Kasalukuyan akong nakaupo at nag-iisip ako kung ano ang maiaambag sa ka grupo ko dahil hiyang hiya ako kahit kasama ko si Yssa. Lumingon ako kay Yssa na sobrang laki ng ngiti sa akin. Hindi na lamang ako tumingin sa kaniya upang makapagfocus ako dito sa gagawin.
"Anong gagawin ko?" Bigla kong tanong dahil wala silang ina-asign, lumingon sila sa akin at kita ko sa mga mukha nila ang pag-iisip dahil binigyan lang nila ako ng pansin.
"Props and investigation tayong dalawa," sabi ni Elijah sabay ngiti sa akin, ngumiwi na lamang ako sa kaniya habang si Yssa ay kinikilig na naman.
Nagsimula silang mag-usap dahil sila ang magdedefense sa harap. Ayoko rin naman ng ganoon dahil baka tanungin ako about sa report namin. Hindi pa naman ako magaling sa gaanoon dahil na me-mental block ako at lalong kinakabahan.
Hinintay ko na lamang silang matapos, si Yssa ay naging seryoso na dahil siya ang pinagawa ng sasabihin at question. Madali lamang sa kaniya iyon dahil palagi niya itong ginagawa at future lawyer namin 'yan sa madaling salita ay magaling siya sa paper works.
Mabilis kaming natapos at bumalik na sa kaniya-kaniya naming upuan. Naglakad na ako patungo sa upuan ko katabi ko si Sydney. Sinalubong niya ako na napakalaki ng ngiti.
"Musta, leader niyo raw si Elijah," tukso nito sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin para tumigil siyang mang-asar. Mabuti na lamang ay nandirito na si maam kaya natahimik na siya.
Nagsimula itong magturo ngunit napaka-ingay namin sa likod dahil may kaniya kaniyang buhay kami. Napakaraming chika ni Sydney sa akin kasi may nakakausap raw siya na senior at kilig na kilig raw siya sa banat nito at sa tingin niya ay mahal niya na ito kahit ilang araw pa lamang sila nag uusap.
"Ano 'yang ngiti na 'yan?!" Biglang tanong ng guro sa amin dahil tumawa sila ng malakas. Biglang napatahimik ang buong silid namin dahil sa sigaw ni maam. Nakakataka lang dahil tawa sila ng tawa buti na lamang ay hindi ako kasama doon dahil kami ni Sydney tahimik lang kami magdaldalan at tumawa kaya sila ang mayayari mamaya.
"Masyado na kayong maingay kaya dapat ko na kayo ilipat ng upuan," sabi ni maam at sumulyap pa sa mga maiingay kong kaklase dahil kahit kanino mo sila itabi ay maingay pa rin sila kaya mahihirapan si maam doon.
"Chandrella tayo!" Sigaw ni maam. Napatingin ako sa katabi ko, ngumiti siya ng pilit kahit hindi niya gusto na magkahiwalay kami ng upuan. Dali-dali akong pumunta sa harapan dahil hindi ko alam kung saan ako uupo. Matagal akong pinaupo ni maam dahil iniisip niya kung saan ako ilalagay dahil tahimik naman ako, tahimik talaga ako nagiging maingay lang dipende sa kasama.
"Doon ka sa tabi ni Elijah," sambit ni maam. Napabuntong hininga akong kinuha ang bag ko bakit siya pa? Nahihiya ako sa kaniya. Bahala na sana naman ay tumaas ang grado ko rito kahit papano dahil next week na ang bigayan ng grades yari ako kapag bagsak ako lalo na nasa section one ako.Nararamdaman ko rin na mababa ako dahil hindi naman ako active sa mga nangyayare.
"Hi, " bati ko sa kaniya ng makapunta ako sa tabi niyang upuan. Iniayos ko ang upuan ko at medyo linayo sa kaniya. Mabilis ko itong nagawa kaya mabilis rin akong nakaupo. Huminga muna ako ng malalim bago i-angat ang tingin ko sa pisara.
"Mamaya doon tayo sa inyo," aniya at nagsimula magsulat sa kaniyang kwaderno, pinanood ko na lamang ang bawat kilos niya. Doon sa amin para sa props ano nga ba ang gagawin?
"Hindi pwede sa amin, doon na lang tayo sa inyo, " pagsisinungaling ko, ayoko na doon siya sa amin dahil nakakahiya aasarin lamang ako nila mama dahil sa kaniya. Napahinto siya sa pagsusulat ng marinig niya ang sinabi ko at matagal ang ganoon niyang posisyon na tila bang nag-iiisip kung ano ang kanyang sasabihin o plano.
"Nako wag na sa amin masyadong malayo." Hindi ako nakakibo sa kaniyang sagot nanatili lamang akong nakatitig dahil wala akong maisip na maaring sabihin sa kaniya upang pigilan siya na pumunta sa amin.
BINABASA MO ANG
His Hometown
Teen FictionSi Chandrella ay isang babaeng mahina sa mga bagay-bagay. Hindi rin siya katalinuhan lalo na sa mga major subject tulad ng Math, English, Science at iba pa. Ganda lamang ang ambag niya. Nakakakuha naman siya ng 90 pero dahil yun sa kasipagan niya p...