Chapter 23

23 29 3
                                        

Mabilis kaming nakauwi at walang tao sa bahay. Namiss ko ang kwarto ko rito. Wala kaming extra room kaya baka sa sala nalang makatulog si Tyler pero kung papayagan siya ni ate na tumabi sa ay doon siya sa kwarto ko.

"Dito kayo nakatira?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako.

"Ngayon lang ako nakapunta sa Bulacan. Maganda rin naman." Sabi niya sa akin kaya tumago ako.

"Wala nga lang dagat pero marami naman ilog rito at pool." Sabi ko sa kaniya at kinuha ang bag ko na nasa gilid para ilagay iyon sa kwarto ko.

"Gusto mo bukas ay dalhin kita sa school ko dati? Malapit lang naman iyon." Presenta ko sa kaniya kaya tumango siya.

"Sige sa tingin ko ay malaki ang school mo." Sabi niya sa akin kaya tumango ako.

"Oo malaki siya, malaki nga lang rin bayarin pero maganda naman." Sabi ko. Hinila ko siya bigla para itour siya sa bahay namin para aware na rin siya sa mga bagay bagay rito.

Namimiss ko na talaga si mama. Bukas ay iyon muna ang pupuntahan namin tapos ang sunod ay school ko na.

Ipapakilala ko siya kay mama at papa kahit wala na sila rito. Mayroon talagang bagay na nawawala ng hindi natin ginusto pero baka may dahilan iyon kaya 'yon nangyari kaya magtitiwala na lang ako kay God Sana ay may maganda rin darating sa akin.

"Anong gusto mo na meryenda?" Tanong ko sa kaniya kaya lumingon siya sa akin at hindi nakapagsalita.

"Hindi ko, tsaka kakakain lang natin.

"Ano nalang gusto matikman?"

"Ano ba ang uso sa bulacan?" tanong niya sa akin at biglang kinuha sa gilid ang maliit na notebook kung saan nakalagay ang diary at nasa -isip ko. Last year ko pa 'yon ginawa pero buhay parin. Dali-dali akong kumapit sa kaniya iisipin ko muna kung ano ang mga pinaglalagay ko roon dahil sa tingin ko ay puro crush iyon at rants sa buhay.

"Bakit ayaw mo pabasa? May tinatago ka riyan ano?" Nakangiting sabi niya. Mabuti na lamang ay mabilis ako at napansin ko agad ang kinilos niya. Tsaka mabilis ko rin nakuha sa kamayniya ang notebook na iyon.

"Maybe this is not the day  to read this but soon or basta papabasa ko wag muna ngayon." Sabi ko at linagay sa bag ko ang diary pero kinuha niya sa kamay ko at ibinalik sa bookshelf.

"Salamat," sabi ko dahil naiintindihan niya ako at rinerespect ang decision ko ipapabasa ko naman talaga 'yan hindi lang nadala dahil sa dami ng damit at tsaka hindi pa naman sure na doon ako hanggang college.

"Back to topic!" Sabi ko at pumalakpak.

"Chicharon? Kasi best dito ang chicharon," Tanong ko sa kaniya kaya ngumiti naman siya sa sagot ko. Sa kanila ay may chicharon pero para sa akin ay iba parin ang bulacan.

"Tsaka pupunta na rin tayo doon edi pumunta na rin tayo sa school?" Sabi ko sa kaniya.

"Huwag na masyado nang late dahil mag-gagabi na tsaka baka hindi ko mameet mga friends mo,"

May point siya, sigurado ako nakauwi na ang mga iyon unless may ginagawa silang project na mahalaga at magpapalate iyon umuwi kaya lang baka hindi sila sa school tumambay. Kinuha ko sa gilid ang cellphone ko para ichat sana sila kresany o kaya si Sydney o baka isurprise ko na lang sila.

"Pati na rin yung Elijah?" 

Napatingin ako bigla kay Tyler sa sinambit siya na hindi ko inaasahan. Paano niya nakilala si Elijah? never kong nabanggit sa kaniya ang pangalan na iyon.

"Hoy hala?!"

Sabay lumapit sa kaniya at tinignan sa mukha.

"Paano mo nakilala 'yon?"  Tanong ko agad.

"I saw on your phone chatting with him?" He said while his raisng his brow. Kinabahan ako doon saang parte kaya ng pag-uusap ang nasabasa niya? Pero hindi naman kami gaano nakakapag usap minsan lang pero na abutan niya pa iyon.

"Grabe ka nakita mo pa 'yon. Minsan ko nga lang 'yon maka-usap,"

"I have ways."

"Siguro ay nagseselos ka?"

"No way, I'm not jealous." Sabi niya sabay tinalikuran ako at tsaka naglakad papalayo sa pwesto namin. Hinabol ko siya pero ambilis niya napunta agad siya sa garden kung saan lagi nag didilig si mama at dito lagi si mama nag cecellphone at nagpapahangin.

Inupuan niya ang pwesto ni mama kaya hindi nalang ako nakakibo. Kasi namimiss ko na naman siya kahit saang sulok ng parte ng bahay na alala ko sila mama at papa.

"Bakit?"

Nakatitig lang ako sa kaniya na lumalapit sa akin at yinakap ako bigla. Sa tingin ko hindi ko pa rin na lelet go sila mama kaya namimiss ko parin sila. Hindi ko naiwasan na maiyak na ng tuluyan kaya yinakap ko nalang siya pabalik naramdaman ko na yinakap niya rin ako. Mabuti na lamang at andito siya.

"You're safe, I'm here to protect you." Bulong niya sa tainga ko kaya sinusub ko nalang ang mukha ko sa bisig niya.

Ilang minuto ang lumipas ganoon ang ayos namin huminga ako ng malalim at bumitaw na muna at umupo sa upuan.

"Ang ganda ng garden niyo dito. Sino gumawa nito?" Tanong niya sa akin at hindi mapigil kakatingin ng mga halaman na nakapalibot sa amin.

"Si mama..."

"Ah, sorry."

"Okay lang," sabi ko sa kaniya. Pinunasan ko muna ang mukha ko para maging maayos ako dahil may kaonting luha pa sa pisnge ko.

"Wait lang ah kuha lang ako ng maiinom." Sabi ko ay iniwan na muna siya doon para rin maiba ang pag-iisip ko.

Naglakad ako patungo sa kusina at nagshake ng mango dahil nakita ko iyon sa refrigerator namin at nakita ko rin na marami yelo at may gatas rin na marami kaya hindi na ako nag atubili pa na gawin iyon.

Lalo na at mainit rin ngayong hapon maganda na uminom ng pampalamig na mango shake. Sanay ako gumawa ng mango shake dahil dati pa lamang ay ginagawa ko na sila ate ng mango shake lalo na kung summer.

Naging business rin namin to ng panandalian nga lang pero nag enjoy naman ako kahit papano.

Mabilis kong nagawa ang shake at bumalik na ako sa garden dala ang shake at biscuit. Habang nasa malayo ako ay natatanaw ko siya na kumukuha ng litrato.

Dala niya pala yung camera niya minsan ay ginagamit niya ang camera niya para kumuha ng magandang sunset sa dalampasigan pero ngayon ay dinala niya na rin rito sa Bulacan.

"Tyler!" Tawag ko sa kaniya kaya agad siyang napalingon sa akin.

Naglakad ako patungo sa mesa at umupo na sa pwesto ko kanina. Ininom ko ang sa akin pati rin siya ay uminom na rin. Pinanood ko siya kung magugustuhan niya ba ang gawa ko o hindi niya magustuhan.

"Ikaw gumawa nito?" Tanong niya habang tinignan ang loob ng basa at tila sinusuri ito.
Tumango ako sa tanong niya at bigla siyang gumiti.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ko sa kaniya kaya natawa siya.

"Nagustuhan ko kaya kasi sakto lang yung lasa niya hindi sobrang tamis sakto lang." Paliwanag niya sa akin kaya natawa ako.

"Gusto mo ng aso?" Tanong ko sa kaniya kaya natahimik siya bigla. Kaya kumunot ang noo ko sa ginawa niyang reaksyon.  Ayaw niya kaya sa aso? Allergy? Na trauma sa aso?

Gusto ko lang naman mag-alaga kami para minsan may kasama ako pag wala siya.


His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon