Chapter 14

33 30 3
                                    

One week na ang nakalipas at nalibing na rin sila mama. Minomonitor ako nila Sydney at nila Kresany dahil baka raw pinapabayaan ko na ang sarili ko.

Aalis na ako sa school ko at inayos na ni ate ang mga kailangan. Ang gagawin ko lang naman daw doon ay magaral at gawin ko nalang daw busy ang sarili ko sa pagwork sa resort ng nanay ng asawa ni ate para rin daw hindi ako malungkot sa bahay.

Magkakaroon din daw ako ng exprience if doon ako. Wala akong magagawa kailangan kong sumunod para rin naman ito sa ikabubuti ko.

Kasalukuyan na akong nasa byahe nalulungkot pa rin ako. Mamimiss ko sila ate at kuya. May sarili rin kasi silang anak kaya walang kayang magbigay ng pang-aral sa akin. Lalo na ngayon at malapit na akong magkolehiyo.

Nakatulala lang ako sa kawalan. Ang saya pala ng roadtrip lalo na kung nasa Skyway kasi ang taas niyo tas ka-level niyo yung ibang buildings. Dali-dali kong linabas ang earphones ko para makapagpatugtog ako dahil ang hina ng tugtugan nila ate kaya mag-sasarili na lang ako. Agad na nag-play ang kanta sa musics ko.

Ang ganda talaga sabayan ng ganito nasa roadtrip at chill music dala ng kanta at lalim ng pag-iisip ay nakatulog na ako.

Nagulat ako sa lakas ng pagsara ng pinto kaya dali-dali akong napabangon at tinignan ko agad ang labas at nagulat ako dahil na sa Matabungkay na ako. Ambilis naman yata? Sabagay ay sa Skyway kami dumaan at deresto lamang ang daan patungo sa Batangas.

Agad akong lumabas at hinanap ng mata ko si Ate nasaan na si Ate? Nakita ko ang asawa ni ate na binababa na ang gamit ko. Totoo ba? Andito na ako?

Sinundan ko abg ginawa ng asawa ni ate at doon kami napadpad sa compound na bahay at may 10 meters para makapunta sa dagat. Natanaw ko ang dagat at puro bangka rito na maaring sakyan ngunit hindi ko alam kung para saan iyon. Natanaw ko rin na may mga nakalutang na mga kubo at doon yata nag rerenta ang mga taong turista dito.

Pumasok ako sa isang compound at nakita ko ang ate ko na nakikipag-usap sa katandaang babae at satingin ko ay nasa 75 na gulang na siya.

Nakarinig ako ng ingay sa labas at nagulat ako sa nakita ko halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko ngayon. Siya ba uli iyan? Parang kailanlan ko lang siya nakita tas nagkita uli kami?

Siguro ay taga rito nga talaga siya kasi nung huli ko siyang nakita ay andito na siya. I saw him before nung andoon kami sa Resort na pinuntahan namin and pumunta siya doon sa malapit sa dagat. So kaya pala naka bike siya tas doon niya lang iniwan kasi taga roon pala siya.

Nakita ko silang naglalakad patungo sa amin kasama si Jessa at iba pabng tao pero sa tingin ko sila yung nang-aasar sa amin ni Tyler.

Dali-dali akong kumapit kay ate para nagtago pero huli na ang lahat dahil nakapasok na sila sa gate. Ambibilis naman nilang maglakad papunta rito tumakbo ba sila?

"Hi lola! Pabili daw po kami ng Ice Cream." Sabi nila at nagpili-pili na ng kanilang gusto at nagulat pa si Tyler ng makita ako at kasama ang ate ko.

Nung time kasi na nagdagat kami hindi nakasama si Ate sa swimming kasi busy siya at hindi niya pa nasasabi na may kakilala pala siya rito and also biglaang swimming din ang nangyare sa amin noon kaya hindi rin siya aware.

"Pst!" Rinig ko pero mahina kaya hinanap ko kung sino iyon at napatingin ako kay Tyler na nakatingin sa akin at nakaupo sa gilid. Nagsalita siya sa hangin na "bakit ka andito?"

Mabilis ko iyong naintindihan dahil halata agad sa bibig niya at reaksyon ng mukha niya.

"Tyler tara rito pumili ka libre kita!" Sigaw ni Jessa na iki-nalingon ko. Masyado talaga siyang maganda.

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon