"I'm Princess , kasama ko si Number 12 na Pangan." Sabi niya at iniaabot ang kamay niya sa akin agad ko itong tinanggap dahil hindi naman pala ito jowa ni Tyler.
"Can I sit next to you?" She asked.
Tumango tango ako at iniayos ko pa ang uupuan niya at agad rin naman siyang umupo sabay binigyan ako ng masayang ngiti.
"Did you know ngayon lang talaga kita nakita? Dayo kaba here?" She asked me while she raised her brow.
"Ah, hehe kakalipat ko lang rito dahil rin sa family problem." Malungkot kong sabi sa kaniya at yumuko. Hindi pa naman nagsisimula ang laban.
"Oh, I'm sorry about that." Princess said.
"Hindi okay lang," mahina kong sambit at iniba ko nalang ang tingin ko kaya lang ang daming lalaki sa harapan namin na busy magstreching. Napatingin nalang ako kay Tyler at andoon siya busy pa rin.
"Andito kaba para isupport si Tyler?" Tanong niya na ikina-bigla ko.
"Ha, sinama lang ako rito wala kasi akong kasama sa bahay." Sabi ko at pinagsiklop ang kamay ko at ngumiti ng pilit. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Pero kanino yang cellphone na hawak mo? Si Tyler yan eh at ikaw." Turo niya sa cellphone at balak pa itong hawakan para lalong makita ang buong litrato ngunit tinago ko ito sa kamay ko at hindi binitawan.
"Bakit rin pala dito ka napwesto?" Tanong ko sa kaniya habang nahihiya para maiba rin ang usapan hindi na mapunta rito sa litrato.
"Dito ako lagi nakaupo kasi nga kapatid ko yung si pangan, ayun oh!" Turo niya sa lalaking mestiso rin at matangkad at parang nasa 5'9 ang height.
"Hindi ba kami magkamukha?" Natatawa niyang sabi ay balak pa akong hampasin dala ng saya buti na lamang ay naka-iwas ako.
"Medyo para lang kayong magjowa, sorry." Sabi ko kaya natawa na naman siya lalo, natawa na lang ako ng pilit baka kung ano na isipin ng mga tao sa kaniya kung siya lang ang tumatawa.
"Pero may similarities naman kami diba? like parehas kaming maputi, matangkad, hindi ko na sure sa mukha pero sabi ng iba kay daddy ko 'to nakuha while si kuya kay mom so that's why medyo hindi kami magkamukha." Paliwanag niya sa akin. Nakakatuwa naman at ganoon parehas pa sila pogi at maganda.
"Mag start na nood na tayo." Aniya at tinuro na ang laro. Nanatili ang tingin namin sa laro at hindi na muli nagkibuan.
Bakit kaya hindi siya nagsasalita ng pang Batangueño siguro ay dayo lang rin sila rito. Pinanood na namin ang laro ang galing pala ni Tyler na maglaro ng basketball laging three points. At base sa nakikita kong score ay halatang sila Tyler na ang mananalo.
Huminto ng kaonti ang laro dahil tapos na ang unang round. Kaya pumunta sila sa pwesto namin. Kinuha ni Tyler sa kamay ko ang tubig na hawak ko. Habang mapatingin ako sa kuya ni Princess na si Number 12 na si Pangan.
Pagpala malapit ay magkamukha sila ng kaonti pero pag malayo ay hindi na halata.
"See magkamukha kami." Sabi ni Princess habang natatawa kaya napatingin si Tyler.
"Close na kayong dalawa?" Tanong niya kaya tumango ako sa tanong niya at ngitian siya.
"Nasan yung phone ko?" Bigla niyang tanong kaya nagulat ako. Agad ko itong kinuha sa bulsa ko dahil kanina ay tinitignan ito ni Princess. Mabilis kong naibigay ang telepono sa kaniya pinanood ko na lamang siya sa ginawa niya. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang nag titipa sa kaniyang cellphone.
"Kayo ba talaga nito?" Tanong bigla ng katabi ko na ikina-lingon ko pati ng iba.
