Kumakain si Tyler ng Burger na may fries at oreo shake habang ako ay mango shake lang. Kaya nakikihingi nalang ako kay Tyler ng fries.
Nag-uusap lang kami pero bigla siyang tumuro sa likod kaya napatingin ako at nagulat ako sa nakita ko. Para akong naging tuod na nakaupo at hindi gumagalaw dahil sa pagkashock sa nakikita.
Ang idol ko andito ang artista na si Greane singer siya at actress kaya ko siya idol ang gaganda pa ng kanta niya.
Hinabol ko lang siya ng tingin. Sakto ang baba niya dahil wala gaanong tao rito tas kakain rin siya. Pinanood ko siyang maglakad patungo sa pwesto niyang gusto. Hindi ko pa namalayan na dumaan na siya sa harap ko, hindi ko rin namalayan na nakangiti na ako ng wagas rito.
"Picture-an ko kayo?" Tanong ni Tyler kaya tumango agad ako sa kaniya.
"Pero mamaya umo-order pa sila."sabi ko sa kaniya habang umiinom ng shake.
Ang ganda niya at tangkad niya rin. Everything makes her perfect isa rin kasi siyang model.
Iyong kasama ko naman ay walang reaksyon na nakatingin sa akin.
"May problema ba?" Nakataas na kilay kong tanong sa kaniya.
"Wala naman." Sabi niya sa akin. Binalik ko ang tingin ko kay Greane nagulat ako sa nakita ko dahil sa kabilang table lang din namin sila naupo kaya napalo palo ko na sil Tyler.
"Tara na take mo kami ng picture." Aya ko kay Tyler.
Nakausap ko ang idol ko at nakapagpicture si Tyler naman ay parang ilang beses na nakakita ng artista kasi parang wala lang sa kaniya.
Bumalik na ako sa upuan ko hindi ko mapigilan na sumulyap sulyap kay Greane dahil sa ganda niya.
"Ang ganda 'no?" Tanong ko kay Tyler at hindi siya sumagot kaya liningon ko siya na tapos ng kumain. Habang ako ay hindi pa nangangalahati ang kinakain.
Dapat binagalan niya kumain para makasama ko man lang yung artista na ito.
"Definitely I could say that you're more beautiful than her." Mahina niyang sabi at ininom ang tubig sa tabi niya. Kaya hindi ko mapigilan na mapangiti grabe naman 'to pero baka inuuto lang ako nito pero deep inside gandang ganda na siya sa Idol ko.
"Sure ka na diyan?" Nataas na kilay kong tanong.
Pinaubos agad ni Tyler ang inumin ko dahil hindi ko man lang daw nabibigyan ng privacy si Greane at tama siya kaya nga siya andito sa hotel to relax hindi para humarap sa fans.
Bukas nalang daw kami ng morning mag swimming doon sa inifity pool nila dahil maggagabi na rin naman. Ayoko rin naman mag swimming ng gabi dahil giginawin ako at baka magkasakit pa ako.
Pwede pa siguro kung doon sa 18 floor kaya lang giniginaw ako.
"What do you want to do?" Tanong niya dahil gabi na rin at nakakatamad na maglakad sa daan at madilim pa.
"Watch?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.
"What kind of movie? Or series or something?" He asked.
"365 days."
Sabi ko ay nag smirk bigla. Ilang muninuto hindi ko namalayan na mali ang nasabi ko.
"Landi mo. Hindi pwede 'yan." Sabi niya at pinatay nalang ang TV kaya nung pinatay niya ang TV ay yinakap ko nalang siya ng mahigpit at nagtanong tanong ng what if.
"Tyler what if magkahiwalay tayo? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa painting sa gilid namin at tinignan siya.
"Hindi ako papayag na magkahiwalay tayo." Sabi niya at tinaptap ang ulo ko.
"Isa pang tanong teka. What if hiwalay na tayo tas nagkita uli tayo ano gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya dahil bigla bigla pumasok sa isip ko.
"Bubuhusan kita ng holy water." Sabi niya ng seryoso at walang reaksyon. Kaya natawa ako sa sagot niya. Mukha ba akong demonya para buhusan ng Holy water.
Holy water sure ba siya doon? At bakit?
"Edi mag papari na nalang para ready ang holy water?" Tanong ko habang natatawa sa kaniya.
"Magpapari nalang ako para lagi nalang kita ipagdadasal at hindi ako hahanap ng iba." Sabi niya kaya parang may butterfly sa tiyan ko na gumagalaw dahil sa sinabi niya. Bumilis rin tibok ng puso ko na parang kabayo.
"Sure ka diyan? Ito pa what if naka hanap ka ng iba?" Tanong ko sa kaniya at tinignan ang kuko ko.
"Yes, I won't do that." Maikli niyang sambit sa akin.
"Okay sabi mo eh, What if nagcheat ka sa akin?"tanong ko uli ang daming tanong na pumapasok sa isip ko ewan ko pero mas gusto ko ganito ang topic ngayon.
"Remember wala akong interest na kahit sino. Kung sino ang liniligawan ko doon lang ako." Sabi niya sa akin.
"Ano gagawin mo if nagtampo ako? Or kaya nagalit ako kasi may iba kang kasama na babae?" Tanong ko na naman.
"What if hindi mo na ramdam na mahal mo ako?" Dagdag ko agad na tanong kahit hindi niya pa nasasagot ang sinabi ko pang isa.
"Teka isa-isa lang. Edi I'll explain the truth and the reason basta makikinig ka at hindi ka agad magpapadala ng emosyon. And sa isa mo pang tanong ay edi mamahalin uli kita."
"What if paggising mo hindi mo na ako kaya hintayin na ligawan like umabot na tayo ng years sa panliligaw?"
"Hindi ako magsasawa na ligawan ka Chandrella." Sabi niya sa akin kaya napangiti na naman ako rito na parang baliw buti nalang hindi niya ako nakikitang ngumingiti dito.
"What if may tourista sa batangas tas nagkagusto sayo?" Tanong ko uli sa kaniya.
"Hindi ko siya papansinin kahit lumuhod pa siya sa harap ko kasi sayo lang ako."
"What if wala na tayong pag asa na magkabalikan?" Tanong ko at nalungkot na na naman
"Marupok ka remember?" Pang aasar niya sa akin at tumawa kaya binigyan ko siya ng masamang tingin at pinalo.
"Wag ka na mag what if kasi hindi ako magsasawa sayo at hindi kita iiwan. Ikaw ang pipiliin ko araw-araw hanggang mamatay ako." Sabi niya at kiniss ang noo ko kaya nabawasan ang isipin ko sa what if ko. Ngayon lang ako naglakas ng loob tanungin iyon kasi minsan pag napapaover think ako iyon ang mga salitang pumapasok sa akin. Alam ko naman na walang kami pero nasa ligaw stage palang naman kami.
Tsaka ayoko pa siya sagutin sisiguraduhin ko muna. Ayoko magkamali at ayoko mag sisi mas mabuti ng siguraduhin muna bago pumasok sa relasyon at sisiguraduhin ko na kaya ko na mag commitment sa isang tao. Sisiguraduhin ko na ready na ako pumasok sa relasyon ayoko magmadali kasi marami pa namang oras na dadaan at marami pang memories ang mabubuo kahit ligawan pa lamang iyon.
Dahil sa dami kong tanong hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip sa tanong niya. Hinehele niya rin ako kanina kaya inantok na rin ako at napagod kanina sa ginaggagawa ko.
What if lahat ng sagot niya ay hindi totoo? What if lahat ng sagot niya kabaligtaran lang patungo? Maniniwala pa kaya ako sa mga pangako?
___
Thank you! ^^
BINABASA MO ANG
His Hometown
Teen FictionSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...