"Hoy beh!" Tawag ni Sydney kay Yssa kaya napalingon siya sa amin habang may kausap siya. Tumango siya sa amin at binalik sa kausap. Masyado talaga busy si Yssa ang dami rin kasi inuutos sa kaniyang gawain lalo na Intrams pa ngayon. 3rd day na ngayon, 2 days nalang matatapos na 'to.
"Hoy alam mo beh, talo tayo. Ang gagaling ng kalaban yung isang section kasi puro volleyball player, paano naman kaming naglalaro lang para sumaya." Sabi niya sabay inom ng tubig.
"May chika ako sayo girl," sabi nito at lumapit pa sa upuan ko.
"Isang araw lang ako nawala ang dami nang nangyare," sabi ko habang natatawa dahil kahapon lang naman ako nawala dami na agad ganap. Nakinig lang ako sa kwento niya.
"Tsaka alam mo ba may pogi na nanonood samin. Uwian na non tas nanood tas alam mo ba sunod na nangyare. "
"Hindi pa ano ba nangyare? Ikaw ah wag agad mafall mabilis ka ren masasaktan proven and tested na. Joke only."
"Ikaw, wala ka pa ngang jowa ganyan kana." Asar nito sa akin. Natawa nalang ako sa sinagot niya.
"So eto na nga. Gago beh sumali samin tas ang galing niya, partida ibang school siya beh. Nakakainlove beh hindi ko makalimutan mukha niya. Ampogi kasi." Kinikilig na kwento ni Sydney natawa na lamang ako. Sino kaya iyon? Pogi? Saang school?
"Speaking of volleyball may laban uli para sa natalo," dagdag na sabi niya ikinalingon ko. Nanlaki pa ang mata ko dahil sa gulat nang marinig ko iyon.
"Hala weh?!" Gulat na tanong ko napatayo pa ako ng wala sa oras. Hinawakan ni Sydney ang kamay ko at inalalayan ako na umupo uli. Nadala lang ako sa emosyon ko.
"Bakit di niyo ko ininform, naka-uniform tuloy ako," malungkot kong sabi. Ako lang naka uniform sa aming lahat, hindi ko ba alam at bakit ba ako nag uniform parang ewan lang.
"Sayang naman." Malungkot kong sabi at nawalan na ako ng gana kumain. Manonood lang tuloy ako, kung may extra t-shirts lang ako pwede na ako maglaro kaya lang wala. Kasi naka short naman ako na maayos at madali makagalaw.
"Mamayang 1pm pa naman yon, goodluck mo ko be. Tas ano punta tayo mamaya sa ka-section natin makikihingi tayo ng sunblock." Natatawa nitong sabi at hampas pa sa akin. Nakakatawa kasi takot umitim at hihingi pa.
Habang nag-uusap kami ni Sydney ay dumating na rin si Yssa at nagsimula rin siyang magkwento ng mga ginawa niya at kung saan siya napagod.
"Hoy alam niyo ba mamaya, yung mga boy scout mag iikot baka ipunta kayo sa jail booth kaya ikumpleto niyo yang uniform niyo. Baka mahuli kayo busy pa naman ko wala akong pantubos sa inyo. Narinig ko lang naman yan kanina." Kwento niya habang sinasabi niya yan ay napapatingin ako sa sarili ko kung mali sa akin.
"Una na ako ah, tawag na ako sa office." Paalam niya sa amin at tumayo na sa kinakaupuan niya.
"Ingat ka!" Sabay na sabi namin ni Sydney. Pinanood namin siyang lumayo hanggang sa hindi na namin siya matanaw.
"Kuhain na natin yung sunblock para mamaya warm up nalang." Sabi ni Sydney at agad na tumayo sumunod na rin ako at pumunta kami sa building ng mga ka-section namin para makahingi ng sunblock.
"Uy pwede comfort room lang ako." Pagsisinungaling ko. Kailngan ko na pumunta sa Music room para ipag-piano siya as gift sa ginawa niyang best.
Nanonood lang kasi ako sa practice ng Volleyball nila Sydney, eh wala naman akong ginagawa. Lumayo na ako kanila Sydney at dumaretso na sa Music Room. Natanaw ko roon si Elijah na nakaupo at nakapikit.
"Psst!"
"Elijah!" Mahina kong sigaw.
Napalingon naman agad siya sa ginawa ko at agad siyang umayos ng upo. Pumasok ako sa pinto at nakita ko na nakahanda na ang piano at nakasaksak na ito.
BINABASA MO ANG
His Hometown
Novela JuvenilSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...