Chapter 9

43 35 3
                                    

Intrams namin ngayon, masyadong pinaaga ang Intrams namin hindi ko alam kung bakit. Aabsent ako ng isang araw pero mahalaga yung araw na yon dahil may laban kami doon ng volleyball. Marami nag volleyball samin pero kailangan rin nila ng handang tao dahil mainit at kailangan nila magpahinga. May one week kaming Intrams pero sa second day ang start ng volleyball. Eh sa second day ako hindi papasok. Kaya lang wala na talaga akong magagawa kasal ni ate at kailangan andoon ako dahil isang beses lamang to mangyayare.

"Sydney kayo nalang bahala sa locker ko if may papalagay kayo eto yung susi pero wag niyo iwala." Sabi ko sa kanila bago sila iwan sa school dahil uuwi na ako. Iniwan ko si Sydney dahil may kakausapin pa raw siya. Naglalakad ako ngayon patungo sa station ng jeep dahil kailangan ko rin mag tipid ngayon dahil may bibilhin ako sa mall.

Natanaw ko sa malayo si Elijah naghihintay rin ng jeep. Babalik na sana ako pabalik pero hindi ako makakauwi ka agad if papaunahin ko siya. Matagal tagal pa naman ang ejeep rito. Wala akong choice kundi pumunta doon.  Napatingin pa siya sa akin nang makalapit ako nginitian ko nalang siya.

Naghintay lamang ako dahil nangangalay ako sa kinakatayuan ko umupo muna ako. Marami akong linakad kanina kaya pagod rin ang paa ko.

Natanaw ko na paparating na ang ejeep, agaran akong tumayo upang humanda dahil baka mawalan ako ng upuan. Itong ejeep ay may aircon kaya lang pag napuno kailangan mo nalang tumayo. Nakita ko na si Elijah at mabilis nakapasok habang ako ay nahuli dahil ambibilis nila. Pagkapasok ko ay ubos na ang upuan at ang iba ay nakatayo nalang.

"Sasakay kaba ineng?" Tanong ng kundoktor.

"Ah opo."

Iswipe ko palang yung card ko ay bigla na itong umandar kaya muntikan na akong matumba hindi pa naman ako nakahawak sa hawakan.

"Hawak ka dyan ija, baka mahulog ka." Sabi ng kundoktor ng makita ang mangyari sa akin.

Mabilis ko na lamang itong swinipe at pumwesto sa katabi ng ibang nakatayo. Napatingin pa ako kay Elijah na nakikinig sa Airpods niya at nakapikit. Lumapit ako banda sa kaniya kahit umaandar, baka gentle man itong si Elijah kaya lalapit ako, masakit ang paa ko.

Tumayo ako sa harapan niya at doon pumwesto. Pakiramdam ko ay naramdaman niya ako kaya napatingin siya sa'kin.

"What do you want to say?" He ask.
Tumaimtim ako at sabay nagsalita.

"Pwede umupo?"

"Then sit."

"Huh?"

Hindi ko alam ang gagawin ko saan uupo? Hindi nga siya tumatayo. Lumuhod na lamang ako sa harapan niya. Tinignan ko lamang siya upang tignan ang reaksyon niya kung tama ba itong ginagawa ko. Kumunot ang noo niya ng ginawa ko iyon, pati rin ako ay napakunot dahil hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko.

"Stand up." Maikling sambit nito, dali-dali akong tumayo at iniayos ang palda ko. Tumayo siya at ako na ang umupo.

"Thank you!" Pacute kong sabi sa kaniya at nagfinger heart pa. Pinapanood ko siyang nakatayo sa harapan ko at sa daan nakatingin.

"Why are you staring at me?" Sabi niya ng nadapo na ang tingin niya sa akin.

"Huh me? Nakatingin ako sa hawakan eh," sabi ko sabay tinuro ang bakal na hawakan. Ngumisi nalang siya sa sinabi ko baliw siguro to bigla bigla ngumingisi parang ewan.

