"Ate sino tumawag sayo?" Tanong ko nung nagstart na siya magdrive. Nanatili ang tingin niya sa daan at parang hindi niya ako narinig kaya na nahimik na lang ako.
Napansin ko na iba ang daan namin. Saan kami pupunta? Ano bang meron? Akala ko may nagtext dahil may sakit ako pero bakit hind patungo sa bahay ang punta namin? Nagulat ako ng hospital ang pinuntahan namin. Hindi naman ako kailangan dahil sa hospital kasi okay lang ako.
"Bumaba kana." Maikling sambit ni ate kaya sumunod ako. Hinintay ko siya na lumabas din para alam ko ang pupuntahan. Sinara niya na ang sasakyan at nagsimula ng maglakad.
Nagmamadaling maglakad si ate kaya sumunod na lang din ako sa kaniya. Hindi niya ako ipina asikako sa mga nurse. Edi anong gagawin namin dito? Sinundan ko lang siya, naglakad kami patungo sa isang kwarto at nagulat ako kung sino ang bumungad. Si Mama at si Papa!
Dali-dali akong tumakbo para puntahan si mama. Hindi ko mapigilan na umiyak. Anong nangyare sa kanila? Hind mapigil ng luha ko ang nakikita ko.
Mama, Papa gumising kayo! Wag niyo akong iwan... Hindi ko kaya na mawala kayo... Mahigpit kong yinakap sila mama at papa dahil mamimiss ko sila.
Humagulgol na ako ng iyak ng kuhain ng mga nurse sila mama at papa. Iniwan na ako nila mama at papa paano na ako? Wala nang silbe ang buhay ko kapag wala na sila...
Napaupo ako sa sahig at napaiyak. Ganoon din si ate kaya pala hindi siya kumikibo at seryoso siya. Kung sumama na lang din kaya ako kanila mama? Pero natatakot ako at baka magalit sila mama at papa sa gagawin ko kaya hindi ko nalang itutuloy.
Mga ilang oras ay nakatulala na ako at nakatingin na sa kawalan na aalala ko ang mga masasayang araw na kasama ko si mama. Kagabi lang ay inaasar ako nila mama at ang saya-saya namin kagabi at 'yon na pala ang huling araw na makakasama ko siya. Sana pala ay umuwi na ako at hindi ko nalang sila pinaalis ng bahay.
Napapatulo uli ang luha ko dahil sa mga iniisip ko. Hindi ko talaga kaya na wala si Mama para na rin walang saysay ang buhay ko. Ano na ang mangyayare sa akin? Humagulgol na lamang ako ng iyak.
Bakit ba parang ang daming problema sa buhay ko? Bakit parang ang malas ng araw na 'to? Kanina lamang ay hindi ako nakapasok sa honor tas nangyare pa yung ganito. Hindi ko na talaga kaya iiyak ko na lang 'to ngayon hindi bali ng maubusan ng luha at mamaga ang luha ko.
"Chandrella..." rinig kong bulong kaya iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si ate na namumula rin ang mata.
"B-bakit?" Medyo nauutal kong sagot dahil bumabara na ang sipon sa ilong ko. Inabutan niya muna ako ng tissue.
"Hindi kasi kita kayang ipag-aral pwede ba doon ka muna sa Pamilya ng asawa ko doon sa Batangas. Kasama mo naman yung anak ko."
"Ate pinagtatabuyan mo na ba ako?"
"Hindi kailangan ko lang magtrabaho para sa atin. Mas maganda kung doon ka nalang muna mababait naman sila at hindi ka nila sasaktan. May maliit na lupa rin kami doon." Paliwanag niya. Hindi ko gusto ang desisyon niya kaming dalawa na nga lang ay ibibigay niya pa ako sa iba.
"Ayaw kitang iwan," naluluha kong sabi sa kaniya sabay humagulgol. Naramdaman ko na yinakap niya ako ng mahigpit.
Ayoko kong umalis, ayokong iwan si ate... Hindi ko kaya na wala na sila mama tas iiwan ko pa si ate. Hindi!
Tulo ng tulo ang luha sa mata ko kaya pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng tubig sa mata. Naging tulala ako, tama ba ang desisyon ni ate na dalhin ako doon? Pero gusto ko muna sa tabi ni ate hindi ko talaga kaya na wala akong kapamilya.
Bakit ba kasi nangyare to?
Inabutan ako ni Ate ng pagkain pero hindi ko tinanggap. Nawawalan ako ng gana kumain at pakiramdam ko ay maisusuka ko lang iyon at hindi matanggap ng tiyan ko.
*****
Naging excuse ako sa room ng one week. Hindi ko na rin alam ang balita doon. Hindi ko hinawakan ang cellphone ko. Gusto ko sulitin na kasama sila mama.
