Naglalakad ako ngayon kasama si Elijah, papunta kami ng parking lot. May sasakyan kaya siya? Sumunod lamang ako sa kaniya kahit buhat kaonti ang mga gamit na gagamitin. May huminto sa harapan namin na Toyota Hilux. Naglakad siya patungo doon at sumakay. Sumunod ako sa kaniya, mabilis akong nakasay kahit mataas ito. Nagulat pa ako sa kinilos niya dahil inabot niya ang pinto at sinara iyon.
Tahimik akong nakaupo at walang kibo. Dumating kami sa saktong kalakihan na bahay pero para sakin ay malaki ito at kung ihahambing sa mga bahay rito ay parang sila ang may pinakamalaking bahay.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Elijah at tinulungan ako bumaba dahil masyadong mataas. Hindi ako makakilos dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakita ko sa pumasok siya sa dalawang pinto, sumunod na lamang ako sa kaniya at nakita ko walang tao. Bubungad sa iyo ang high ceiling na sakto lamang at may chandelier na hindi gaano kagarbo. Sumusunod pa rin ako sa yapak niya at nagulat ako dahil huminto siya.
"Umupo ka muna diyan kukuha pa ako ng ibang gamit," aniya at nagsimula uling maglakad patungo sa itaas pinanood ko lamang siya ng mawala siya sa paningin ko ay iniayos ko na ang gamit.
Mabilis siyang nakabihis at pumwesto sa harapan ko naiilang pa akong tumingin dahil naka white shirt siya. Sinimulan na namin gawin ang Investigatory namin at nagulat ako dahil may kumatok sa pinto at agad na bumungad sa amin ang mga kasama niya sa banda na kasama niyang pumasok nung unang pasukan.
Agaran akong nahiya dahil sa ingay na ginawa nila at napansin ko na ako lamang ang babae na andoon. Wala ba talagang ibang tao rito? Wala ba itong kapatid? Asan ang mama niya? Papa niya? Or yaya man lang?
Dahan-dahan kong iniayos ang gamit at nagkatinginan kami sa mata ni Elijah umiwas ako at binalik ang tingin ko sa kanila. Kinuha ko ang bag ko at tumayo para umalis dahil baka ma out of place ako rito.
"Aalis ka na?" Tanong nito sabay hinawakan ang kamay ko. Napalingon ako sa kamay niya at napatingin rin siya doon sabay binitawan ang kamay ko ng mabitawan niya ito ay naglakad na ako. Ngunit napahinto ako sa sinabi niya.
"Okay get out, I won't hesitate to kick you out of the group."
Huminga ako ng malalim at umikot para humarap sa kaniya sabay tinignan siya ng masama. Bina-block mail yata ako nito?
"So?" Nakataas na kilay ko habang nakaharap sa kanila dahil naka upo sila sa sofa.
"Okay 70 percent of your grade will loose at hindi mo pa kilala section namin, what behavior is this?" Sabi nito, napatingin ako sa mga kaibigan niya na nasa akin ang atensyon. Wala akong nagawa kundi bumalik sa pwesto ko. Bumuntong hininga na lamang ako para mawala ang inis ko sa lalaking ito.
Napatingin ako sa pinto at nagulat ako dahil yung lalaking nakikita ko ay yung pogi na nagtitinda ng mais na project lang daw nito ang pagtinda. Ngunit sa akin ng dumapo ang tingin niya. Ngumiti ako pabalik sa kaniya at kumaway. Nang makita ko siya nawala yung inis ko dito kay Elijah.
"Why are you here?" He ask.
"Investigatory?"
"Tss." Napalingon ako sa katabi ko na biglang sumabat. Anong problema nito? Inirapan ko na lamang siya.
"Dude dito ka!" Sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Elijah, mabilis na sumunod yung lalaking nagtitinda ng mais. Hindi ko alam ang pangalan niya pero kilala ko ang mukha niya.
I stared at him, habang naglalakad siya. Linagpasan niya ako pero na amoy ko ang pabango niya. Amoy expensive talaga.
"Kung gusto mo na umuwi. Gawin mo ng mabilis yan pero ayusin mo, make it perfect," sabi nito at ginawa ang kailangan niyang gawin. Hinayaan lang namin na maggulo-gulo sila sa likod basta wag kaming kausapin at idistract. Mabuti nga ay madali silang makausap at mabilis sumunod.
"Did you remember Sydney, I chat her pero she never text me back so interesting," rinig kong sabi sa likod na ikinalingon ko. Naramdaman ko na napatingin sa akin si Elijah. Huminga ako ng malalim para hindi ako madala sa emosyon.
Maraming nangloloko kay Sydney at pinaglalaruan ang damdamin niya, ayoko na maulit iyon. Bumalik na lamang ako sa ginagawa namin. Nakita ko na tumitingin si Elijah sa sinusulat ko pero tinatakpan ko.
"Bakit mo tinatago? magkagroup naman tayo."
"Pake mo ba?" Sabi ko at tinakpan ang mga sinulat ko.
Pero parang huli na yata ako dahil nabasa niya yung nasa unahan."Oh i see unang una pa lang ay may mali na agad. Put believe instead of we think kasi parang hindi ka sure sa sagot mo if ilalagay mo yang we think."
"Sabi ko nga," wala akong nagawa kund baguhin iyon at basahin paulit ulit.
"Also this, all of this question is not related to our topic," ani nito at tinuro ang papel kung saan nakalagay ang statement of the problem.
"Sige babaguhin ko," kumuha ako ng panibago papel at nagsulat ng panibago masyado naman 'tong perfect. Hindi kakayanin ng braincells ko. Sinunod ko na lamang ang utos niya at mabilis ko 'yon natapos.
"I'm done!" Sabi ko at nag-unat unat dahil sumakit ang kamay ko kakatype at kakasulat.
"Okay akin na, you can go to your home now." Sabi nito.
"Tapos na kayo?" Tanong ng mga kaibigan niya. Kakasabi ko lang tinatanong niya pa, bingi ba 'to?
"Can we watch Netflix?" Tanong nito at pinanood ko na lamang sila pero kumikilos pa rin ako dahil tinatabi ko ang ibang gamit.
"Yes, pero wag kayong maingay."
"Hindi mo ba siya ihahatid?" Tanong ng isa ng makatayo ako. Napatingin ako sa kanila at napatitig lang.
"Oo nga its better na ihatid mo siya, babae pa naman iyan delikado na sa labas dahil magdidilim na." Sabi nung nagtitinda ng mais nung nakita ko noon. "Or ako nalang maghatid sa kaniya?" Dagdag nito na ikinatayo ni Elijah.
"Fine, tara na." Maikli nitong sambit at kinuha sa gilid ang hoodie niya. Naglakad na ako at iniwan sila. Hinintay ko si Elijah na lumabas ng pinto, ngunit kinuha niya pa ang kaniyang susi.
Inalalayan niya akong sumakay sa sasakyan, ang gentle man naman nito. Sabagay top 1 sa klase at magaling sa math.
"Where did you met him?" Tanong nito sa akin.
"Hm? Sino?" I asked.
"Justine?" He raised his brows.
"Sinong justine?"
"Yung kinawayan mo kanina,"
"Ah siya ba? Nagtitinda kasi siya noon tas napabili ako sa tinda niyang mais." Sabi ko sabay natawa dahil na alala ko yung nangyare kahit wala na akong pera bumili parin ako sa kaniya.
"Why are you laughing?" He asked while driving.
"Nothing."
Mabilis kaming nakarating sa amin ag nakita ko na may sasakyan sa labas ng bahay namin.
"Sinong tao samin?" Bulong ko sa sarili ko.
"What?" He asked.
"Ah, nothing." Nahihiya kong sabi. "By the way Thank you sa paghatid sa akin!" Nakangiti kong sabi sa kaniya at lumabas na ng sasakyan at hinintay siyang umalis. Kumaway kaway pa ako nang nakalayo siya.
Nasa labas ako ng bahay at nakita ko may sasakyang nakaparking sa tapat namin. May bisita? Sino naman iyon?
Pagkauwi ko nakita ko si ate at may kasamang lalaki, kung ako ang tatanungin ay hindi ko siya kilala pero sa tingin ko ay boyfriend ito ni ate. Sinabi ay gaganapin na raw ang kasal ng ate ko ang mapapangasawa niya ay taga Batangas.
Maganda kaya sa batangas? Gusto ko pumunta doon, sabi nila ay maraming dagat doon at magaganda. Sure ako si ate ay nakapunta na doon kasi sabi niya 5 years na sila. Impossible naman na hindi pa siya nakakapunta doon. Kaya sure alam na alam niya na doon, pero matagal ang byahe papunta doon. Bulacan hanggang Batangas siguro ay aabutin ito ng 4hours. Siguro ay makakapunta na rin ako ng Tagaytay niyan dahil magkalapit lang ang Tagaytay at Batangas.
Hindi pa alam nila ate kung saan sila ikakasal pero ang balak nila ay Beach wedding pero gusto rin nila ng Church wedding basta raw simple lang. Basta raw sa august ay dapat na silang ikasal dahil sasakay na ng barko ang asawa niya.
Natapos na ang hell week namin which is exam and also puro projects kasi nga matatapos na itong 1st grading.
BINABASA MO ANG
His Hometown
Novela JuvenilSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...