Chapter 2

76 50 14
                                    

Dahil init na init na ako gusto ko nang uminom ng tubig. Feeling ko na dehydrated  na 'ko. Naglakad ako nakita ko parin ang bike ni Tyler. So ibig sabihin hindi pa siya umaalis.

Nagulat ako dahil lumabas si Tyler sa galing siya ng cr. Nagkagulatan kami pareho. Kaya medyo na ilang rin dahil nagkatinginan pa kami sa mata.

"Kala ko andon ka pa" turo niya sa malayo.

"Balik nako sa amin" sabi ko. Bigyan ko ng tingin ang bike at bigla siyang natawa.

"Ano ka gold?" Tanong niya sa akin habang nakangisi sa akin.

"Ok, madamot ka lang" sabi ko at iniwan siya. Oo nga bakit nga ba ako sumasama sa kanya eh hindi ko naman siya kilala.

Naglakad lang ako ng naglakad. Habang naka layo na ako ay lumingon ako sa likod ko dahil baka sumunod siya, pero nabigo ako hindi nga siya sumunod.

Naglakad nalang uli ako. Masyado  nga siyang malayo. Habang naglalakad ako may nakasalubong akong mga lalaki. Ang iingay nila, naramdaman ko rin na nakatingin sila sa akin kaya yumuko ako.

Nagulat ako dahil bigla silang tumahimik ng makita ako at bigla rin sumigaw.

Narinig ko ang bike ni Tyler kaya napatingin sa likod ko at tama ako, pero di siya sa akin nakatingin kundi doon sa mga lalaki.

"Tyler!" Sigaw ng isa sa mga lalaki roon. Naramdaman  ko na dumaan si Tyler sa akin at sinalubong ang mga lalaki 'yon.

Naglakad lang ako at kunwaring di sila naririnig.

Nagbubulungan pa sila at naririnig ko 'yon. Tulad nito "Chix pare oh," at "ganda niya," yan ang narinig ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng malagpasan ko sila. Gosh achievement  ba 'to. Grabe naman kasi sila makatingin sa akin.

Habang naglalakad ako ay biglang nawala ang ingay nila. Nagulat ako dahil biglang humarang sa daan ko si Tyler.

"Ha?" Gulat kong sabi.

"Tara sakay kana," sabi niya sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin.

"Ayoko konti nalang 'to kaya ko na 'to" sabi ko at inirapan siya, narinig kong bumuntong siya.

Naglakad parin ako kahit medyo sumasakit ang paa ko. Sa dami-dami kong linakad at pinaggagawa. Nauuhaw pa ako.

"Kanina ka pa naglalakad kaya pagod ka na,"sabi niya nanlaki ang mata ko. Naririnig niya ba ako?

"H-ha? H-hindi kaya" dipensa ko sa sarili ko at medyo pinagpawisan ang kamay.

"Sus kunwari kapa, sakay na iiwan talaga kita. Tsaka may aso diyan tas ikaw mag-isa." He convinct me.

"Tss, hindi ako takot!" pagyayabang ko sa kanya, pero totoo takot ako lalo na sa K9 dahil malalaki sila.

"Yabang, di naman maganda, pero sige sabi mo eh," sabi niya sa'kin at umayos siya ng upo at nag balak na mag pedal.

"Hoy Tyler!" Sigaw ko.

May K9 na humarang sa daan ko. Agad akong nagpanic at sumigaw.

"Tyler! Tulong!" Sigaw ko uli. Iniikutan ako ng aso.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag tumakbo ako baka habulin niya ako. Huminga ako ng malalim at pumikit. Natatakot ako.

Nakita ko si Tyler na bumalik sa akin at tumatawa.

"Ano takot ka no?" Tanong niya habang papalapit sa akin at sa K9.

"Sue," taboy ni Tyler sa aso, agad rin 'yon lumayo.

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon