"Kumakalat dito sa school ang picture niyo. Balita ko ay matagal na raw iyong picture na iyon?" Sabi niya sa akin dahil kaming dalawa nalang. Kasi ihahatid daw kami ni Tyler pauwi pero mas mauuna si Jessa dahil kami ni Tyler ay may trabaho pa kami habang si Jessa naman ay hindi doon nag wowork."Uhm Oo." Maikling sambit ko at yumuko na lamang.
"Gusto mo ba talaga si Tyler?" Tanong niya sa akin at hindi agad akong nakakibo sa tanong niya dahil nagulat ako. Nagulat ako dahil hindi ko iyon inaasahan.
"Oo." Iyan na lamang ang nasabi ko dahil dumating na agad si Tyler kaya tahimik na uli kaming dalawa. Naglakad lang kami dahil malapit lang naman ang bahay nila.
Naglalakad kami at nagkwekwentuhan at tahimik lang si Jessa na naglalakad at tila nag mumuni muni.
"Jessa dito ka sa amin." Tawag ni Tyler na kinatingin niya sa amin. Naglakad siya at pumantay sa amin kaya hinawakan ko ang braso niya at parang yinakap pero tinatanggal niya kaya nawala rin.
"Una na kayo dito nalang muna ako kay mang karding tsaka may utos rin si mamay sa akin dine sa tindahan ni mang karding." Aniya at lumayo sa amin at naglakad na papalayo.
"Ingat ka, una na kami." Sabi ni Tyler at naglakad na kami.
"Excited kana bang magwork? First time mo rito ano?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako.
"Sigurado akong magsasaya ka rito at walang pagsisi at maraming memories ang mabubuo rito pag kasama mo ako." Aniya at tumawa.
Natanaw ko na rin sila Princess doon sa gate at nagwawalis ng dahon.
"Andito kana pala nakahanda na lahat ng kailangan mo tsaka yung I.D mo. Tsaka ano ganyan nalang muna uniform mo ah tas bukas kana mag uniform. Uniform natin bukas ay purple don't forget." Bilin niya sa akin na kinatango ko.
"Pwede ka naman magtanong sa akin if kailangan mo ng tulong dine at mga ganiyan." Sabi ni Tyler sa tabi ko kaya tumango ako sa kaniya. Naglakad siya patungo sa gilid at pumasok sa pintuan sa tingin ko ay para sa staff and pintuang iyon kaya sinundan ko siya.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin nang maramdaman niyang nasa likod niya ako.
"Sasama."
"Magbibihis ako, sasama ka?" Tanong nito at natawa sa sinabi ko kaya umiwas na lamang ako at tinalikuran ko nalang siya at nagsimula nang maglakad kahit nakakalayo na ako ay naririnig ko parin ang tawa niya.
Tumungo ako sa pwesto ni Princess hindi ko kasi alam kung saan at kung paano magsisimula.
"For you girl you should fix the chair." Sabi niya at sabay tinuro ang mga upuang nakakalat. Winawalis kasi ni Princess ang ibang kalat na nakakalat at ang iba naman ay nagpapakit ng punda dahil kakaalis lang ng isang nagbakasyon rito.
"Alam niyo ba si Chandrella gusto ako kasama hanggang sa pagbihis ko."bungad nito na kinalingon naming lahat. Bahagyang namula ang pisngi ko at uminit ramdam ko ito.
Natawa silang lahat sa sinabi ni Tyler at sabay lumapit si Princess at pinalo ako buti na lamang ay naka iwas ako kaya binelatan ko siya.
"Ikaw ha..." sabi niya at kinurot ang tagiliran ko.
"Kumain ka na ga?" Tanong ni Princess sa akin kasi bigla akong natumba sa lakas ng hampas niya dahil hindi ako nakailag. Tawang-tawa pa rin siya.
Natapos na ako sa ginawa ko kaya kumuha muna ako ng upuan at tsaka pumwesto sa gilid at tinignan ang dalampasigan at pinakinggan ang alon nito at pinanood na rin ang ibang taong naliligo.
May na amoy akong kakaiba kaya iniikot ko ang pangin ko hindi ko gusto ang amoy dahil ang sakit nito sa ilong dahil ang na aamoy ko ay sigarilyo.
Natanaw ko ang isang lalaki malapit sa akin at naninigarilyo siya. Kasamahan namin siya dito aa resort dahil base sa suot niya ay nakauniform sita katulad ng kay princess.
"Hindi mo ba gusto ang amoy ng sigarilyo?" Mabagal na tanong nito sa akin kaya dahan-dahan rin akong tumango nang masabi ko iyon ay agad na siyang lumayo at tuluyan na rin nawala ang amoy ng sigarilyo.
Para sa akin ay ayoko non dahil ang sakit sa ilong pakiramdam ko rin at nakaka amoy ako ng sunog. Pero naiintindihan ko naman sila kung bakit nila iyon ginagawa. Ginagawa nila iyon dahil sa stress or addiction doon umiikot pero marami pa ring iba katulad ng naimpluwensyahan lang o kaya ay na curious kaya nagustuhan.
Kasi sa mga lalaki gusto ko hindi naninigarilyo. Okay naman na siya may itsura pero down sa sigarilyo. Hinayaan ko na lamang siya at nagsariling buhay na lamang ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko doon ang mukha naming lahat kasama sila mama. Namimiss ko na talaga sila gusto ko silang puntahan at isama na rin si Tyler para mapakilala ko siya kay mama. Ngayon lang din kasi ako nagkaroon ng kaibigan na tulad ni Tyler. Si Elijah naging kaibigan ko naman siya pero hindi gaano ka lalim kasi nga pakiramdam ko ay may gusto siya sa akin kaya umiiwas ako.
Naramdaman ko na may tumabi sa akin at inikot ko ang paningin ko para tignan kung sino ang katabi ko. Nagulat ako dahil si Tyler pala dahil ang nasa isip ko ay si Princess.
"Tapos kana sa work mo?"tanong nito.
"Oo, bakit?"
"Kumain ka na ga?"
"Hindi bakit?"
"Tara kain na tayo gutom na ako libre ko naman," aniya kaya nagningning ang mata ko sa sinabi niya.
"Sure ka no lies?" Tanong ko sa kaniya at tumango siya agad ko siyang hinila.
Libre na tatanggihan ko pa ba ang grasya. Naglakad ako habang hawak ang kamay niya pero hindi ko na iyon binigyan pansin ang mahalaga sa akin ay libre niya. Tumakbo pa kami ng sabay pero hindi nagkakahiwalay ang kamay namin.
Nakarating kami sa simpleng tindahan at ang mga tinda doon at buko at shake.
"Gusto ba nito?" Turo niya sa shake na malaki kaya kumunot ang noo ko at tumawa.
"Hindi ko kaya 'yung ganyan kalaki." Sabi ko sa kaniya at umiling habang natatawa.
"Edi hati tayo. At isa nga po nito." Bigla siyang sabi at iniabot ang bayad hindi agad ako nakakibo dahil sa bilis ng ginawa niya. Pati ang tindera ay ang bilis rin kumilos at nalagyan niya agad ang baso ng Chocolate syrup. Kaya wala na akong magagawa nakakahiya kung palitan ko libre lang naman ito ni Tyler sa akin aangal pa ba ako.
Mabilis nagawa ang cookies and cream na shake ako ang unang uminom dahil sobrang init kanina pati na rin doon sa pingatambayan ko. Tirik na tirik ang araw at ang init mabuti na lamang ay nakabili ako ng sunblock para hindi ako mangitim ka agad.
"Ako naman painom." Sabi niya sa akin at sumimangot ang mukha akala mo ay inagawan ng laruan.
"Yung tira nalang sayo." Sabi ko sa kaniya. Pinanood ko ang kinilos niya dahil pinagcross niya ang dalawa niyang kamay sa sinabi ko.
Linibot ko ang tingin ko at nagulat ako nang kuhain niya ang shake sa kamay ko muntikan pa itong matapon sa ginawa niya.
"Hoy gagi ka!" Sabi ko na lamang at tinigan ang damit ko kung namantsyahan. Mabuti na lamang ay hindi nadumihan kundi mahihirapan akong maglaba.
Huminga na lamang ako ng malalim para makalma ang sarili at nakita ko siyang tuwang tuwa na iniinom ang shake. Wala na akong nagawa kundi ibigay nalang muna sa kaniya.
Naglakad lang kami nang naglakad at sinundan siya kwinentohan ko pa siya kung ano ang buhay ko sa Bulacan noon.
Biglang pumasok sa isipan ko na isama siya at ito na ang pagkakataon na sabihin sa kaniya kung pwede ko siyang isama pauwi sa hometown ko.
"Tyler pwede ba samahan moko sa Bulacan?" Tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
His Hometown
Teen FictionSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...