Chapter 30

29 23 1
                                    

"Tita what's your order?" Tanong ko sa kaniya habang tumitingin. Andito kami ngayon sa SM sa para mamili ng gusto namin. Treat nuya raw kami pero ako ayoko magpalibre kasi may satili naman akong pera galing sa sweldo ko.

"Cheesy Beef Ramen special Upgrade at Katsu Burger."

"Ah okay po." Sabi ko sa kaniya kaya bumalik na siya sa upuan niya at doon nag tipa ng kaniyang cellphone.

Inulit ulit ko sa utak ko ang salitang iyon at binubulong bulong para hindi ko makalimutan ang sasabihin na order.

"Cheesy Beef Ramen special upgrade at katsu burger," sabi ko sa kahera. Parang hindi niya pa naintindihan ang sinasabi ko dahil kumunot ang noo niya.

"Ano po?" Sabi niya at linapit ang mukha sa akin para marinig ang order ko.

Dahil pumangalawang sabi na ay nakalimutan ko ang order niya dahil dalawa ito at ang haba pa. Kaya dahan dahan akong tumingin sa kaniya at ngumiti kay tita.

"Tita ano po uli order niyo?" Nahihiya kong sabi habang natatawa sa sarili ko. Ang hina ko talaga pag kumakausap ng hindi kakilala.

Siya na ang sumigaw ng order dahil kaunti lamang kami at rinig naman iyon. Mahina lang talaga boses ko kaya hindi ako narinig.

Nung nasabi niya na ay hiyang hiya akong bumalik sa pwesto ko at umupo sa harapan ni Tyler. Katabi ni Tyler ang mama niya kaya nahihiya ako.

"Iha wag ka mahiya hindi ako nangangagat." Natatawa niyang sabi sa akin pansin niya siguro sa expression ng mukha ko.

Hinawakan ni ate ang kamay ko at pinisil ang kamay ko kaya napatingin ako kay ate.

"Pakikuha nga 'yon." Turo niya sa toyo kaya kinuha ko iyon at binugay kay ate.

"Thats why I'm here in Batangas. Because he will study in manila." Simula ni Tita sa katahimikan kaya pareho kaming nagkatinginan ni Tyler sa sinabi ng mama ni Tyler.

Napatingin rin ako kay ate pero hindi siya lumingon. Para tuloy akong nanghihina sa narinig ko. Iiwan niya ako rito sa Batangas pero andito naman ang kaibigan ko na si Princess.

Nasa school na uli kami ni Tyler. Magkatabi kami ngayon dahil pina-alis niya ang katabi ko kanina kaya ngayon ay naiinis ito ngayon.

Napaisip ako bigla kung paano lahat ng what if ko sa kaniya magkatotoo at dahil nasa manila na siya. Maraming magagandang babae doon at pwedeng makuha niya agad ang atensyon ng mga yon kasi masyado siyang pogi at magaling sa lahat.

He will also get scholarship doon at mabilis siyang sisikat kasi magaling siya mag basketball tsaka soccer.

"Hindi yata ako sa maynila mag-aaral." Bigla kong sabi sa kaniya habang nagsusulat sa notebook.

"I'm going to announce the honors," bigla sabi kaya napatingin ako sa guro namin ang lahat ay tila masaya dahil labasan na ng honors ngayong 4th quarter.

Na honor ako nung 3rd grading dahil sa tulong ni Tyler at masaya ako doon dahil lagi niya ako tinutulungan. Matalino rin naman siya sakto lang kasi ang mahalaga sa kaniya ay matutunan lang at maintindihan lang ay sapat na sa kaniya. Honor rin siya parehas kami magkadikit pa nga ang average namin kaya haka-haka ng iba nag kokopyahan lang daw kami pero hindi naman namin iyon ginagawa.

Tinutulungan niya ako pero hindi niya sinasabi ang sagot. Para sa akin ay hindi naman makakaistorbo ang pag-aaral sa paglalandi aalamin mo lang ang limitation mo at dapat hindi ka sumobra doon.

Maybe tadhana ang dahilan kaya talaga ganon ang nangyare pero face the reality nalang talaga.

Pero ang mga chismosa na nagsasabi sa akin na hindi raw ako makakagraduate dahil nag-papaligaw ako. Wala naman rin masama magpaligaw dahil sa panliligaw mararamdaman mo na may nagmamahal sayo.

Pwede rin ito maging paraan ng inspiration sa buhay. Sabay rin kayo mag aaral, sabay aabutin ang pangarap pero kung sa tingin niyo ay pwede rin naman ito magawa sa bestfriend. Naka dipende ito sa tao kung wala siya gaanong kaibigan at mayroon naman siyang manliligaw kaya doon nalang siya sasama pero hindi agad sasagutin kasi para lang din yang gamit na kailangan mo muna alamin kung nararapat ba siyang bilhin. Pero hindi naman sila bagay tao lang rin naman sila.

Maybe ang sagot mo ay no kasi may dahilan, pwede ring yes kasi karapatdapat. Mayroon din tayong karapatan na pumili kung sino ang sasagutin natin. May the best man win.

Sinulat ni maam sa pisara ang mga honor at laking tuwa ko ay pumapangalawa ako sa honor sa section namin kaya sa tuwa ko ay napayakap agad ako kay Tyler na katabi ko lamang.

"Thank you!" Bulong ko sa kaniya at bumulong rin siya ng thank you sa akin. Bumitaw na ako at hindi nawala sa mukha ko ang ngiti. Si tyler ay pumapangatlo rin kaya natutuwa ako sa kaniya.

Nakakaproud kami pareho, nakakatuwa na makita na ganito ang saya sa feeling.

****

"Sa manila ka na talaga?"

Nakatingin ako sa dalampasigan habang hinihintay ang sagot niya. Bumuntong hininga na lamang ako. Napalingon ako sa kaniya dahil bigla siyang tumayo.

"Hindi kita iiwan." Pangako niya sa akin at yinakap ako.

5 years later...

"Hi?" Bungad sa akin ni Tyler kaya agad ko siyang niyakap na miss ko siya ng sobra. Alam niyo ba hindi ko pa rin siya sinasagot. Today is my graduation and he's here at Manila.

Pinangako ko kay ate na hindi ako magpapabaya sa pag- aaral at lagi kaming sabay ni Tyler mag aral. Sabay rin kaming nag wowork para raw may kasama ako at sa kabutihang palad ay magkasama kami sa work.


Kaya sa kasipagan ko ay pinayagan niya ako at sabi ko na magwowork ako para hindi buo ang babayaran niyang tuition sa akin. Nakakuha rin ako ng scholar at ngayon ay cum laude ako.

Tinignan ko si Tyler at sobrang laki ng ngiti niya. Kahit hindi kami parehas ng school atleast ramdam ko na andyan siya palagi para sa akin.

He brought me some pink flowers to congratulate me. I'm so happy that he's here on my side everyday. He always listen to my rants and problems in school.

I really love him na talaga at handa na akong sagutin siya sa panliligaw niya. I'll make sure na sulit ang paghihintay niya sa akin at hindi siya mag sisi na ako ang napili niya.

"I have something to tell you." Bulong ko sa kaniya dahil busy siya kumausap sa kaibigan ko tawa pa nga ng tawa. Ayaw pa ako kuhaan ng litrato. Buti na lamang ay napahinto ko sila.

"Ano yun?" Tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya ng matamis kaya kumunot ang noo niya. Kinuha ko sa bag ko ang papel kung saan doon nakasulat na sinasagot ko na siya.

"Here read this, CR lang ako." Sabi ko at inabot sa kaniya ang papel. Pagkaopen na pagkaopen niya ay naglakad muna ako papalayo pero nagulat ako ng biglang may yumakap sa likuran ko at tinignan ko iyon si Tyler pala kaya napangiti ako.

"For real sinasagot mo na ako? Walang halong biro?" Pagsisigurado niya sa akin kaya tumango ako at ngumiti sa kaniya.

Liningon ko muna ang siya at tsaka nagsalita.

"I love you!"sabay naming sigaw sa isa't isa kaya natawa ako pero bigla ko siyang ninakawan ng halik at after non at kiniss niya na naman ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaniya...

The End!

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon