"Hindi ka maganda," aniya na nakinagulat ko at sinambunutan ang sarili.
"Hala gago?!"
"Oo nga 'yon ang sinabi ko. Ang duga naman baka pinalitan mo ng na tama ko yung sagot," pangangatwiran ko.
May dare na naman ako?! Lord bakit ganito?
Sinamaan ko ng tingin si Tyler at naiinis na humarap sa kanya upang malaman ko kung anong dare ang ipapagawa niya sa'kin.
"Una kong dare ay kantahan mo ako,"
Nanlaki ang mata ko. Ano kanta potang ina! Hindi ako magaling. Aangal na dapat ako kaya lang pinanlakihan niya ako ng mata. Kaya ibig sabihin non dare ay dare, talo kung talo. Walang makakabago non.
"Ano naman kakantahin ko?" Tanong ko dahil baka pumiyok pa ako at hindi rin ako maka isip ng maganda kanta, baka paglove song eh isipin niya na para sa kanya yun.
"Hm ano ba alam mo?" Tanong niya sa akin. Umilimg ako.
Marami akong alam na kanta pero sintunado ako. Maganda ang music taste ko pero hindi naman pinalad sa boses pero okay lang yun para sa akin, ang mahalaga buhay.
"Bigay ka title pipili ako," sabi ko at naglakad-lakad. Kinakabahan ako dahil baka pabiritin ako nakakahiya. Hindi ako sanay ng ganoon.
"Hm, Ikaw lang..."
"Ng ano? Nina Nobita? Kiyo? Or ikaw lang sapat na?"
Bigla siyang natawa sa pinagsasabi ko. May mali ba akong nasabi? Kumunot ang noo ko. Matagal siyang sumagot sa tanong ko dahil di mawala ang ngiti niya.
"Anong tinatawa mo? anong ikaw lang?" Sabi ko sa kanya at hinampas ko siya ng malakas kaya na pa amba siya sa sakit ng hampas ko.
Kasalanan niya 'yon dahil ayaw niya agad sumagot.
"Ikaw lang sapat na, meron ba non?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako.
"Pero ayoko non kaya ikaw lang," sabi niya habang tumatawa. Hinapas ko na naman siya.
"Aray! Ano ba yan nakakadalawa kana ah," sabi niya at inaamba na naman ang parteng hinampas ko.
"So? Tagal mo eh, pipili ka lang kung gawa ni nobita o ni kiyo eh," sabi ko sa kanya at umirap sa kawalan.
"Hm... nobita nalang" sabi niya.
Huminga ako ng malalim bago magstart kumanta. Pero nakita ko ang mata niyang nakatitig kaya medyo nailang ako.
"Ay teka! Pwede wag kang tumitig naiilang kasi ako non. Like kumakanta ako tas may nakatitig, so disgusting eh, kaya mag side ka nalang," sabi ko at dahan-dahan siyang tinulak.
Mabuti at sumunod 'to
Nagsimula na akong kumanta ng mawala ang kaba ko. Feeling ko ay nanginginig ang boses ko nung kinanta ko 'yon. At hindi maganda pakinggan.
Natapos akong kumanta ay feeling ko ay nasa concert na ako. Pero napaisip ako siya ang una kong nakantahan ng ganoon. Hindi ko rin yan nagagawa sa mga kaibigan ko tanging siya lang.
"Oh ano tapos na, ano next ang easy naman niyan" sabi ko at nagpagpag ng damit.
"Next kong dare ay, sama ka sakin bukas,"
Kumunot ang noo ko. Bakit naman? Saan niya naman ako dadalhin? Bakit ako sasama? Baka mawala pa ako rito.
"Hala bakit naman ako sasama sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi nga kita bestfriend," dagdag ko. Tumawa siya.
"Magkakilala naman tayo, tsaka wala akong gagawing masama," aniya.

BINABASA MO ANG
His Hometown
Teen FictionSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...