Chapter 22

25 29 0
                                    

"Sama kana please?" Sabi ko sa kaniya at nagpacute.

"No." He quickly said.

"Iagagala kita sa Maynila at sa Bulacan." Sabi ko sa kaniya at hinawakan ang kamay. Napatingin pa siya sa ginawa ko.

"Sure ka ba diyan?" He asked.

"Oo sure na sure" I Answered.

"We?"

****

One week na nakalipas at papunta na kami sa Bulacan ngayon. Mas pinili niya na magcommute kahit medyo matagal iyon. Mas gusto niya raw ng ganoon kasi mas matagal daw kaming magkasama.

Ngayon ay nasa terminal na kami ng Maynila hindi namin alam kung paano namin sisimulan. Sakto lang naman ang dinala niyang damit pati rin ako. Kasi baka one week lang daw kami hindi ko sure kasi may pasok rin kami.

"Saan na tayo rito?" Tanong niya sa akin na kinakungot ng noo ko kaya napangiwi siya sa ginawa ko.

"Hindi ko alam eh doon nalang muna tayo sa hotel? Hindi joke lang mahal don sampung libo pataas doon eh." Paliwanag ko at dinampot ang backpack ko.

"Dito muna tayo papasundo ako kay ate." Sabi ko sa kaniya at agad na kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

"Hindi, kumain na lang muna tayo ang tagal ng byahe natin. Hindi pa tayo bumaba sa stopover kanina. Kaya you should eat." Sabi niya sa akin at hinila ako sa McDonald's. Sumunod na lamang ako sa kaniya at mabilis rin kami nakapunta.

Umupo ako doon sa bakanteng upuan at iyon ay malapit sa salamin. Umupo ako doon at tinignan ang labas sana ay hindi umulan ang laki pa naman ng bag namin. Wala pa akong dalang payong.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam, ikaw bahala." Sabi ko sa kaniya na kinatawa niya.

"Akin na yang bag mo." Sabi ko sa kaniya at kinuha ang backpack niya at linagay iyon sa mesa.

"Sige oorder na ako." Sabi niya kaya pinanood ko siyang lumayo sa pwesto namin. Pinanood ko siyang nakapila tinataas niya pa ang kilay niya everytime na nahuhuli niya akong nakatingin kaya natatawa na lamang ako.

Iniba ko ang atensyon ko dahil ang haba ng pila. Kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko para itanong si ate kung masusundo niya ba kami rito sa maynila. Malapit lang naman ang Maynila at Bulacan.

Hinintay ko na magreply si ate ngunit ang tagal  niya napatingin ako sa nga mga chat nila kresany at nangangamusta hindi ko muna sila pinansin ang dami na palang nagchachat sa akin hindi ko pinapansin. Hindi rin kasi ako nagpapaload nung nasa batangas ako at nagwowork ako doon kaya wala na rin akong oras para mag cellphone.

Pero okay na rin ito sa akin nagkakaroon ako ng oras sa sarili natuto akong mahalin ang sarili at ilayo ang sarili sa mga ibang tao. Ang mga kaibigan ko nalang sa Batangas ang nakakausap ko. Mas prefer ko rin kasi na kaharap kaysa ang puro chat lang.

Tinago ko muna ang cellphone ko at Napatingin ako dahil dumating na pala si Tyler dala ang dalawang baso ng inumin at ice cream.

"I know that you like ice cream so I buy it for you." Sabi niya sa akin na kinakilig ko hindi ko pa namalayan na napapangiti na ako. Alam niya na talaga ang mga gusto ko at nahahalata niya iyon base sa ginagawa ko sa araw-araw.

"Eh ikaw? Wala kang ice cream?" I asked him kaya natawa siya.

"No ayoko malamig." Sabi niya sa akin kaya natawa ako.

"Kaya nga Ice cream kasi malamig. Gusto mo hati nalang tayo?" Sabi ko sa kaniya at inalok siya ng ice cream na kinakain ko na ngayon.

Kumuha ako ng isang kutsara ng ice cream at tinapat sa harap niya. Natawa pa siya sa pinaggagawa ko.

"Dali na! Pag hindi mo 'to kinain hindi na ako babalik sa Batangas." Sabi ko sa kaniya nakatapat pa rin sa kaniya ang ice cream.

"Dali matatapon pa to natutunaw." Sabi ko sa kaniya. Mabuti na lamang ay pumayag siya kaya ngumanga na rin siya kaya natawa ako dahil muntikan nang matapon dahil sa tagal niya.

"Sa susunod dito tayo gagala." Sabi ko sa kaniya at kumain na uli ng ice cream.

"Dadalhin rin kita sa mga museum rito at kung saan saan, naka-punta kana ba rito?" Tanong ko sa kaniya kaya umiling siya.

"For real hindi pa?" Tanong ko sa kaniya kaya tumango siya.

"Number 47!" Rinig kong sigaw kaya tumayo agad si Tyler. Pinanood ko siyang maglakad sa kuhaan ng order at dala dala ang inorder niya. Nanlaki pa ang mata ko sa nakikita ko.

"Hoy bakit ang dami! Gagawin mo ba akong baboy?" Tanong ko sa kaniya at natawa.

"Sabi mo hindi mo alam so I bought a lot,"

"Sure ka?"

"Iuwi mo nalang yung iba hindi ko kaya ubusin yan," sabi ko sa kaniya. Buti nalang ay yung iba ay pwede maiuwi. Linapag niya ang dala niya sa mesa at umupo na sa tapat ko.

"Choose whatever you want," sabi niya kaya kumuha ako ng gusto ko pero yung iba na pwedeng itake out ay hindi ko na pinansin.

"So balik sa tanong ko edi hindi kapa nakakapunta sa ibang sulok ng maynila?

"Oo."

"So ako ang magiging tour guide mo here." Sabi ko sabay pumalakpak. Buti nalang ay gumagala kami dito pag may time kami nila mama.

"Huh diba sabi mo hindi mo 'to kabisado?" Nakakunot niyang tanong.

"Kabisado ko siya little bit sa commute pauwi lang hindi." Sabi ko sa kaniya at sumubo ng pagkain.

"Pero bago yan umuwi muna tayo kasi nakakapagod. Pero kung dika pagod pwede naman na ngayon hindi joke lang ang dami nating dala tapos gagala tayo mabilis tayong mapapagod niyan." Sabi ko sa kaniya.

Natapos kami doon at chineck ko ang chat ni ate at hindi niya raw ako masusundo dahil nasa greenhills siya sa work niya doon.

Kaya nag-isip ako ng paraan para makauwi dahil kadalasan ay nasa SM North kami doon nalang kami sasakay pauwi mas kabisado ko doon kasi lagi kami pumupunta ni mama doon. Pwede ring SM fairview pero marami kami masasakyan kaya mas mabilis rito sa SM North.

Sumakay kami ng jeep para makapunta sa SM North. Mabuti at tama ang desisyon ko. Nakasunod lang siya sa akin ang isa kong bag at buhat niya na.

Nakapunta kami sa bus at doon kami nakasakay. Point to point kami sumakay para deretso deretso lang at mabilis.

"Ang layo pala ng bahay niyo 'no?" Sabi niya habang nasa byahe na kami.

"Oo sobra, nasa dulo ba naman kayo habang kami andoon sa gitna ng mapa." Sabi ko sa kaniya at natatawa.

"Oo nga naman." Sabi niya sa medyo matagal na byahe ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa kalabit ni Tyler at napatingin ako sa labas at malapit na nga kami. Hindi ko na pala namalayan na nakasandal ako sa kaniya.

"Malapit na pala tayo." Sabi ko sa kaniya kaya agad kong ina-angat ang bag ko at yinakap para mamaya pagbaba ay hindi ko makalimutan. Hinintay namin na himinto ang bus dahil malapit na.

"Pagod na pagod ka kaya ka nakatulog," aniya at tumawa pero nagulat ako dahil kiniss niya ako sa forehead ko.

"Ano 'yon?" Tanong ko bigla sa kaniya dahil sa bigla biglaan niyang ginawa.

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon