"Ang galing mo naman kanina?" Aniya na ikinahiya ko. Hindi naman ako marunong doon baka siya? Siya ang nanguna.
"Baka ikaw?" Balik kong tanong sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
"Ice lang siguro?" Aniya at natawa.
"Huh huh ice? What do you mean?" Tanong ko at sabay tumawa nalang para mawala ang tahimik na bumabalot.
"Basta."
"Ano gusto mo kainin?" Dagdag niya at iniba ang usapan. Napaisip ako, oo nga 'no kaya lang parang busog pa ako.
"Hindi ko alam." 'Yan na lamang ang nasabi ko sa kaniya. Nakarinig kami ng tunog sa labas na ikina-labas namin ng pinto ni Tyler at bumungad sa amin sila lola.
Agad kaming lumapit doon at binuksan ang saradong gate. Bumungad kami sa kanila at kita ko na pagod sila.
"Bakit sinara niyo pa ang gate wala naman magnanakaw rito." Sabi ni lola sabay naglakad nalang at linagpasan kami kaya napayuko na lamang ako.
Sumunod kami kay lola at inalalayan na lamang siya dahil nasa edad na 75 na siya. Nang nakapasok na si lola sa pinto ay kinausap ko si Tyler.
"Bukas daw ah banana boat tayo gusto ko ma try tsaka snorkling lang. Pahiram lang naman ng 2hours niyo." Sabi ko sa kaniya at kinindatan siya sabay iniwan siya doon.
"Sige sasama ako!" Sigaw niya ng nakarating na ako sa pinto ng bahay ko. Nginitian ko na lamang siya at pumasok na bahay.
"Tara na girl!fighting!" Sabi ni Princess sa akin at pinakita na nakabikini lang siya. Ang taas ng confidence niya sana ako rin. Naka short lang kasi ako tas naka rush guard.
"I'm pretty sure na hindi ka marunong lumangoy?" Tanong ni Princess habang natatawa. Tumango ako ng dahan-dahan.
Hindi kasi kami pala swimming noon kaya hindi ako marunong at tsaka walang nagtuturo sa akin. Hindi ko kaya na huminga sa tubig ng matagal.
"So? Ako sasalo sa kaniya if malunod siya." Sabi ng nasa likod ko na ikina lingon ko si Tyler pala.
"Ay shala sana ako rin dapat pala ag hindi rin ako marunong lumangoy para may sasalo." Sabi ni Princess at tumawa ng malakas.
"Reto moko Tyler madami ka naman kaibigan na magaling tumira... sa basketball," Sabi ni Princess at umupo sa upuan.
"Sige hanapan kita pero tanong mo muna sa kuya mo kung pwede ka." Sabi ni Tyler at tumawa. Kinuha niya ang kamay ko sabay naglakad at sumunod na lamang ako sa kaniya.
"Kuha na tayo ng ma aarkilahan na banana boat." Aniya at nagalakad lang sumod lang ako sa kaniya. Masyado palang mainit pag 12nn na buti na lamang ay 9am palang.
Nakarating kami sa maraming jetski, maraming bumati sa kaniya pero kinawayan niya lamang iyon.
"Ang dami mo namang kakilala" bulong ko sa kaniya na kinatawa niya.
"Pogi ba naman?"
Mabilis kaming nakakuha dahil kinuha ni Tyler ang kaibigan niya. Bumalik kami sa resort para sunduin ang kasama namin. Hindi na sumama sila Jessa dahil busy raw sila at may kailangan pa silang asikaso.
"Hoy akala ko kung saan na kayo napunta kumuha lang pala kayo." Bungad sa akin ni Princess at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Tara na!" Tawag ni Princess sa kasama namin. Six kaming pwepwesto sa banana boat dahil pang six seaters lang 'to.
Agad na naglapitan ang mga kasama namin at tumakbo pa sila. Pinagkukuha namin ang life vest na kasya sa amin dali-dali kaming pumwesto. Sa harap ako na pwesto tapos nasa likod ko si Tyler. Kaya doon ako dahil first time ko raw 'to dahil sila ay naka ilang sakay na sa ganito.
Kinakabahan ako kaya kumapit ako ng husto sa hawakan. Sana ay hindi matanggal ang kamay ko at hindi ako malunod pagkatapos kong mahagis sa kawalan.
Mabilis kaming napaayos sa kinauupuan namin. Nag sign na ang magdrive sa jetski at tumango naman kaming lahat.
"Ahhhh!" Sigaw ko dahil ambilis pala nito at para kaming tumatalbog. First time ko 'to ang saya!
Medyo may alon pero katamtaman lang pero ramdam namin iyon. Lalong bumibilis ang tako at pagliko nito kaya naramdaman ko na naglaglag na pala ang kasama namin kasama na roon si Princess.
Mas lalo itong bumilis at bumaliktad ang banana boat kaya napabitaw na kaming mga natira. Napasigaw pa ako ng malakas at muntikan ko nang mainom ang maalat na tubig mula sa dagat.
Lumutang ako habang natatawa. Ang saya pala nito kaya lang nakakalunod pag first time. Kaya pala tinatanong kami if marunong lumangoy at kung first timer dahil baka malunod kami sa kawalan.
Lumutan lutang muna ako at hinanap ang kasama ko ang lalayo nila sa akin. Linibot ko pa ang paningin ko. Asan na si Tyler?
Napasigaw ako dahil biglang may umangat sa harap ko akal ko ay isda na o kaya pating. Nagulat ako dahil si Tyler pala.
Napayakap ako bigla dahil may naramdaman ako sa paa ko na kakaiba at matigas.
"Hoy ano yung natapakan ko?" Sabi ko habang nakalapit sa kaniya. Takot ako sa corals lalo na kung malaki.
"Corals lang iyan, wag kang matakot andito ako pero dito nalang muna tayo," sabi niya habang natatawa kaya hinampas ko siya.
"Gusto mo ba matagal akong nakayakap sayo? Natatakot ako rito feeling ko kakainin tayo niyan!" Sigaw ko sa kaniya kahit kaharap ko lang siya takot na takot talaga ako. Nanatili akong nakayakap sa kaniya pero hindi siya gumagalaw.
"Para mawala ka dito langoy ka papalayo dito." Sabi niya sa akin kaya hinampas ko uli siya.
"Hindi ako nagbibiro!abot ko eh!" Sigaw ko sa kaniya at binasa ko siya sa mukha.
"Hindi mo ba alam nasa 10 feet tayo pero may corals na malaki rito kaya naabot mo." Natatawa niyang sabi sa akin sinimangutan ko lang siya.
"Dali na alis na tayo rito! doon tayo sa hindi ko abot!" Sabi ko uli sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.
"Lulutang ka mag-isa sa life guard mo mag-floating ka hindi mona abot 'yan" sabi niya habang tumatawa kaya binasa ko uli siya ng tubig at kumapit dahil may naramdaman na naman ako sa paa ko.
"Ano yon?!" Sigaw ko kaya lalo kong hinigpitan ang yakap at tumingin sa tubig.
"Isda lang iyon." Mahinahon niyang sabi at nakayakap rin sa akin.
Nag rereflect yung corals sa tubig kasama mga itim na maliliit na isda. Siguro isda yung napadikit sa akin at tamaa siya.
"Wag na tayo rito dalhin mo lang ako doon oh!" Turo sa medyo malayo.
"Malaki rin corals diyan ano mas malaki pa rito matatakot ka rin." Sabi niya at tumawa uli sa ginawa kong reaksyon.
Ang tagal naman kasi ng jetski sa amin. Nadaan na ba 'yon? Sunduin niya kamo kami rito. Wala yung iba naming kasama rito eh.
Maya-maya ay biglang natahimik na parang may dumaan na anghel sa amin. Nakatitig siya sa akin habang magkayakap kami.
"Kiss nalang? Para dalhin kita doon." Sabi niya at sabay dinikit ang labi niya sa akin. Napatugon ako ng wala sa oras bakit ba nakakalasing at napapatugon ako sa kaniya?
![](https://img.wattpad.com/cover/290259190-288-k13582.jpg)
BINABASA MO ANG
His Hometown
Novela JuvenilSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...