"Papasok ka bukas?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman kailangan ako ng section natin for chess and basketball tsaka we have a program." Sabi niya sa akin. Tumango tango na lamang ako sa sagot niya.

"Ikaw ba?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Ewan." Sabi ko sabay napatingin sa daan dahil na sa kanto na ako ng bahay namin.

"Bye, thank you! Upo kana diyan sa upuan mo." Sabi ko sabay iniwan siya doon at ako ay bumaba na ng ejeep at naglakad.

Kaya rin ako ang na una sa ejeep dahil ang route ng ejeep ay hindi agad dadaan kanila Elijah.

Umaga na ngayon at ako ay naghahanda na sa kasal ni ate. Napapaisip parin talaga ako sa volleyball namin. Habang minimake up-an ako ta chinachat ko ang kaklase ko na si Sydney pero hindi nag rereply sa akin kaya wala akong gawa. Siguro busy lang sila kaya di sila nag-oonline.

Kumain muna ako ng agahan dahil wala akong magawa. Kaonti lamang kami sa kasal dahil mahahalagang tao lang ang sinama dahil nagmamadali rin sila na magpakasal.

I saw someone na kakaiba sa paningin ko sino siya? Kapatid ni Kuya Seth? Or pinsan?

"Sorry na late kami" bungad niyang sabi sa amin nang makalapit kasama ang nanay ni Kuya Seth. Si kuya Seth ang papakasalan ni ate.

"Okay lang 'yon ang mahalaga tuloy ang kasal nila." Sabi ni mama habang natatawa. Nakikinig lang ako sa pinaguusapan nila pero hindi ako sumasabat

"Ay oo nga po?"

****

"You forgot something," bungad ni Elijah sa akin ng makapasok ako.

"Gift for me?" Dagdag niya habang umiiwas ng tingin sa akin.

"Ay oo nga pala! Gagi sorry nakalimutan ko. Andoon kasi mga kaibigan mo eh." Sabi ko sa kaniya totoo naman yon kung kami lang andoon sana ay hindi ako nahiya.

"Doon nalang tayo  music room namin," Sabi nito. "Walang tao ngayon doon kasi busy silang lahat sa mga jowa nila." Ani nito.

"Bakit ka pala absent kahapon, hindi kita nakita?" Tanong nito sa akin. Napakamot na lang ako ng ulo sa tanong niya sabay sinagot ang tanong.

"Kasal nila ate kaya no choice ako na umabsent."

"Ah paki-sabi Congrats!"

"Ikaw kailan mo balak magpakasal?" Tanong nito n ikinabigla ko. Kasal agad? Wala pa ngang jowa staka ayoko pa maging nanay masyado pa akong bata para d'yan.

"Pagnaging rich tita na ako?"

"Ahh..."

"Oy girl! Andito ka lang pala." Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko na si Sydney and sumigaw. Napakunot pa ako dahil nagmamadaling lumapit si Sydney sa amin at hinihingal pa.

"Anong meron?" Tanong ko sa kaniya.

"Una na ako, sa Music Room nalang  mamayang lunch." Sabi ni Elijah at iniwan na kami ni Sydney.

"Oy girl tagal yata kita hindi nakita, ano yan close na kayo ni Elijah. Ikaw ah baka nafafall kana d'yan, basta team Elijah ako."

"Ano kaba friends lang 'yan 'no." Sabi ko sa kaniya habang natatawa ang issue talaga nito.

"Tara libre nalang kita ng milktea sama mo na si Yssa."dagdag ko sabay naglakad.

"Kaya lab kita eh, pero sama ako sa Music Room niyo ni Elijah baka kasi di Music ang marinig ko eh joke!" Natatawa nitong sabi sa akin, hinampas ko nalang siya sa joke niya.

"Ayoko pa magka-anak 'no. Hindi pa ako ready para diyan."

"Susunod daw mamaya si Yssa busy eh, matalino things joke," natatawang sabi nito.

"Nqkikipag date eh." Sabi nito ha? Kanino? Date?

"Hala weh? Sino?"

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon