Chapter 12

40 31 5
                                    

"Kinausap ko na lahat ng guro ayaw nila mag add ng points para makasama siya. Ididikit kona ang honor. Hindi baling nakasama ka pero alam kong ginawa mo ang best mo." Sabi ni maam sabay lumapit na sa pader upang idikit ang honors.

Mabilis silang nagsitayuan sa kanilang mga upuan. Pati na rin sila isa ay nakipag unahan na rin upang tignan. Dahil nga nasa cream section kami ay decimal points lang ang nagkakaiba.

Hindi ako makagalaw at ramdam 'yon ng katabi ko. Hindi siya tumayo at tila pinapakiramdaman ako. Unti unti tumulo ang luha sa mata ko pero pinipigilan ko iyon. Napatingin na sa akin si Elijah pero tinakpan ko nalang agad ang mukha ko para hindi niya ako makita.

Malungkot na bumalik sa upuan sila Yssa kasama si Sydney. Ramdam ko ang lungkot nila. May iba pang nagbubulungan dahil sa naging resulta.

"Hoy pare top 1 paren. Congrats! 95 agad ang average sana all pare!" Sabi ng mga kaibigan niyang lalaki. Napanood nalang ako sa kanila. Kasama kaya ako? Tignan ko nalang mamaya pag mag isa nalang ako.

Lunch na ngayona ay hindi pa rin tumatayo 'tong katabi ko at parang ayaw yata ipakita. Sinasamahan pa nga ata ako nito. Agad na naubos ang tao sa classroom namin dahil masasaya silang lumabas. Inaya pa ako nila Sydney pero hindi na lang ako sumama wala akong gana. Inintindi nalang nila ako na mapag-isa.

"Oy hindi ka aalis?" Tanong ko ng tuluyan ng ubos ang tao at kaming dalawa nalang.

"Hindi bakit?" Nakataas na kilay na tanong nito sa akin at binalik ang tingin niya sa pacheck ng papel namin.

"Sabi ko nga." Sabi ko nalang at yumuko. Wala na nga talaga akong pag-asa na makita 'to. Mamayang uwian nalang cleaners naman ako mamaya.

Nanatili na kaming ganoon ni Elijah sa loob ng classroom. Tahimik at tanging aircon at libro lang ang maririnig pero ramdam ko nga na nagiingat siya na mag-ingay. Gusto ko siya kausapin para macomfort ako pero parang ayaw nya ako kausapin dahil sa katahimikan ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako sa lakas ng ingay na dumaloy sa taing ko at tama nga andito na ang mga kaklase ko pero bakit parang may teacher? Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para silipin at nagulat nga ako may teacher nga! Hindi ko alam ang gagawin ko kaya yumuko nalang uli ako at sabay humarap kay Elijah.

"Pst!"mahina kong sabi agad naman din siyang napalingon. Binigyan ko siya ng masamang tingin dahil hindi niya ako ginising.

"Bakit hindi mo ako ginising. Andyan na pala si maam." Mahina kong sabi sa kaniya at bumuntong hininga na lamang.

"Sinabi ko ay sakit ka sakto mainit ka nung tinignan ka ni maam." Sabi niya habang naka-yuko. Hindi ko alam dahil sa sinabi niyang iyon ay parang nawala nga yung stress na naiisip ko kanina. Nastress kasi ako sa result at alam kong ako yung hindi nasali sa amin.

"Salamat."

Kumindat na lang siya at naging busy. Inikot ko ang ulo ko upang humarap sa pader habang nakapalumbaba sa upuan. Napatitig ako doon at nag isip-isip.

"Maam gising na po si Chandrella pwede na po siya lumipat sa clinc para hindi madistract ang mga kaklase ko maam." Rinig kong sabi. Biglaang suggest ni Elijah na ikinagulat ko. Tinotoo niya talaga na mapunta ako sa clinic? Pero gusto ko rin parang pahinga ko na rin ito.

"Okay sige. Since you're the top 1 in this section and hindi ka nahuhuli sa lesson paki hatid nalang siya since seatmate naman kayo diyan." Sabi ni maam at nagproceed na magturo. Agad akong kinalabit ni Elijah na ikinalingon ko.

"Tara na." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko pero hindi naman ako nakakuha ng atensyon ng iba.

"Oo na sasama ako pero wag mo naman hawakan kamay ko. May paa ako." Sarcastiko kong sagot at tumayo. Nakita ko ba na bumulong sa hangin sila Sydney  ng "Get well soon."

Sabay kaming lumabas ng pinto ni Elijah at naglakad kami patungo sa clinic. Magiging maganda ang tulog ko nito dahil masarap humiga doon at may unan. Hindi katulad sa classroom ay sakit ng likod ang aabutin ko at ang init pa doon.

