Umaga na ngayon at nagulat ako dahil paggising ko ay wala na siya sa tabi ko. Napakingon pa ko sa lamesa dahil may nakalagay doon.
Tumayo ako at tinignan iyon. May pagkain pala at may nakasulat pa doon na "eat well" at "nasa gym ako"
Dahil sa letter na iyon ay naalam ko na kung nasaan si Tyler. Kinain ko nalang muna ang pagkain na iyon at nag tingin tingin sa cellphone. Napansin ko na ang daming chat nila Kresany at nila Sydney sa akin.
"Girl araw-araw yata date niyo." Basa ko sa text kaya bahagya akong natawa sa chat ni Kresany. Ano bang meron? Wala naman akong pinopost at paano nila iyon nalaman.
Nagback read ako sa Group chat at bumungad sa akin ang dalawang screen shot kung saan nakapost ang picture ko. Nakapost sa instagram niya ang pictures ko kaya nagulat ako.
May Instagram pala itong si tyler at hindi ko alam. Agad kong ini-stalk ang account at kita ko na bagong post lamang iyon.
Ambibilis naman yata ng kaibigan ko na alamin ang nangyayare sa akin. Nahanap pa agad nila ang account habang ako ay hindi ko alam.
Tumunog ang pinto kaya nagulat ako at napabitaw ako sa cellphone ko kaya nalaglag sa sahig. Napatingin ako sa pumasok at si Tyler lang pala iyon.
Dali-daling kong kinuha ang cellphone ko pero nakita niya na may kinuha ako sa sahig agad kong tinago ang cellphone. Binalik ko ang tingin ko sa cellphone ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko dahil sa kasamaang palad ay hindi ko namalayan na heart ko pala ang post niya.
Dahil sa sobrang pagkakaba ko ay na heart ko na ang post niya.
"Are you full? Mamaya baba na tayo para sa buffet. " sabi niya habang pinupunasan ang pawis niya.
"Bakit hindi mo ako sinama sa Gym?" Galit kong tanong sa kaniya habang umiinom ng tubig.
"Tulog ka pa kaya bakit gigisingin kita? Baka magalit ka pa sa akin if ginising kita." Sabi niya at kumuha sa mini fridge ng water bottle.
"Kaya ko naman uli matulog kahit gisingin mo ako." Sabi ko at pinagcross ang kamay at tsaka naupo sa higaan.
"Sure ka?" Natatawa niyang sabi sa akin habang umiinom ng tubig. Humiga nalang ako sa higaan at nagtaklob ng kumot. Nakakatampo siya ang gara niya hindi niya man lang ako sinama.
Kinuha ko ang cellphone ko kahit nakataklob ako ng kumot buti na lamang ay linagay ko sa bulsa ko ang cellphone ko.
Nagchat ako kanila Kresany at buti na lamang ay mabilis nila akong na replyan. Tumawag siya kaya dali dali nag ring ang telepono ko at tsaka ako lumabas para iwan si Tyler. Bahala siya diyan dito nalang muna ako kanila Kresany.
Bumungad sa akin ang bukas na elevator buti na lamang ay nakahabol ako at mabilis akong nakasakay.
Napunta ako sa lobby at doon tumambay muna dahil ayoko na muna kasama si Tyler. Doon kami nagkwentuhan ni Kresany pero hindi naman ako maingay sakto lang baka kasi marinig nila kami.
Pag tumatawa naman ako ay sakto lang dahil kanina lamang ay tumatawa ako ng hindi gaano kalakasan ay nagtinginan na sila.
Ilang minuto rin kaming nag-usap pero natapos rin dahil tinatawag siya ng nanay niya para bumili ng toyo. Narinig ko lang kasi kanina, sumigaw kasi mama niya kaya narinig ko hindi ko rin naman sinasadya.
Napalingon ako dahil may papalit na lalaki nahagip lang ng mata ko. Naglalakad siya patungo sa pwesto ko at napagtanto ko na si Tyler pala iyon.
Kumaway ako sa kaniya pero tinigil ko agad dahil galit nga pala ako sa kaniya at nakalimutan ko ng ilang segundo.
"Lets eat it's already 8 a.m. we should eat na." Salubong niya sa akin at linahad ang kamay.
Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay sabay tumayo at iniwan ko siya doon habang nakalahad ang kamay sa akin.Kaya ngayon ay naglalakad siya mag-isa at nakasunod lang siya sa likuran ko. Inikot ko ang itingin sa bawat mesa at naghanap ng pwesto kung saan kami pero di ako maka isip.Doon nalang kaya kami malapit sa pagkain para mabilis kumuha ng gusto since unli naman rito.
"Saan mo gusto umupo?" Tanong niya sa akin at sabay hinigit ang bewang ko. Kaya nagulat ako pero hinayaan ko nalang muna.Umupo kami sa malapit dahil gusto rin ni Tyler doon.
Umupo ako doon at nakita ko na ang dami na rin palang tao pero konti-konri na silang nadadagdagan at dumarami na ang kumakain.
Agad akong kumuha ng plato at ng gusto ko nung nakaupo na si Tyler sa lamesa namin. Natapos akong kumain at parang ang sarap ng beef nila doon at gusto ko pang kumuha kaya lang nahihiya ako. Pati na rin ang tubig nahihiya akong kumuha kasi ang layo kakausapin mo pa yung bartender para gumawa ng juice.
"Ikaw kumuha nahihiya ako." Sabi ko sa kaniya at nagpacute. Pinakita ko na rin ang plato sa kaniya para makita niya na wala ng lamang ang plato ko.
"No." Diin niyang sabi. Kaya sumama ang tingin ko sa kaniya.
"Please?" At sabay nag beautiful eyes sa kaniya pero parang wala paring effect sa kaniya ang ginagawa ko.
"Nasa buffet ka at bayad naman tayo kaya wag kang mahiya diyan. Isang libo rin ang ganitong buffet kaya kana mahiya. Tsaka sa plato mo kanina ang konti ng kinuha mo." He exclaimed and continue eating his food.
Bumagsak lang ang balikat ko at ngumuso sa sinabi niya. Nahihiya talaga ako kumuha kasi pakiramdam ko ay pinagtitinginan na ako at may binubulong na sila sa isip nila. Grabe talaga minsan ang social anxiety ko bigla bigla sumasapi pag gumagana utak ko.
Tamad akong tumayo at kumuha ng gusto wala talaga tong ganda ko pag si Tyler ang kasama hindi ko pa mauto kaya ang panget ka bonding. Kumuha ako ng juice at hindi ko siya dinalhan.
"Where's mine?" Tanong niya ng makita niya na may hawak akong baso bago umupo.
"Bahala ka r'yan,"sabi ko at uminom ng juice at pinainggit siya kaya tumayo rin siya para kumuha.
Andito na kami sa batangas as usual balik work at aral uli at mag college na kami. Si tyler hindi niya alam kung saan siya mag-aaral pero marami siyang kamag-anak na nakatira sa manila.
Nasa tapat na kami ng bahay ni Tyler at
Nagulat ako sa bumungad dahil may mga bagahe sa labas at binibuhat nila ito papasok.Bumungad sa amin ang mukhang middle 30 na babae at ngumiti sa amin. Agad siyang lumapit sa amin at yinakap si Tyler. Pinanood ko lang sila at shock na shock ako dahil nanay ito ni Tyler dahil kamukha niya.
Andito na ang nanay ni Tyler.
Sabi kasi ni Tyler sa akin na nagwowork ang mom niya sa manila kasama ang kapatid niyang 2 years old at napakalikot non kaya hindi kaya alagaan ng lola niya dahil takbo ito ng takbo tsama si lola ay katandaan na rin kaya hindi niya hinahabol pa.
Natapos silang magyakapan at napatingin siya sa akin kaya nanlaki ang mata ko sa gulat. She gave me the sweetest smile that she have kaya ngumiti rin ako ng matamis sa kaniya.
"Who are you?" She asked me.
"Kapatid yan ni Lovely." Sabi ni lola habang nasa likod at pinapanood kami. Sumunod sa likod ko si ate kaya napatango siya agad.
"Sabi magkasama raw kayo." Sabi ng mama ni Tyler kaya hindi ako nakasagot pero tumango ako para akong nagiging tuod ngayon.
"Oo andoon sila sa bahay ko nag-stay." Sagot ni ate kaya tumango siya at ngumiti.
"Buti naman akala ko nagutuman na tong anak ko." Pagbibiro niya sa amin at tumawa.
Naglakad na kami papasok dahil inaya na kami pumasok sa bahay dahil for sure pagod raw kami sa byahe.

BINABASA MO ANG
His Hometown
Fiksi RemajaSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...