Bakit ba kasi ambilis nung truck kasi nabunggo sila mama at papa. Bakit sa kanila pa? Pwede naman sa pader nalang...
Pinapanood ko ang ginagawa ni ate inaasikaso niya ang ibang bisita na bumibisita kanila mama at papa. Hindi ko na kayang maglakad ilang araw na akong di kumakain. Sinasabi ko na kumain na ako pero ang totoo hindi pa.
Pakiramdam ko nga ay mukhang na akong ewan hindi ko na rin na aasikaso ang sarili ko. Nawawalan ako ng gana kumilos, nawalan ako ng energy.
Nanatili akong tulala sa kabaong nila at naiiyak ng kaonti hindi ko talaga kaya...
May narinig akong pamilyar na boses dahil rinig na rinig iyon sa labas. Biglang bumungad sa pinto si Sydney at Yssa sabay nakita ko sa likod si Elijah.
"Kaming tatlo lang pumunta pero yung mga kaibigan sabi nila pupunta sila pero mamaya pa raw." Sabi ni Sydney nang makatabi siya sa akin. Hindi ako nakakibo parang nawalan na ako ng boses sa sobrang tahimik ko these days at wala pang kain.
Naramdam ko na yinakap ako nila Sydney hindi ko alam pero naiiyak na naman ng nayakap nila ako at feeling ko ay may nakakaintindi sa nararamdaman ko. Busy na rin kasi si ate at hindi niya rin ako ma asikaso.
"Condolences," sabay-sabay nilang sabi. Nakita ko na inasikaso ni ate sila.
"Kumain ka na ba?" Rinig kong sabi ni Elijah kaya tumingin ako sa kaniya. Katabi ko lang siya, para akong nahihiya sa sarili ko para sa kanila. Kasi hindi pa ako naliligo at kumakain na parang bumagsak na ang katawan ko.
Tumango ako pero ang totoo ay hindi talaga. Kailangan kong magsinungaling kasi baka pilitin ako ng mga 'to na kumain. Eh hindi ko talaga kaya kumain ang huli ko pang nakain ay yung bigay ni Elijah na tinapay.
"Beh parang hindi ka kumakain, bumagsak na yung katawan mo at parang pumayat ka." Nag aalala nilang sabi at hinawakan ang braso ko.
"Oo nga you should eat na eto oh..." sabi niya sabay kuha ng tinapay sa harapan ko kasama ang tubig. Umiling ako.
"Please kailangan mong kumain... magagalit ang mama mo if hindi mo inaasikaso ang sarili mo." Sabi ni Elijah hindi ko alam pero parang may punto siya. Nagagalit si mama paghindi ako kumakain o kaya ay nagsasayang dahil hindi tinatanggap ang grasya.
Kinuha ko nalang iyon at dahan-dahan na binuksan ang plastik at mabagal na kumain pati na rin sila Sydney ay sinasabayan ako pata ganahan raw akong kumain.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng nakasama ko sila pero may sakit pa rin na naiiwan. Buti hindi nila ako nakalimutan.
"Akala ko talaga dadalhin totoo na may sakit ka nung sinundo ka ng ate mo." Sabi ni Sydney at tumatawa ng kaonti.
"Joke joke niyo lang pala 'yon ni Elijah. Hindi mo man lang sinabi." Dagdag na sabi niya sa akin at sabay umiinom ng coke.
"Pero hindi ako tumuwag sa ate mo nagulat na lang din ako na pumunta ang ate mo." Sabi ni Elijah sa akin kaya tumango nalang ako. Ang dahilan kaya pumunta si ate kasi kailangan niya ako at kailangan kong makita sila papa at personal problem 'yon kaya pinayagan ako ng school.
Nagadvice sa akin sila Sydney pero parang lumalabas din sa kabila kong tenga pero pinipilt kong makinig dahil sa adbice nila sa akin ay medyo nagkabuhay ako ng kaonti.
"Basta don't forget what we said ah." Sabi niya at tumango ako. Nagstay ng kaonti sila ng matagal para magkaroon ako ng karamay.
"Ako na bahal sa activities mo at lesson tuturuan kita if nakabalik ka na." Sabi ni Elijah sa akin. Umiling ako sa sinabi niya
"No, hindi mo na kailangan gawin yon. Lilipat na ako ng school pupunta na ako sa Batangas. " wala akong magagawa 'yon ang desisyon ni ate. Nakita ko na lumungkot ang mata niya at nababasa ko 'yon.
"Hala bakit?" Tanong ni Sydney sa akin na ikinalimgon ko.
"Hindi na ako kaya ni ate pag-aralin." Maikli kong sambit at tumingin kanila mama. Nalungkot silang tatlo.
BINABASA MO ANG
His Hometown
Fiksi RemajaSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...