"Huh? Hindi pa baka soon?" Sabi niya sabay binigay ang cellphone at tumakbo patungo sa laro. Natawa na lamang ang kuya ni Princess sa amin.
"Soon daw, goodluck be!" Masayang sabi niya at tinaptap ang likod ko.
"Pogi naman na hindi kana lugi." Bulong niya sa akin sabay nagtakip ng bibig at mukhang kinikilig sa amin. Nakakakilig ba kami?
"Tara na nood na tayo mag start na," pagiiba ko ng usapan para hindi na mapunta doon dahil nahihiya na ako.
Natapos ang laro ay sila Tyler ang nanalo, una palang ay halata ng mananalo sila. Lagi ba naman sila mag three points at sa kanila lagi ang bola dahil laging foul ang kalaban.
Pinanood kong naglalakd si Tyler patungo sa pwesto namin ni Princess. Nakatitig rin siya sa akin kaya medyo napaiwas ako dahil nahihiya ako.
Hinanda ko na lamang ang gamit niya para maiba ang tingin ko. Siya na ang magbubuhat nito pag umalis na kami at umuwi.
"Oy tara doon tayo sa resort may buffet daw doon." Sabi ni Tyler na narinig ko ng kaonti. Edi doon rin ako? Lilibre niya ako sa buffet? Napatingin na lamang ako sa kanila dahil sa lakas nang usapan nila. Nahuli ko pang sumulyap sa akin si Tyler.
"Kasama ka." Nung nakatinginan kami sa mata hindi ko alam gagawin ko kaya hindi ako nakapagbigay ng reaksyon.
"Ikaw rin Princess kasama ka pati kuya mo." Sabi niya at ngitian na lamang siya At tsaka lumayo sabay umupo sa tabi ko.
"Kasama daw ako? Magiging close talaga tayo!" Sabi ni princess ay yinakap ako ng maghigpit.
Nahagip ng mata ko na papunta na dito si Jessa sa kinaroroonan namin ni Tyler at wala itong binibigay sa reaksyon kaya hindi ko nalang muna siya pinansin.
"Tara na!" Sabi ni Tyler habang hawak ang Trophy nila kasama rin namin ang coach nila at iba pang member ng basketball may ibang hindi sumama dahil may gagawin pa sila.
Naglalakad na kami papalabas at may sumalubong kay Tyler at kumausap kaya naiwan akong nakatayo sa pwesto ko. Nakadikit na lagi sa akin si Princess dahil gusto niya raw ako maging kaibigan.
"Isud" sabi ng badjao at tsaka tinulak ako dahil sa hina ko ay muntikan na akong matumba.
"Huh?" Sabi ko nalang at napasandal kay Tyler. Napansin ko na nakuhaan kami ng litrato na ganoon ang posisyon. May kausap pa si Tyler at ganoon ang nangyare nakakahiya.
"Sorry po." Sabi nila kaya yumuko na lamang ako sa kanila.
"Okay lang po," sabi ko na lamang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya hinigit ni Tyler ang bewang ko na ikinagulat ko ng sobra.
"Badjao po kami pero di kami bad, hindi ko po sinasadya." Sabi ng isang babae habang naka-yuko.
"Okay lang po." Sabi ko at iniayos siya ng tayo hindi ako sanay ng ganito. Nakahawak parin sa bewang ko si Tyler na medyo ikinahiya ko dahil ang daming nakatingin na tao.
Ang mga kaibigan naman ni Tyler ay puro katyawan sa amin dahil sa ginawa ni Tyler.
Umalis na yung babaeng naka bangga sa akin pero wala lang naman iyon dahil natural iyon at hindi niya naman iyon sinasadya.
Sumakay kami ng Tricycle at hindi ko nakatabi si Tyler dahil sabi ni Princess gusto niya akong katabi at no choice si Tyler buti na lamang ay ginawa iyon ni Princess puro asar kasi ang naririnig ko sa kanila kapag magkadikit kami ni Tyler
BINABASA MO ANG
His Hometown
Teen FictionSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...