Prologue

97 49 25
                                    

"Tangina!" Sigaw ko sa kwarto ko habang nakatingin sa list ng section.

Punyawa paano ako napunta rito? Ganda lang naman ang ambag ko, 92 lang rin ang average ko. Hindi ako matalino, halos lahat ng nasa first section ay nag hihigh honor. Paano naman ako? Baka hindi ako mahonor dun, na hohonor lang ako pag 3rd grading na dahil pag 1st and 2nd grading ay hindi naman ako na hohonor.

Gumulong gulong ako sa higaan, habang gumugulong ako ay napatingin ako sa ingay ng laptop ko. Nakita ko roon ang mukha ng bestfriend ko.  Tumakbo ako patungo sa lamesa ko upang sagutin ang tawag.

"Ano yun?" Panimula ko nang masagot ko na ang tawag niya. Tamad pa akong umupo sa upuan ko dahil sa kinalabasan ng section ko.

"Ikaw palang may section satin. So hindi tayo magkaklase," naiiyak niyang sabi. Nalungkot rin ako, hindi ko rin talaga to inaasahan. Dati gusto ko mafirst section pero ngayon ayoko na, gusto ko na bawiin. Akala ko nakakatuwa 'yon, yun pala hindi nagsisi na 'ko. Nakakahiya humarap sa kanila kasi matatalino sila.

Nagsalihan rin ang mga kaibigan ko, kaya mabilis kaming dumami sa Video Call.

"Congrats sayo p're na first section kana," sabi ni Driana sa akin,napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo niya dahil sa mga inasal ko ngayon.

"Hoy tang ina ano technique mo paano ka napunta sa first section. Same lang naman tayo ng utak ah," sabat ni Pollein habang kumakain ng kanyang fries at halatang may kausap sa kabila niyang cellphone dahil busy siya doon.

"Hindi ko alam feeling ko dahil maaga ako nag-enroll or baka pinagtritripan nila ako?" sabi ko sa kanila habang tinitignan ang list at ang pangalan ko.

"Nakakalungkot naman hindi tayo magkaklase," ani ni Kresany

"Oo nga, wait pa namin section namin. Sana magkakasama kami," sabi ni dreana, tumango na lamang ako. Sana nga...

Napaisip ako dahil hindi ko alam kung kaibigan ko paren sila may kaibigan rin kasi ako roon pero dati yun. Hindi ko nalang alam ngayon, pero kaibigan  parin ang tingin ko sa kanila.

Bahala na ang mahalaga MAGANDA AKO!

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon