas ata sa sobrang takot kanina hehehe..." sabi ko habang nagkakamot ng ulo.


Mahirap na baka iwan talaga niya ako dito ngayon pang alam niyang natatakot ako sa lugar na ito, wala pa naman puso ang isang ito, puro muscle lang.


Pinakatitigan muna niya ako bago lumakad naman.


"Mr. Zamora! Mr. Zamora" sabay kami napalingon sa may kaliwang bahagi kung saan nanggagaling ang pagtawag sa pangalan niya.


"Yes?" nakataas ang kilay na sagot niysa sa lalaking kakarating lang.


~Napaka talaga ng lalaking ito, sinasabi ko na nga ba at ka tribu ito ni Badong.


Tumingin muna sa akin ang lalaki saka ngumiti bago muling bumaling kay Luke, hinayaan ko na lang sila total wala naman akong alam sa kung ano pag-uusapan nila tumingin tingin lang ako sa paligid wala naman kasi makikita sa paligid kundi mga sasakyan.


Hanggang sa natawag ang pansin ko ng isang mag-ina napangiti na lang ako ng makita ang batang babae sobrang cute-cute niya maputi at mabilog ang tambok ng mga pisngi at mamula-mula ng dumaan sila sa harapan ko ngiting-ngiti talaga ako, ngumiti rin naman ang bata saka kumaway kaya kumaway din ako.

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon