Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Tyler sa kanto ng school namin. Ang dami naming nakakasalubong na kilala ko pero hindi naman nila ako kilala. Ang iba pa ay nagtitinginan sa amin dahil siguro mukhang artistahin ang kasama ko.
Hinawakan ko siya sa braso habang naglalakad kami at tsaka nagsalita.
"Wag ka mahihiya kanila Kresany mga makukulit lang 'yon pero hindi nangangain." Sabi ko habang natatawa kasi naiimagine kona agad ang mukha nila pag nakita nila itong kasama ko.
Kasi naman kahit na aarawan tong lalaking to minsan moreno minsan ang puti. Ang bilis kasi pumuti kahit laging nasa dagat tas ang kinis pa ng mukha niya minsan nagglow pa mukha niya after mag swimming. Habang ako nangingitim tas ang tagal pa bumalik partida nag sunblock pa ako.
Tinuruan ko rin kasi siya mag-ayos kaya mas naging mas gwapo siya ngayon at maayos. Kaya ngayon ay mas lalo lumabas ang kagwapuhan niya.
Papasok na kami ng gate ay binigyan agad kami ng visitor ID bawal daw kasi ang daya baka raw kasi may mawala for safety of the student na rin.
Malayo palang ay natatanaw ko na sila Sydney sa office banda. Kaya napangiti agad ako dahil sakto ang pagpunta namin ni Tyler.
Mabilis rin napatingin sa akin sila Sydney kaya naka-kaway agad ako at napansin niya ako. Dali-dali silang lumapit sa pwesto namin habang si Tyler naman ay walang binibigay sa na reaksyon sa kanila.
Agad ko silang yinakap ng mahigpit na miss ko talaga sila. Nang magkahiwalay kami ay napatingin si Sydney kay Tyler at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Pati rin si Tyler ay ganoon ang ginawa kaya natawa ako sa kanilang dalawa.
"I'm Sydney ka ano-ano mo siya?" Tanong ni Sydney at panay ang tingin.
"Kilala mo ba ito? Parehas kasi kayo may visitor pass at magakatabi pa kayo."sabi ni Yssa at tinaasan ng kilay si Tyler.
"Gagi kasama ko 'yan."
Nanlaki ang mata nilang dalawa at gulat na gulat sa sinasabi ko.
"For real?" Sabi ni Sydney at tumabi sa akin at tinignan uli si Tyler.
"Ang tangkad naman niyan at porselana pa yata ang balat niyan." Bulong niya sa akin at tumawa.
"Hanapan mo nga rin ako ng ganyan." Dagdag na bulong niya at humalakhak ng malakas kaya napalo siya ni Yssa.
"Ang ingay mo." Saway niya kay Sydney. "Sorry nababaliw lang 'to." Sabi ni Yssa kay Tyler kaya tumango naman si Tyler.
Napatingin sa braso namin si Sydney kaya ngumuso siya bigla kaya kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan sa nginuso niya. Hinabol ko ng tingin ang nginuso niya at nakita ko ang braso namin ni Tyler. Ito siguro yon kaya napatingin uli ako sa kaniya kaya tumango siya sa akin. Napangiti naman ako bigla.
Nagulat ako dahil biglang may umakbay sa akin kaya lalo ako napalapit kay Tyler. Tinignan ko kung sino ang umakbay dahil nabigla ako at ang bigat niya sa tingin ko ay lalaki siya.
Nagulat ako sa nakita ko dahil si Elijah pala ito. Nanlaki rin ang mata nila Sydney dahil nga may kasama ako at sa tingin yata nila ay jowa ko si Tyler.
"Long time no see binibini."sabi niya at inamoy ang buhok ko kaya lumayo ako.
Hindi ako sanay na ganon si Elijah. Ngayon lamang siya naging ganoon sa akin. Dati lamang ay ang bait bait niya at hindi siya ganoon kumilos. Grabe siya dumikit sa akin ngayon.
"Bro distance naman." He said with a serious voice.
Gumitna agad ako sa kanila dahil nakakaramdam ako sa kanilang dalawa na baka mapa-away pa itong dalawa. Visitor lang kami kaya dapat hindi kami mag eskandalo ng ganito.
"Pinagpapalit mo na ba ako?" Biglang tanong ni Elijah kaya hindi ako nakasagot.
Una palang kaibigan na tingin ko sa kaniya. Aaminin ko attract lang ako sa kaniya pero hindi siya yung gusto. Alam ko ang pinagkaiba ng love at attract lang.
"Kaibigan lang tingin ko sayo." Maikli kong sambit masyado na yata akong naging mabait sa kaniya kaya sa tingin niya at gusto ko na rin siya.
"Hinintay kita." Sabi niya at naluluha na hindi ko alam ang gagawin ko para akong nagpapanic ganito ba talaga pag masyado na akong mabait sa lahat.
Hindi ko siya linapitan dahil may nakahawak sa kamay ko si Tyler at ayaw niyang bitawan.
"Sinabi ko ba na maghintay ka?" Hindi ko namalayan na bumuka ang bibig ko at iyon ang nasabi ng bibig ko.
Mali yata ang nasabi ko sa kaniya masyadong mean 'yon sa pagsabi ng straight to the point. Kaya rin ako umiwas na rin sa kaniya para maisip niya na hindi ko talaga siya gusto pero umasa pa rin siya.
"Bro ano ba kaya mo kaya ka niya nagustuhan? Ano? One on one nalang tayo? Kung sino ang matalo lalayo kay Chandrella." Hamon niya kay Tyler pero naramdaman ko na parang lalaban si Tyler pero pilit ko siya na pigilan.
"Wala kang karapatan na kontrolin ako may sarili akong utak para pumili." Bigla ko na naman sabi. Bakit ba labas ako ng labas ng salita hindi ko man lang iniisip ang damdamin niya.
"Para tie nga diba?" Sabi niya kinuha ang gitara sa gilid at pinatugtog iyon.
"Dahil magaling ako mag-gitara dito muna tayo sa level one," Sabi niya at nagsimula magstrum ng gitara.
Nagsimulang magsilapitan, napansin ko na maraming lumapit at nakinig ako at nakaupo na lamang sa gilid. Natanaw ko sila Kresany at papunta sa amin.
"Hoy anong nangyari diyan pinagkakaguluhan kayo diyan?" Bungad nila sa akin at kinamot pa ang ulo.
"Mahabang kwento p're," Sabi ni Sydney kaya napatingin sila.
Lalo na doon sa katabi ko kaya nanlaki ang mata nila sa nakita nila. Agad na lumapit sila at bumulong ng kung ano-ano buti na lamang ay nasagot ko ang marami nilang tanong.
Mabuti na lamang ay close na sila Kresany at Sydney at madali silang nakakapag-usap at kwento kung ano ang unang nangyare. Wala na akong oras para magkwento dahil ang daming chismoso sa school.
"Ikaw na next botohan. Wala dapat bias sa inyo kung sino ang mas magaling siya ang mananalo." Pagyayabang niya.
Aaminin ko magaling siya kumanta kasi lagi siyang nasa banda at tumutugtog siya hindi ko lang alam kay Tyler kasi hindi ko pa siya naririnig kumanta sa harapan ko.
Napakagat nalang ako ng kuko ko kasi baka matalo siya. Nawawalan na ako ng gana kay Elijah dahil sa ginagawa niyang kakaiba para siyang nagbago at parang hindi na siya yung dating Elijah na nakilala ko.
Inayos ni Tyler ang String ng gitara na gamit ni Elijah kanina lamang ang mga tao ay nanatiling manood at ang iba ay nag bubulungan. Nanatili akong manood sa ginagawa ng mga schoolmates nila kresany.
Agad na naghiwayan ang mga tao nang magsimulang kumanta sa harap si Tyler pati rin ako ay nagulat sa kaniya. Halos lumaki ang mata ko sa gulat at sa ginawa niya lalo na ang paborito kong kanta ang tinugtog niya.
Nagpapakita talaga siya ng gilas rito? Masyado naman yatang ginalingan kung ganoon pero alam kong hindi siya ready sa ganitong set up lalo na baguhan lang siya rito sa school namin.

BINABASA MO ANG
His Hometown
Teen FictionSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...