Chapter 26

28 29 0
                                    

Papunta na kami ni Tyler sa Maynila at doon kami pupunta kabisado ko na banda doon sa Rizal Park at sa Museum.

Ligaw palang kami ni Tyler at hindi pa kami nasa ligaw stage palang. Sumakay lang kami sa bus ni Tyler dahil wala pa naman kaming sasakyan at bata pa kami.

Mabilis kaming nakarating sa destinasyon namin. Naglakad kami habang magkahawak ang kamay pero hindi ko na namalayan.

Pagpasok na pagsapasok namin ay kumuha agad ako ng picture. Halos lahat ng nalalakaran ko ay nakuhaan ko na, sa tingin ko ay mafufull memory ako nito.

"Can you take me a picture?" Tanong ko kay Tyler at agad siyang tumango at linabas ang camera niya na minsan niya lang linalabas.

Agad akong nagpose ng gusto ko na sa tingin ko ay maganda. Tinulungan niya pa ayusin ang buhok ko at nagsimula na kumuha ng litrato.

"Patingin." Sabi ko sa kaniya at lumapit at kinuha ang camera. Nagulat ako sa picture bakit ang ganda ko doon kaysa sa mga picture ko sa cellphone ko.

"Ako lagi kukuha ng litrato mo." Sabi niya sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Ang saya pala sa feeling na may taga kuha ng litrato or taga video.

"Bakit ang ganda ko doon sa picture?"  Sabi ko at tiningala siya dahil medyo matangkad siya.Tumawa naman siya sa sinabi ko kaya binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Maganda ka kahit kahit off cam. Maganda ka araw-araw." Dagdag niya kaya nahiya ako bigla. Naramdaman ko pa na uminit ang pisngi ko kaya napahawak ako doon at ang init nga nito. Pakiramdam ko tuloy para akong kamatis na kinikilig rito sa museum.

Mabuti nalang at medyo madilim at hindi sobrang lakas ng ilaw at hindi ako pansin ng iba.

Naglakad uli kami patungo sa kanilang pinto para enjoyin ang mga paintings na mayroon rito at panay ang picture niya sa akin ng stolen kaya linalapitan ko siya para tigilan akong picturan dahil napapatingin ang iba sa amin dahil sa ginagawa niya.

Natapos kaming ikutin ang museum na iyon at napagod ako dahil buong building ang inikot namin at may tatlo itong palapag. Kaya dumaretso kami sa sikat na kainan rito sa maynila pero abot kaya naman namin ang presyo ng  pagkain kaya mabilis rin kami nakabili.

Mabilis ako nakahanap ng mauupuan at buti na lamang ay bago dumami ang tao ay nakahanap agad ako dahil nagsisimula ng magsidatingin ang mga taong kakain rin.

Umupo na sa harap ko sa Tyler kaya tinanong ko siya kung anong pakiramdam.

"Do you like manila?" I asked him.

Umiling siya sa tanong ko kaya bumagsak ang balikat ko.

"Kung patitirahin ka rito papayag ka?" Tanong ko sa kaniya. Nalaglag na naman ang balikat ko sa sagot niya.

"Hindi." Maikli niyang sambit.

"Eh," yon na lamang ang sabi ko sa kaniya at ngumuso.

"Kung kasama ka okay lang." Sabi niya kaya napangiti ako bigla ng hindi ko na mamalayan kaya pinalo ko siya para hindi halata na kinikilig ako.

"Grabe ka naman pumalo sa akin." Sabi niya at hinimas ang braso kung saan ko siya pinalo. Natahimik siya bigla nung dumating na ang order namin.

Napatingin ako sa pagkain ko versus sa pagkain niya. Bakit parang mas masarap tignan yung kaniya?

"Pwede patikim ako ng iyo?" Tanong ko sa kaniya kaya tumango naman siya sa tanong ko at sabay kumuha ng ulam niya at linagay sa plato ko.

"Gusto mo matikman yung akin?" Tanong ko pero hindi pa siya nakakasagot ay binigyan ko na siya ng kusa. Para kwits lang baka mamaya gusto niya rin pala. Tsaka next week ay babalik na kami ng batangas kasi may work kami doon at inuuna pa namin ang pag-aaral. Hindi naman namin pwede iwan nalang bigla bigla. Study first parin muna.

Kumain na kami doon at mabilis rin kaming natapos at ang sunod namin na pinuntahan ay ang anthropology na museum.

Lagi niya akong kinukuhaan ng litratro gamit ang camera niya kaya wala na akong picture sa cellphone ko na kasama ako.

Pero hinahanayaan ko na lamang siya dahil pag-uwi namin ay kukuhain ko sa kaniya iyon at ipopost ko sa social media ko para may life update naman ako sa Instagram ko at sa iba kong social media.

Inabot kami ng hapon doon at magsasara na ang musuem pero atleast na sulit namin kahit papaano.

"Saan na tayo ngayon?" Tanong ko sa kaniya dahil napagod ako kakalakad mabuti na lamang ay naka rubber shoes ako kaya hindi masakit sa paa. Kasi kung naka tsinelas or sandals ako for sure sasakit ang paa ko sa bulacan pa naman ang uwi namin at hindi around manila.

"Uuwi nalang?" Kunot noo niyang tanong sa akin kaya natawa ako.

"Pagod kana ba? Doon nalang muna tayo sa Rizal Park tumambay." Sabi ko sa kaniya at pumara na ng jeep para mabilis makapunta. Mabuti na lamang ay hindi puno kaya mabilis rin kami nakasakay at nakapunta.

Pumasok kami sa rizal park at kinukuhaan niya na naman ako ng litrato habang naglalakad.

"Doon tayo sa gitna papicture tayo doon." Sabi ko sa kaniya at tumakbo doon at lumingon sa likod upang tignan kung sumunod ba siya sa akin.

Nakasunod nga siya sa akin tumakbo lang ako patungo doon at maraming naglilitrato.

"Maam papicture po kayo doon 50 pesos lang po." Salubong nila sa akin hindi ako nakasagot dahil may camera naman si Tyler kaya bakit pa ako magpapapicture.

Pero mura lang naman at magkatabi pa kami ni Tyler kung ganoon. Hindi na ako nagatubili pa at nagpapicture na ako sa kanila kaya agad kong tinawag si Tyler na naglalakad.

Hinila ko siya papunta sa gitna at nagsimula nang magpicture ang photographer. Agad namin nakuha ang litrato dahil naka print na agad ito. Pinakita ko kay Tyler ang hawak ko at nagpacute.

"Akin nalang ito ah." Sabi ko sa kaniya kaya tumango siya sa sinabi ko

Naglakad kami uli doon at linibot ng kaonti. Kabisado ko naman rito at alam ko kung saan maganda baka kasi maligaw rin itong kasama ko.

"Sa susunod doon tayo sa Intramuros gagala maganda doon." Kwento ko sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy ay nagiging tourist guide na ako sa kaniya.

May nakakasalubong pa kaming mga amerikano na nag iikot rin dito sa Rizal Park at ang masasabi ko ay ang tangkad nila at ang puti at namumula rin ang balat dahil sa init.

"Ang tangkad niya." Bulong ko sa katabi ko dahil parang basketball player ang nakasalubong namin. Pauwi na kasi dapat kami pero nakasalubong kami ng ganoon.

Ang akala mo ay ngauon lang ako nakakita ng ganoong amerikano at ganoong katangkad. Nakakakita naman ako minsan pero mas iba itong ngayon.

"Matangkad rin naman ako pero atleast pogi ako." Sabi ng katabi ko kaya natawa ako. Kaya hinila ko nalang siya sa sakayan at doon sumakay. Dahil hindi kami pwede gabihin at magagalit si ate lalo na nasa maynila kami mamaya ay hahaba na ang pila.

_____
Delete ko latur haha!

An: sana all nalang talaga penge taga vid ng vlogs ko at taga picture pero sana pogi jowa chars hahaha

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon