Nasa school na ako hindi parin nawala sa isipan ko yung nangyare sa gitna ng dagat. Matagal kaming nakuha dahil alam naman daw nung nagdrive ng jetski na kasama ko si Tyler at si Tyler na raw ang bahala sa akin kaya kami ang hinuli.
Nakatulala ako sa klase at nahagip ng mata ko si Tyler na paparating palang sa pinto.
Mamaya start na ako sa work ko kasama ko sila Princess at sila Tyler. Masaya naman siguro 'yon kasi may kaibigan naman ako. Mamaya ko na rin makukuha ang uniform namin na damit kasi each day iba iba ang color pero sabi kadalasan ay white ang damit namin para malinis tignan.
Pinanood ko nalang na pumasok si Tyler sa room at kinawayan niya na ako kaya napatingin ang iba kaya nahiya ako ng kaonti kaya yumuko na lang ako.
Napanood ko siya na linapag niya lang ang gamit niya at sabay naglakad patungo sa akin habang nakangiti sa akin. Mabilis siyang nakaupo sa tabi ko dahil wala naman akong katabi.
"Gusto mo samahan kita? Whole day?" He asked.
Nag-isip ako ng ilang minuto bago ito sagutin. Sa tingin ko kailangan ko ng kasama kasi wala pa akong kaibigan at si Princess ay wala rito hindi ko siya kaklase at hindi ko rin alam kung saan siya.
"Sige pero kasama mo ba yung iba mong friends?"
"Oo, sila Jessa pero okay lang naman sa kanila na kasama ka." Aniya at kinuha ang bag ko sa gilid ko.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko agad dahil baka buksan niya ang bag ko at makita niya ang napkin ko roon.
"Ililipat ko lang baka marumihan," aniya na kina-hinga ko ng maluwag. Pinanood ko lang siya na ilagay ang bag ko sa mas maayos dahil sa gilid pala ng mesa namin ay may sabitan at hindi ko iyon napansin dahil maliit lang siya.
"Ay ganiyan ba iyan?" Tanong ko na kina-tango niya bilang sagot sa tanong ko.
"Hindi naman mabigat ang bag mo kaya kaya yan ng mesa mo unless may sampu kang libro diyan sa bag na yan baka gumiba na dahil hindi magiging balance ang mesa mo." Paliwanag niya sa akin at hindi ako nakakibo dahil habang pinapaliwanag niya iyon ay na aalala ko ang kahapon na nangyars sa amin.
"Mamayang recess sabay tayo kanila Jessa ah tsaka makipag-kaibigan kana rin." Aniya at kinawayan ako at tuluyan ng bumalik sa upuan niya. Pinanood ko siyang lumayo at umupo.
"Hi, Upuan ko 'yan. Itong katabi ang walang nakaupo. " rinig kong sabi kaya napatingin ako at nakita ko na tinuro ang katabing upuan.
"Ah ganon ba? Sabi kasi nila ito ang bakante. Sorry," sabi ko na lamang at dali-daling lumipat sa tabi nitong upuan. Umupo naman siya sa kinauupuan ko kanina.
"Transfer ka dine?" Tanong nito sa akin kaya tumango ako sa tanong niya.
"Nice to meet you!" Aniya at inilahad ang kamay kaya tinanggap ko na lamang ito at binati rin siya. Nanatili lang akong tahimik at tulala sa kawalan at napapasulyap kay Tyler. Some of them pang batangas talaga at merong iba nagtatagalog na katulad lang ng sa akin.
"Kilala mo din si Tyler?" Tanong niya na ikinalingon ko.
"Ganire kasi iyan. May kuwento ako sa iyo." Sabi niya at ginanahan akong makinig. Kinewento niya sa akin ang mga kalokohan ni Tyler na kinatawa ko. Pero may positive stories rin naman siya kasi siya lagi ang nagbubuhat sa liga dito sa lugar nila kaya proud din sila pero hindi nga lang katalinuhan sa math si Tyler pero good naman daw siya sa Physics at sa Science.
Nabitin ang kwentuhan namin dahil dumating na rin ang teacher namin para magturo kay mamaya na lang kami magkwentuhan. Tsaka kwento niya rin na lagi siyang high honor kaya dapat lagi siyang nakafocus sa class kasi magagalit ang kaniyang nanay if bumaba ang grades niya.
Alam ko rin ang feeling non kaya naiintindihan ko siya. Kasi naging ganiyan rin sila mama at papa sa akin nung bata ako. Nakakamiss sila mama at papa gusto ko silang bisitahin at pumunta sa Bulacan sa bahay namin.
Sana samahan ako ni Tyler pagbalik ko roon para mapakilala ko siya kanila mama. Aaminin ko medyo nagkagusto na ako sa kaniya ng kaonti.
Recess na namin kaya ngayon ay nakaabang na agad sa akin si Tyler kahit inaayos ko pa ang pera ko.
"Grabe ka naman Tyler lalapit rin naman sayo iyang babaeng iyan may paa naman iyan."
"Gusto ko ako lalapit sa kaniya may magagawa ka ba?" Tanong nito at tila galit ang ekspresyon.
"Sa tingin mo ba aagawin ko iyan?" Tanong ng katabi ko kay Tyler.
"Uo ang lapit-lapit niyo kaya lalo na nung nakatingin ako dine." Sabi niya at tinuro ang pwesto namin.
(Dine: dito)
"Tara na nga." Sabi ko kay Tyler at hinila siya papalayo doon sa seatmate ko dahil baka awayin lang ni Tyler 'yon. Mabilis kaming nakarating sa canteen at natanaw ko pa sila Jessa na nagtatawanan. Lumapit kami doon at tuwang tuwa ang kaibigan ni Tyler na makita ako.
"Date niyo talaga? Eh dapat pala ay hindi na kami kasama," Tanong ng mga ito ng makalapit kami.
Natawa na naman si Tyler sa pinagsasabi nila at sinabi niya ang intensyon namin na makipagkaibigan rin sa kanila lalo na kay Jessa pero sa tingin ko ay ayaw niya sa akin dahil ramdam ko ito. Bilang babae nararamdaman ko at bawat kilo ng babae alam ko ang ibig sabihin.
Katulad ngayon at kanina lamang nakatanaw ako sa malayo ang saya niya ngayong nakalapit na kami ni Tyler ay nagbago na ang awra niya sa tuwing lumalapit ako. Tsaka kahit hindi pa kami magkakilala ni Tyler ang mga tingin niya sa akin ay iba pero hinahayaan ko na lamang iyon. Nasa kaniya na iyon kung ayaw niya makipagkaibigan basta ako andito lang ako.
Nasa classroom na uli kami dahil tapos na nga kaming magrecess at free time namin 'to. Ako ay sinasagutan ko na lahat ng pinapagawa nilang assignment dahil magwowork na kami mamaya tsaka para hindi ko na rin makalimutan.
"Paheram ako ng cellphone mo Tyler." Sigaw ng kaklase ko kaya napatingin ako sa kanila.
"Hoy teka!teka! Si Chandrella ito diba?" Sabi ni Lean at binuksan ang case ni Tyler at maraming lumapit at nakisilip.
"Oo nga si Chandrella." Sabi niya at isa isang hinawakan ang polaroid at tinignan. Lumapit pa ang iba sa akin upang magsimulang magtanong.
"Sa tingin ko ay matagal na ito dine," sabi nito at siniwalat ang case. Si Tyler naman at hindi makuha ang cellphone sa dami nilang nakaharang.
"Kailan pa 'yong picture niyo?" Sabay-sabay nilang tanong sa akin. Hindi ko rin ma alala kung kailan iyon pero matagal tagal na rin iyon.
"Hindi ko alam eh."
"February 15, 2020!" Sigaw niya na kinatingin ng iba at tila kinilig sa sinabi ni Tyler. February pala iyon at hindi ko maalala.
BINABASA MO ANG
His Hometown
Teen FictionSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...