Buti pa rito sa clinic ay may aircon at malamig. Malapit pa ako at madali akong makakahingi ng Katinko tapos tahimik.

"Bakit mo pala nasabi na may sakit ako?" Biglang tanong ko dahil pumasok sa isipan ko.

"Mukha ka kasing pagod." Maikli niyang sambit habang nakahawak sa bulsa niya.

"'Yon lang? Buti at naniwala sila maam sayo? Kaya rin naman naniwala 'yon kasi Top 1 ka and pag kaming hindi katalinuhan sabihin nag iinarte." Sabi kong ganon at nagcross ng kamay habang naglalakad. Wala naman estudyanteng nakakalat rito at walang nakarinig sa pinaguusapan namin.

"Hayaan mo na." Sabi niya at hinatid ako sa pinto at kinusap ang nurse pero hindi ko na narinig dahil dali-dali na akong pumwesto malapit sa aircon at dali-daling humiga sa kama ng clinic.

"Hay ang sarap humiga." Bulong ko at yinakap ang unan. Ang lambot talaga ng unan dito.

Nagulat ako dahil biglang biniksan ni Elijah ang kurtina  kaya bumungad siya sa harapan ko.

"Balik ka na sa room. Thank you ah!" Nakangiti kong sabi habang yakap-yakap ang unan.

"Babalik ako mamaya." Sabi niya at iniwan na ako doon dahil ambilis niyang maglakad at hindi ko na nasabi sa kaniya na pakisabi sa aking ang mga gawain para hindi ako mahuli at ibang lesson na ma missed ko.

Pero hayaan mo na matutulog na lang ako para makapagpahinga. Nanatili akong nakahiga ngunit parang hindi ako inaantok kaya tumitig na lang ako sa kisame at nagisip-isip ng kung ano-ano para makatulog.

Naramdaman ko na may pumasok kaya agad akong pumikit dahil baka teacher ko 'yon at sinisilip kung okay lang ako. Nagtulog tulugan muna ako at pinakiramdaman kung ano ang sunod na mangyayare.

Naramdaman ko na bumukas ang kurtina na nakabalot at binalik ito sa dati. Unti unti kong binuksan ang mata ko para hindi makita na gising ako.

"Alam kong gising ka." Sabi nito at binigay ang isang bote ng tubig at tinapay.

"Alam kong hindi ka pa kumakain kaya binilhan kita." Dagdag niya at umupo sa gilid. Pinanood ko ang bawat kilos n ginagawa niya.

"Kakain ka o..." hindi niya natuloy ang kaniyang sinabi. Kaya natawa ako ng kaonti.

Binuksan ko nalang din ang pagkain na iyon ay kinain ko na. Pinanood ko siyang nagtitip sa kaniyang cellphone.

"Hindi ka pa babalik sa classroom?" Tanong ko sa kaniya habang kinakain ang tinapay na dala niya.

"Uhm hindi."

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Ngayon ay dapat nasa klase na siya, class hours pa ngayon.

"Inutusan ako ni maam na pumunta ng faculty room eh mabilis ako kaya ayon marami pa akong oras. Tsaka sabi icheck rin daw kita baka raw wala kana rito." Sabi niya habang natatawa at ako'y napatawa rin. Mabilis kong naubos ang pagkain ko kaya linagay ko agad ito sa basurahan.

"Maraming salamat!" Masaya kong sabi kay Elijah.

"Una na ako papadala ko pa ito kay Ms.Suarez." turo niya sa konting papel.

"Ah sige ingat ka ah." Sabi ko sa kaniya at tuluyan na siyang umalis. Napatulala na naman uli ako sa kisame ng clinic pero hindi naman agad ako humiga kasi kakaian ko lang naman.

"Uhm excuse po kay Chandrella." Rinig kong sabi na ikinatayo ko. Pamilyar ang boses kaya agad akong lumabas ng pinto at nagulat na andoon si ate.

Tinawagan ba ni Elijah si ate? Sakit-sakitan lang naman ito ah bakit naman kailangan pa akong sunduin?

Kinuha ako ang gamit ko at iniayos ng kaonti ang higaan. Mabilis akong nakalabas at sinundan ko si ate na ambilis ng lakad.

"Pwede pong iexcuse si Chandrella maam."

Mabilis kaming pumunta sa classroom para ipag-paalam ako. Nagkausap na ang teacher ko at si ate. Nakita ko pa na kumunot ang noo ni Elijah ng makita na dumating kami.

Nagkibit balikat siya nung tignan ko siya. Huh?

Mabilis naman kaming naka-alis  at dali-dali akong pinasakay ni ate sa sasakyan niya. Ano bang meron? Bakit parang madaling madali si ate?

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon