Chapter 5

56 43 0
                                    

"Omg! Moon!" sigaw na sabi ko dahil medyo nakatulog ako dahil sa pagkapagod na linakad namin at sa dami kong pinaggagawa.

"Sunrise sana 'yan kung bukas," aniya at tinanaw ang tanawin tumanaw na lang din ako para hindi maging awkward,ang dami niya talagamg alam dito taga dito ba siya?

"Ang ganda ano?" Tanong niya sa akin at tumango ako at binalik ang tingin ko sa moon at sa mga stars.

"Bukas uli, ay hindi pala," sabi ko sa kaniya, kaya lang aalis rin kami bukas at uuwi na. Babalik na kami sa Bulacan.

"Oo sobra! "dagdag na sagot ko sa tanong niya
Matagal kami andoon at nag tingin-tingin lang sa stars. Umuwi rin kami ka agad dahil hahanapin ako ni mama at madilim rin ang daan.

"Tara balik na tayo, malayo layo pa 'to," Sabi ako at pinagpag ang short ko dahil medyo madumi na. Nagsimula akong itiklop ang maliit na kumot na nakalagay sa buhangin. Pinagpag ko muna ito bago ilagay sa bag.

Mabilis kaming nakauwi, buti na lamang ay malakas ang ilaw niya. Hindi ako lumayo sa kaniya dahil baka iwanan niya ako at maligaw ako mahirap na. Bukid pa naman itong dinadaanan namin.

Pauwi na kami ngayon nila mama at nakita ko siya na nakatingin sa amin kaya medyo nahiya ako. Ang tagal niya naman yata rito.

Dumating ako andito na siya. Pauwi na kami andito pa siya. Napakatagal naman na ata nila dito. Sure ako na dito sila nakatira. Malapit na rin ang start ng klase.

Unang pasukan na namin ngayon at papunta na ako sa section 1, which is puro matatalino. Lahat ata sila ay with high at highest honor, umiikot ang mga grades nila. May kakilala naman ako at si Sydney at si Yssa.

Sabay kaming pumasok ni Sydney dahil magkaklase pala kami. Medyo nahihiya pa ako dahil dati ay nahinto ang pagsabay namin sa paguwi at pagpasok sa paaralan.

Nasa room na ako ngunit tahimik lang ako at nagmamasid baguhan lang ako, hindi ako sure sa ugali nila dahil baka ayawan nila ako at hindi tanggapin kung ano talaga ako.

Nagulat ako dahil bigla nagsipasukan ang grupo ng lalaki sa room namin at nanlaki ang mata ko sa nakikita ko, tahimik lang ito pero ang daming kaibigan. Siguro ay nakasunod lang siya, tulad ng gawain ko dati.

Kasama yata siya sa banda, medyo mysterious effect siya weird lang. Pogi naman siya pero hindi siya pasok sa standards ko pero puwede na.

Edi kaklase ko siya edi ibig sabihin matalino siya? 94 pataas ang average niya, magaling na sa instruments matalino pa?!Nanlaki ang mata ko nang mapatingin siya sa akin kaya umiwas ako.

"Bawal kayo rito," taboy niya sa kasama niya na may mga dalang instruments, kaya agad rin silang umalis ang mga kasama niya. Nang maka alis ang kasama niya ay umupo na siya sa puwesto niya.Tahimik siya sa gilid, napatitig pa ako ng kaonti.

"Girl bet mo ba yan? Galaw-galaw baka mawala," Biglang sulpot ni Sydney sa harap ko kaya bahagya akong nagulat. Malaki ang ngiti ni Sydney  sa akin. Masyado ata akong pansin sa kinikilos ko, pero hindi ko naman siya gusto.

"Hoy hindi ano!" sabi ko sa kanya at iniayos ang gamit ko upang hindi ako makatingin sa mata niya. Marunong pa naman ito magbasa gamit ang mata.

"Pero girl boto naman ako sa kanya," natatawa niyang sabi at parang kinikilig. Napabuntong hininga na lamang ako ng sinabi niya ang salitang iyan.

"Ngayon ka lang yata nagkagusto goodto know that, basta ako team Elijah," dagdag na sabi niya, habang kumakain ng skyflakes.

"Eh hindi ko siya crush period," sabi ko sabay lingon kay Sydney at konting sulyap kay Elijah.

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon