Chapter 16

31 30 2
                                    

Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan dahil may sasabihin raw sila sa akin sa tingin ko ay mahalaga iyon dahil mukha silang nagmamadali at seryoso pa. Ano naman kaya ang gagawin?

Nakaupo na ako sa pwesto ko at naging katabi ko pa itong si Tyler. Kumain nalang muna ako dahil ang tagal rin nila magsalita. Nakiramdam nalang muna ako at tahimik na kumain. Mga ilang minuto ang lumipas ay nagsalita na sila kaya ini-angat ko na ang tingin ko upang makinig.

"Chandrella maari mo bang samahan si Tyler bukas doon sa Liga niya sa basketball." Panimula ni lola na iki-nagulat ko.

"Po?" 'Yan na lamang ang nasabi ko kasi sasamahan ko siya bakit? Ano bang meron?

"Tutal wala ka naman nang gagawin tsaka after ng gala niyo dalhin ka niya sa resort ng tita ni Tyler para doon kana rin mag-work para may extra income ka at mabili mo yung mga gusto mo." Sabi ni Ate Margaux sa akin na ikina-tango ko nalang. Wala akong masabi para rin akong tuod na hindi na makagalaw napalingon pa ako sa katabi kong si Tyler na hindi rin maipinta ang mukha.

"Tsaka aalis rin kami at kung magstay ka rito ay wala kang kasama at iyon ay delikado. Pupunta kasi kami sa Port para ihatid si Ate Margaux pupunta siya ng Romblon." Paliwanag ni Lola tumango na lamang ako at isinubo ang patatas na nasa plato.

Sasama talaga ako sa laban niya? Manood ako ibig sabihin andoon ako parang naka-support sa kaniya? Wala akong alam sa basketball ang alam ko lang ay Volleyball pero sa tingin ko ay madali lamang iyon matutunan.

Nakalabas na kami ng bahay at kasama ko na si Tyler dito sa gate at naghihintay na ng tricycle para mabilis makapunta sa basketball court dahil baka maubos ang oras niya kung maglalakad kami at maubos ang lakas niya. Baka ang mangyare ay papunta palang kami siya ay pagod na. Tinulungan ko na rin siya sa gamit niya kasi lilibre niya daw ako sa lahat.

"Oh talaga? Sports ka rin?" Tanong niya nang nakatayo na kami at naghihintay ng Tricycle na dadaan dahil na ikwento ko ang expirience ko sa volleyball.

"Oo sa Volleyball." Sambit ko at kinuha ang panyo ko dahil tirik na tirik ang araw at naiinitan ako.

"So matchy kayo pareho?" Biglang sabat ni Jessa nang makalapit sa pwesto namin. Nagulat kami dahil sa biglaang niyang pagdating kasi hindi naman siya kinausap ni Tyler na sumama. Napansin ko na dumarating na rin ang mga kaibigan ni Tyler. Bakit sila andito? Pwede naman na mamaya na sila magkita-kita.

"Bagay talaga kayo pare hindi ko akalain na into sports ka rin pala hindi kasi halata sa built ng katawan mo. Siguro ay into Tyler ka rin." Natatawa nilang sabi at nag-apir pa. Hinayaan ko na lamang siya at linabas na lamang sa kabila kong tenga. Napasin ko pa na pinagcross na ni Jessa ang dalawa niyang kamay dahil yata sa sinabi ng kaibigan ni Tyler.

"Oo nga, balita ko may picture raw kayo?" biglang sabi ng isang tahimik na lalaki na ikina-lingon ko. Paano niya nalaman iyon?

Bigla akong napatingin sa paparating na Tricycle dahil narinig ko ito kaya hindi ko na natanong ang huling usapan. Inalalayan ako ni Tyler na makapasok sa tricyle at sumakay na rin siya sa tabi ko. Medyo masikip dahil sa tangkad niya at laki niya pero keri ko pa naman.

"Si je--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na umandar ang tricycle ay naiwan na doon ang iba niyang kaibigan at kasama na rin si Jessa. Hindi ako nakakibo dahil sa nangyare ganito ba talaga 'to?

Sa pangalawang Tricycle siguro na yung iba kaya naiwan na din siya.

Wala bang gentleman na lalaki sa kaibigan niya? Red flag ba itong si Tyler? Or si Elijah ang Redflag? Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na malapit na pala kami makarating.

Ikinuha ni Tyler sa bag niya ang wallet niya kasama na rin ang cellphone niya. Kumuha siya ng trenta doon sa wallet at tsaka binuksan ang cellphone may napansin pa akong pamilyar sa likod ng cellphone niya pero hindi ako makagalaw kaya hindi ko nakita. Pinanood ko nalang ang bawat kilos niya pero nakatingin lang siya sa cellphone niya at parang may kausap. Mabilis kaming nakarating at agad na bumaba.

"Bakit hindi mo pinasakay si Jessa?" Tanong ko sa kaniya dahil sa nangyare kanina.

"Gusto katabi ni Jake si Jessa crush niya iyon, Bakit mo pala naitanong?" Sabi niya habang iniaabot ang bayad sa Tricycle kaya napatango nalang ako at napatahimik na lang.

Nagsimula kaming maglakad patungo doon sa court. Maraming bulungan ang maririnig dahil siguro bagong salta ako rito sa lugar nila. Hindi kasi ako di gaano lumalabas doon lang lagi ako sa School dumederetso.

"Dito ka umupo malapit sa upuan ko." Aniya at binigay ang bag sa akin kasama ang tubig. Inilagay niya ang telepono niya sa kamay ko at sabay nag stretch. Iniikot ko ang cellphone para tignan ang likod dahil ito na ang oras para makita yung picture. Nagulat ako sa nakita ko nasa phone case pa nga ni Tyler yung polaroid namin.

Dahil sa nakita ko nahihiya na tuloy ako kay Tyler humarap. Bakit andito yung picture?

Napansin ko na nagsisidatingan na rin sila Jessa at kaibigan ni Tyler pero si Jessa ay hindi nakaupo malapit sa amin. Medyo nasa kalayuan siya kumpara sa akin. Pansin ko rin na ang lungkot ng mukha niya at mukha naiinis din ayon lamang sa nakikita ko.

"Kasama mo si Tyler?" Rinig kong tanong kaya agad akong napalingon kung saan nang galing ang nagtanong. Humarap sa akin ang magandang babae at sobrang kinis ng mukha at amputi niya rin sa tingin ko ay hindi siya taga rito pero bakit kilala niya si Tyler?

"Ha? po?" Iyan na lamang ang nasabi ko sa kaniya.

"I mean did you know Tyler?" Pagpapaliwanag niya sa akin at umupo sa tabi ko na amoy ko pa ng kaonti ang pabango niya.

Napalingon ako kay Tyler na busy makipag-usap sa coach nila at tila seryoso ang mukha. Jowa ba ito ni Tyler? Dapat na yata akong umalis rito?

"Ah eh opo..." mahina kong sambit dito sa kausap ko at binigyan niya ako ng masayang ngiti na ikina-kunot ng noo ko. Anong meron? Sino ba ito?

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon