Ngayong araw ang laban ni Elijah, nakikita ko siya na walang reaksyon ano kayang nasa isip nito dahil hindi ko mabasa ang expression niya, nanatili akong nakatitig sa kaniya. Nabigla ako dahil bigla siyang lumingon sa akin kaya umiwas na lamang ako ng tingin at iniba ang atensyon.
Tumingin ako sa orasan dahil hinihintay ko na mag 9am dahil iyon ang start ng kanilang Quiz bee sa math. Sana kaya niya, pero nakikita ko na kakayanin niya kasi ang galing niya at deserve niyang mafirst place pero matalino rin si James.
Habang nagtuturo si maam ay may kumatok na, kaya napatingin ako sa katabi ko na bumuntong hininga. Iniayos niya ang mga dadalhin. May mga nagsimulang bumati sa kaniya ng "goodluck!" At "break a leg." Lumapit sa amin si James upang tulungan magbuhat si Elijah ng white board na maliit. Tumingin siya sa akin at tumawa. Kumunot ang noo ko sa ginawa ni James sa akin. May problema ba?
"Wala bang goodluck?" Tanong niya at ngumisi sa akin. "Sabi lang ni Tyler 'yan." Dagdag niya na akala ko siya ang nagpapagoodluck. Iniikot ko ang tingin ko dahil start na ng recess namin, kaya unti-unti na naubos ang tao sa room.
"Hindi kaya" natatawa niyang sabi at sinuntok ng mahina si James. "Umalis kana nga susunod ako." Sabi niya at tumawa ng kaonti. Pinanood kong umalis si James at tumingin sa kaniya, kaming dalawa nalang ang naiwan. Balak ko naman talaga siyang igoodluck pero nahihiya lang ako dahil nandoon si James. Nakakahiya magsalita at nahihiya rin ako kay Elijah. Napatitig lang ako sa kaniya kaya kumunot ang noo niya.
"Bakit hindi ka pa umaalis?" Tanong ko sa kaniya pero hindi siya kumibo at nakatitig lang sa akin kaya bahagya akong nailang at nahiya kaya umiwas ako ng tingin.
"Ikaw bakit hindi ka pa umaalis?" Balik niyang tanong sa akin. Napaisip ako at bakit nga ba ako hindi umaalis rito. Nagisip ako ng mabilis upang makapag-bigay ng rason.
"Ayokong kumain." maikling sambit ko.
"Wala ka ba man lang goodluck, sa dami ng bumati sakin ikaw lang di bumati." Nahihiya niyang sabi at humawak pa sa kaniyang buhok. Kumuha ako sa bulsa ko at kita ko pa na pinanood niya ang kilos ko. Dahan dahan kong inilapag ang mentos sa lamesa niya at nagsalita, pagkatapos non ay umalis na ako upang malayo na sa kaniya.
"Goodluck."
*******
Mamaya na ilalabas ang result, pang ilan kaya siya? Alam ko naman na magaling siya, kasi sa lahat magaling siya deserve niya na ma-first place. Napatingin ako sa katabi ko tahimik lang at tinignan ang kaniyang ginagawa. Nakita ko na may drino-drawing siyang tao. Sino iyon? Agad kong linapit ang tingin ko pero tinakpan niya ang gawa niya.
"Oy tinitignan ko," sabi ko sa kaniya pero tinakpan niya parin ni hindi ko rin matanggal ang kamay niya. "Sige ka pag hindi mo pinakita, susulatan ko yan," banta ko sa kaniya at pinakita ang ballpen ko na handa nang isulat sa kwaderno niya.
"Edi gawin mo." Malamig na sabi nito at binigyan ako ng masamang tingin, kumunot ang noo sa inasal nito.
Hindi na lamang ako kumibo at hinayaan na lamang siya. Baka mamaya magalit pa ito at maging dragon. Tsaka baka kinakabahan rin 'yan sa result niya mamayang uwian kaya naiintindihan ko na siya. Mamayang uwian I know na busy siya kaya 'yan ang time na titignan ko ang drawing niya.
"Hoy guys dali, ididikit na nila sa bulletin board yung nanalo dali tignan natin, " maingay na sigaw ng kaklase ko at tuwang tuwa. Agaran silang nagsilabasan ngunit itong katabi ko ay hindi kumikilos. Ang aga naman yatang iannounce ngayon sabi mamaya pang-uwian.
"Anong balak mo?" Tanong ko sa kaniya at binigyan niya lang ako ng tingin natahimik na lamang ako sa kinilos niya.
"Mauna na muna sila tumingin madami pang-tao." Sambit nito sa akin, tumango tango na lamang ako bilang sagot sa kaniya. Tumayo ako at nagsimulang maglakad upang malaman ko kung sino ang nasa first place sa Math Quiz bee.
Nagulat ako na may humawak sa kamay ko at tinignan ko kung kaninong kamay ito at kay Elijah pala. Ang lamig ng kamay niya, halatang kinakabahan siya.
"Sabay na tayo," aniya.
Nakahawak pa rin siya sa kamay ko at hinayaan ko na lamang, ginagawa niya siguro iyon dahil kinakabahan rin siya. Naglakad kami na magkasama at magkahawak ang kamay. May mga nagtitinginan pero hinayaan ko na lamang as a friend lang naman ito at as a seatmate niya. Mabilis kaming nakarating sa bulletin board at maraming na shock ang mukha.
Dali-dali kong hinanap ang pangalan ni Elijah at nagulat ako dahil nasa 3nd place siya. Ang nasa first place ay yung gr12 na matalino nila. Tinignan ko ang reaksyon ni Elijah at medyo na dismaya siya sa resulta. Habang si James naman ay ikalawa.
"Okay lang 'yan atleast ginawa mo ang best mo," sabi ko sa kaniya habang naglalakd kami ng sabay. Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman ni Elijah.
Biglaang pumasok sa isip ko na bakit nakasunod pa ako sa kaniya imbes na pwede na akong sumama sa iba at pumunta sa gusto ko. Sabagay okay na rin ito. Icomfort ko nalang siya at samahan para hindi siya nag-iisa kawawa naman siya."Gusto mo regaluhan kita?" Biglang tanong ko sa kaniya. Napahinto siya sa kaniyang paglalakad at napatingin sa akin.
"Wala naman problema sakin ang pagreregalo as a gift 'yon kasi ginawa mo best mo. Hindi pa naman pasko pero why not. Ay sorry feeling close." Sabi ko at agad na tinikom ang bibig dahil ang daldal ko na at ang dami ko nang nasasabi.
"Tss sino kaba? Ano ako gold?" Tanong nito." May sarili akong pera," sabi nito at nagsimulang maglakad at iniwan ako. Sumunod na lamang ako, pareho naman kami ng pupuntahan dahil babalik kami sa room.
"Ipag piano nalang kita," sabi ko at tumakbo para no choice siya.
"Don't forget our project," sabi niya ng nakalayo ako. Ay oo nga pala hindi pa kami tapos doon at next week na iyon. Kinakabahan tuloy ako dahil kaming dalawa ang gagawa non. Mabilis akong nakapunta sa upuan ko at nakita ko na papasok na rin siya ng pinto. Ang takbo ko ay lakad niya, ang galing niya naman. Tahimik lang akong naka upo habang siya ay dumaretso sa kakilala niyang upuan. Konti lamang lalaki dito ngunit bilang lamang iyon. Maraming nagcongrats kanila James at Elijah.
****
"Gawin na natin today yang props hindi pa tayo tapos, wag mo kalimutan na magpiano ka. Doon nalang tayo sa bahay namin." Sabi nito at iniwan ako sa kawalan at dumaretso sa kaniyang locker. Hindi ako nakakilos, doon raw sa bahay nila. Nakakahiya naman ata doon, pero sige para sa grades. Siguro maliit lang bahay nito. Kasi makikita mo na hindi naman siya kayamanan or magarbo ang suot.
'Yon lang naman ang sa tingin ko. Hindi ko talaga maiwasan na mang-judge agad. Ganito na yata talaga ako simula nung bata ako, 'yan lang ang hate ko sa sarili ko na mabilis akong magjudge ayon sa nakikita ko. Ang tanong alam ko ba kung saan bahay niya. Kailangan kong sumunod sa kaniya upang makasama ako.
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko na pinagkukuha niya ang props sa kaniyang locker. Ang dami niyang inilabas, lahat ba ng iyang nakikita ko ay bubuhatin ko dahil ang nakikita ko ay may apat na manila paper at iba pang colored paper at folder at may pang investigate na product. Agaran akong lumpit sa kaniya upang magtanong.
"Lahat talaga yan tinago mo?" Tanong ko sa kaniya at lumingon siya sa akin.
"Oo naman why not? Why did you ask?" Tanong nito sa akin, kaya agad akong umiling at tsaka kinuha ang manila paper at binuhat iyon at lumayo. Naglakad agad ako papalayo upang makapunta sa office building upang hintayin siya. Bahala siyang mahirapan pero sa tingin ko ay maglalakad lang kami kaya agad akong bumalik sa kaniya at nakita ko siyang naglalakad agad akong lumapit at kinuha ang iba niyang hawak pero sa nakikita ko ay parang ang dali-dali lang buhatin ng hawak niya. Hindi ko makita na nahihirapan siya sa kaniyang pagbubuhat.

BINABASA MO ANG
His Hometown
Roman pour AdolescentsSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...