Chapter 25

29 29 26
                                    

Pinakinggan kong pagpatugtog ng kanta si Tyler hindi ko inakala na  magaling pala siya mag gitara. Siguro ay hindi ko siya naririnig kasi hindi niya naman linalabas ang gitara niya kapag pumupunta ako sa kanila at tumatambay.

Maraming napatahimik at parang dinamdam ang tugtog ni Tyler pati na rin ako napatulala sa kaniya at napatitig sa mukha niya. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa akin habang nag strum ng gitara na hawak niya. Napatingin ako bigla kay Elijah nabasa ko na parang galit ang kaniyang emosyon ayon sa pinakita niya.

Bigla silang nagtanungan at tumili nang natapos nang magpatugtog si Tyler. Linapag ni Tyler ang gitara sa gilid at sabay lumapit sa akin. Bigla na rin nagtanungan ang mga kaibigan ko na katabi ko lang rin lamang.

"Do you really want to prove us that you like Chandrella?"  They asked Elijah. Sabay- sabay pa silang nagsalita ng ganoon.

"How can you show that you really love her?" tanong naman ng isa. Hindi ko alam kung kanino ako makikinig sa tanong at sa sagot nila naguguluhan ang isip ko. Dahil bungad ba naman ay ganito.

"And you!" Duro pa kay Elijah na masama ang tingin at nanlilisik ang mga mata ni Elijah habang nakatingin ng masama sa kaibigan ko na si Kresany kasi hindi sila close.

"Don't ever touch,every one of us." Pag-eenglish ni Kresany kay Elijah. She oftenly speak english when she's mad. She always do that to me because I always get clumsy everyday so sometimes she's mad or not in the mood.

Hindi na tinuloy ni Elijah ang pag tutuos nilang dalawa dahil alam niya na talo na siya kay Elijah at ang mga kaibigan ko ay na kay Tyler na.

Biglang nanlibre si Sydney dahil marami daw siyang pera ngayon kaya why not na ishare na lang daw sa amin.

Nagkwekwentuhan lang kami hanggang matapos ang kaininan namin. Pati si Tyler ay napapalapit na rin kaonti sa kanila. Kahit siya lang nag iisang lalaki doon at kami ay puro babae.

Ang tagal niya ring nakahawak sa kamay ko pakiramdam ko pa nga ay nagpapawis na ang kamay ko dahil sa init ng kamay niya at sa tagal naming magkahawak.

Gusto pa nga nilang sumama papuntang batangas dahil gusto raw nila makakain ng lomi doon at mapuntahan ang taal at dagat pero sabi namin ay sasusunod nalang pag may sarili ng sasakyan para mas madali makapaunta at mabilis lang lalo na pag dumaan sa sky way.

Mabilis rin naman kaming natapos kaya umuwi na rin agad kami ni Tyler. Habang naglalakad kami ay nagtatanong ako ng kung ano-ano sa kaniya.

"Gusto mo pa ba na pumunta doon sa chicharon?" Tanong ko sa kaniya dahil huli ko ng na alala. Sinabi ko pa naman iyon kahapon at hindi ko tinupad.

"Wag nalang at least you're here."He said.

Nagkwento ako sa kaniya kung paano kami nagkakilala ng mga kaibigan ko na iyong nakasama niya kanina. At kung bakit ako nalipat at nawala rin sa school na iyon.

"Really hindi ka na honor, konti nalang iyon sayang." Sambit niya.

"But now na honor kana kaya I'm happy for you Chandrella," dagdag niya at yinakap ako kaya yinakap ko rin siya pabalik.

Nagbitaw na ang pagyayakapan namin at hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay. Napansin ko pa ang mga kapitbahay namin na nakatingin sa amin. Naku po for sure bukas ay marami ng balita ang makukuha ni ate na fake news.

Oo, tama kayo maraming chismosa rito at ambibilis mag balita, at ambilis kumalat. Ang sasabihin pa ng mga 'yan. Kaya ako nawala sa bayan namin ay nadahil nabuntis na ako.

"Parang ayoko pa sa bahay." Sambit ko sa kaniya kaya hinila ko siya papalayo sa bahay at tumawag ng tricycle.

Gusto ko mabisita sila mama at papa. Marami pa namang oras ngayon tsaka para bukas ay sa maynila na kami tatambay ni Tyler dahil ipapasyal ko rin siya sa mga museum roon at sa dream school ko.

Mabilis na nakalapit ang tricycle at dali dali rin ako pumasok nang makahinto na sa harapan namin. Kasalukuyan ko siyang katabi ngayon at binalot ito ng katahimikan.

Nawarak ang katahimikan nang bigla siyang magtanong sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Ano yon?" Tanong ko sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?"

"Kanila mama." Sabi ko nalamang at tsaka siya tumango sa sagot ko. Alam kong alam niya na iyon dahil nabanggit ko na rin sa kaniya iyon at na kwento everytime na nakatanaw kami sa dalampasigan.

Mabilis kaming nakarating doon sa destinasyon. Tinignan ko ang bawat paligid at wala gaanong tao. Naglakad ako patungo sa pwesto nila mama at hawak ko ang kamay ni Tyler patungo doon.

Hindi ko namalayan na nababasa na ang kamay ko habang magkahawak kami dahil siya ay mainit habang ako ay basa ang kamay dahil sa pasma.

Nagtirik ako ng kandila kanila mama at papa at kwentuhan kami kahit wala sila pero ang nasa isip ko ay nakikinig sila sa amin kahit wala sila sa tabi namin.

Pati na rin itong kasama ko nagsusumbong na rin kanila mama kaya napapalo si Tyler at natatawa rin kahit na ganoon pero masaya ako dahil nabisita ko na sila mama kahit ang tagal ko ng nasa batangas.

Nanatili kaming andoon ni Tyler ang tagal naming andon pakiramdam ko pa nga ay aabutin kami ng gabi doon pero takot akong magpagabi sa sementeryo.

Nagpapaalam na ako kanila mama dahil malapit nang maggabi. Nagulat ako sa sinabi ni Tyler. Totoo ba ang narinig ko?

Sure na ba talaga siya? Hindi ako nakakilos at natulala sa kaniya dahil sa sinabi niya. Napatingin rin siya sa akin pagkatapos niyang magsalita at natawa sa ginawa kong reaksyon kaya napalo ko siya.

"Tita pwede po ba akong manligaw sa anak niyo? Alam ko po na hindi niya masasagot ang tanong ko pero I will make sure na hindi ko siya sasaktan." Sabi niya iyan kaya nagulat ako. Akala ko ay magpapa alam lang siya pero hindi pala.

Hinawakan ni Tyler ang kamay ko at hinintay ang sagot ko.

"Unless po hindi siya pumayag." Dagdag niya kaya pinalo ko siya. Hindi ako nakasagot agad dahil iniisip ko pa.

"Oo." Iyan ang nasagot ko at yinakap ko siya ng mahigpit pati na rin siya ay yumakap. Sana ang masayang araw na ito ay hindi mapalitan ng lungkot. Sana ay hindi maging unfair ang mundo.

Kadalasan kasi ay pagnagiging sobrang saya ay mapapalitan ito ng lungkot ganoon lagi ang nangyayare sa akin at napapansin ko yon kapag nakakapag unwind ako ng sarili ko at doon ko na pagtanto na ganoon lagi. Pero minsan ay pagmalungkot ay may darating rin naman na saya.

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon