Chapter 3

72 47 0
                                    

Meryenda time na namin kaya halos lahat kami nasa cottage. Umuwi na si Scarlet  dahil tinawag na raw siya ng kanyang mama.

Andito ako ngayon at ang cecellphone kaya lang masyadong mabagal ang data ko kaya ipinatay ko na lamang. Nagtake ako ng mga pictures at kung ano-ano.

Kumakain na sila roon ngunit ayoko pa dahil feeling ko ay busog pa ako. Nakaupo lang ako sa gilid ng pool.

Nagulat ako dahil bigla siyang nagingay. Kaya napalingon ako at nagulat ako dahil linalapitan nila si Tyler.

OMG nakakahiya.

"Oh jiho, kanina nakita namin kayo ni Chand magkasama. Buti na lamang ay nagkaroon ng kaibigan si Chandrella na lalaki," Panimula ni mama habang tinitignan ang mukha ni Tyler.

Aaminin ko hindi siya kapogian. Sakto lamang, dahil yung kilay niya ay makapal at hindi pantay ang ngipin. Pero medyo cute naman siya pero ayaw ko sa kanya.

"Hi po," nahihiyang sabi ni Tyler.

Pinagtitinginan na siya ng mga pinsan at kuya ko. Grabe sila sa kanya.

Tumayo ako para hindi ako maingayan sa kanila baka mamaya kung ano pa ang marinig ko.

Tumayo ako at nagpagpag.

"Chandrella!" Sigaw sakin ni mama na ikinalingon ko.

"Pakainin mo 'tong kaibigan mo, sandukan mo" utos sa akin ni mama habang nakatingin kay Tyler. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Busog pa po ako," sabi ni Tyler kaya napairap na lamang ako. Tamad akong nagsandok ng pagkain niya.

"Nakoijo wag kang mahiya kami lang 'to," sabi ni mama habang inaalalayan na makaupo si Tyler sa upuan.

Tinitignan siya ng angkan ko.

"Sabayan mo si Tyler kumain ha," sabi ni mama habang tinatapik ang balikat ko. Bumuntong hininga ako. Tamad  akong pumunta sa mesa at linapag ang plato. Pero maayos ko naman naiabot.

Natawa si Tyler  ng nabigyan siya ng pagkain.

"Anong nakakatawa?" Nakataas na kilay kong tanong at umupo na lamang sa tabi niya.

"Wala,"maikli niyang sambit

"Tss," sabi ko nalang at kumain.

Kanina feeling ko busog pa 'ko pero dahil sakanya napakain pa ako ng wala sa oras. Napairap na lamang ako sa kawalan at napabuntong hiningas sa pagkain ko.

"Kinaganda mo yan?" Tanong niyq habang nakatitig sa akin.

"Ewan ko"

"Ang hina mo naman kumain," sabi niya dahil parang napansin niya na ang bagal ko.

"Pake mo?" Nakataas na kilay kong tanong.

"Nakita kita kanina ang takaw mo," sabi niya habang naka ngisi sa akin.

"Aba! So stalker ka?" Tanong ko sa kanya at ipinanturo ko ang hawak kong tinidor sa kanya sabay tinaasan ko pa ang kilay ko.

"Hindi, nahagip ng mata ko,"

Natawa na lamang ako sa sinabi niya.
Sus pero nakita ko na nakatitig sa akin 'tong lalaking na nagtatago pa sa halaman.

"Anong nakakatawa" tanong niya sa akin at hinihintay ang sagot ko dahil naalala ko yung kanina.

"Wala" sabi ko at umiling-iling.

"Tch, kumain ka nalang para may energy ka Sure ako na mapapagod ka," sabi niya at iniwan akong kumakain doon. Nakita ko na ubos na ang pagkain sa plato niya.

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon