"Ganito pala feeling dito sa loob ang init, dapat pala hindi nalang ako sumali. Wala rin naman tayong pambili ng ticket." Sabi ni Driana at sabay bumuntong ng hininga.
"Laro nalang muna tayo, boring pala here." Sabi ko at umayos ng pagkakaupo.
Naglaro kami doon kahit napaka init sa loob. Tanging electric fan lang ang mayroon ngunit hindi sapat ang hangin na nabibigay non.
Napatingin ako sa binatana dahil may mga naglalandiang bata roon at may naka-agaw rin tingin ko dahil familiar siya at sa tingin ko ay siya ang makakatulong sa amin para makalabas.
At tumpak! Tama ako dahil natatanaw ko si Elijah na nakatingin sa bintana at mukhang pinagmamasdan ang mga tao sa loob. Kumaway ako sa kaniya at kumaway siya pabalik pero umalis rin agad siya. Agad akong nanghina hindi naman pala kami tutulungan. Bumalik na lamang ako sa paglalaro namin.
Ilang minuto and lumipas ay nandoon pa rin kami, dahil nabangot na rin kami sa paglalaro ay lumapit na lang kami sa officers at nakipag-usap roon. Kinuhaan pa kami ng litrato namukhang nakulong talaga.
Bumukas ang pinto at nagtinginan ang lahat dahil sa lakas ng impact ng pagkakabukas. Pwedeng may darating na bagong papasok or may maiilalabas sa loob ng jail booth.
"Laya kana Chandrella!" Sigaw nito na ikinatuwa ko. Kaya lang parang hindi kasama yung mga kaibigan ko.
"Ako lang?" Tanong ko nang makalapit ako sa pintuan.
"Oo teh, ikaw lang naman Chandrella dito!" Sabi ng bakla sa akin at hinila ako palabas ng classroom.
Bumungad sa akin si Elijah na nakatayo sa tapat ng pinto nagulat pa ako sa mukha niya.
"Ikaw nagpalaya sa akin? Ay wag nalang pasok nalang uli ako." Sabi ko dahil baka magkautangpa ako rito at hindi ako tantanan. Tsaka bakit ako lang? Yung mga kaibigan ko paano? Wala rin naman akong pera.
"No wag! Libre ko na yan." Natatawa niyang sabi sa akin. Binigyan ko na lamang siya ng masamang tingin.
"Paano yung kasama ko doon sa loob?" Tanong ko at nakataas pa ang kilay ko.
"Edi bayaran ko na lahat." Sabi niya sa akin sabay lumapit sa isa sa mga miyembro ng boy scout. "Palabasin mo na lahat ng kaibigan nito." Sabay turo sa akin. "ako na magbabayad, bilangin mo sila." Dagdag nito at agad na sumunod ang lalaking kinausap siya. Seriously gagawin niya 'yon? Ang yaman niya naman. Magkano ba ang baon nito kada-araw.
"Mga slapsoil labas!" Sigaw ng bakla at natawa na lang ako dahil rumampa na ang mga kaibigan ko.
"Sabi sayo eh mayaman kaibigan ko," sabi ni Driana sa bakla at tinarayan ito dahil ansungit ng bakla sa amin. Sabagay ay makulit kami kaya bak naiirita siya sa amin.
"Hoy girl andito ka na pala, akala ko iniwan mo na kami. Buti tinubos mo kami saan galing mga ticket mo ambilis mo naman." Sabi ni Kresany sa akin. Biglang tumikhim si Elijah sa tabi ko at lumapit sa kanila. Nagpapansin ba 'to or what?
"Don't tell me jowa mo to? Yang naksulat sa likod mo?" Tanong ni Pollein na nakangisi na at sabay hinawak hawakan ang damit ko.
"Hoy hindi ah." Dipensa ko dahil pinahiram lang naman ako nito.
"Ikaw ba yung Carlsen?" Tanong ni Kresany kay Elijah at tumango ito bilang sagot. Napatingin lang ako sa kanila at sa bawat binibigay nilang reaksyon.
"Taray mo girl nakapulot ka agad ng pogi," asar nila sa akin at itong katabi ko naman ay tumatawa. Siniko ko si Kresany para tumigil na sa pang-aasar sa amin.
"Diba sabi mo aalis kana?" Tanong ko sa kaniya at pilit na nginitian dahil para sumunod siya.
"May utang ka pa sa akin. Bye!" Sabi nito at sabay naglakad na papalayo sa kinakatayuan namin.
"Huh? Saan?" Pasigaw kong sabi dahil baka hindi niya ako marinig dahil lumalayo na siya. Makikita mo talaga sa naggym itong lalaking 'to, likod niya palang halata ba pero hindi naman siyang sobrang bulk sakto lang. Umiling na lamang ako sa iniisip ko. Bakit ka ganyan self?
Pumasok sa isip ko ang ginastos niya para sa mga kaibigan ko. Bayaran ko na lamang yon bukas. Makakapag hintay naman siguro siya.
Kinurot nila at sabay inasar ng mawala na sa paningin namin si Elijah. Tawang tawa sa akin si Kresany at ara silang baliw na nangingisay at ang laki ng ngiti kitang kita mo na nangaasar sila at boto sila kay Elijah.
"Asan na yung pangakong hindi mag-jowa, nako girl tandaan mo yung nabasa ko sayo." Paalala niya ng mga nakita niya para sa future ko.
"Oo girl always noted." Sabi ko sa kaniya at kinindatan.
"Wag kana magpalit ah, yan na gamitin mo pauwi cute naman eh." Kinikilig na sabi ni Driana at tinignan uli ang pangalan sa likod ko.
"Nako yang si Driana mahilig yan mang-agaw ng jersey sa jowa niyan." Asar ni Pollein kay Driana. Totoo naman yon napapansin ko rin sa kaniya. Everytime na nagbibisita ako sa kanila nakita ko ang dami niyang jersey na iisa lang ang apelyido at halatang galing sa jowa niya.
Naglalakad ako at nakita ko si Sydney na pilit na ikinakasal sa wedding booth kasama ang nerd sa school namin. Agad akong naglakad patungo sa kanila dahil nakita ko na hindi masaya si Sydney.
Nakasunod sa akin sil Kresany alam kong nakita rin nila ang nakita ko at alam nila na kaibigan ko rin si Sydney.
"May tututol po ba?" Tanong ng pari parian sa school namin.
"Ako tutol ako!" Sigaw ko at maraming napatingin sa ginawa ko. Napatingin rin agad si Sydney sa akin at lumaki ang ngiti niya. Kinindatan niya pa ako at halatang tuwang tuwa siya na tutol ako.
Sa dami ng naonood wala man lang tumitigil sa kanila kaya naiintindihan ko si Sydney. Agad na natigil ang fake wedding nila kaya agad na nagwalkout ang nerd sa amin. Masakit man mangyare yan, naiintindihan ko siya. Ganyan talaga ang buhay pero alam ko naman na hindi siya panget at alam ko na may tinatago siyang maganda at hindi niya lang kaya iexpress sa iba.
Agad na lumapit sa akin si Sydney at yinakap ako.
"You're a life saver." Bulong niya sa akin ng makayakap siya. Sila Kresany ay nanood lamang. Alam kong nag seselos sila pagdating kanila Sydney pero sana maintindihan nila.
"Hoy mga 'te pinapahanap na lahat ng kaklase natin at kayo nalang ang kulang sasabihin na ang honors. Tas sabi may isa raw na hindi nakapasok tara na punta na tayo kay maam" sabi ni Yssa sa amin at nagkahiwalay na kami nila Kresany.
"Bye! Goodluck alam kong pasok ka sa honor!" Sigaw nila sa akin at nag flying kiss pa sa akin at nagpacute. Sumunod na lamang ako kag Yssa kasama si Sydney.
Kinakabahan ako dahil sa tingin ko ay hindi ako nakasali kasi hindi naman ako matalino at sa tingin ko ay hindi sapat lahat ng ginagawa ko para sa grades ko.
Dahan-dahan akong tumungo sa pwesto namin ni Elijah at kita ko nakatingin siya sa akin. At tila pinagmamasdan ako kaya minadali kong maglakad.
"Sad to say may isang di nakapasok. Dahil ang average niya ay 89.4 at hindi kinaya makapasok. Hindi ako nangbaba ng student ko. Sinasabi ko lang pero sure ko na sa 2nd grading ay pasok na siya."
Rinig ko palang 'yan ay kinakabahan na ako at parang giniginaw na ako sabay pinagpapawisan ang dalawang kamay.
BINABASA MO ANG
His Hometown
Teen FictionSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...