Chapter 1

96 49 56
                                    

"Gaga!Magkaklase tayo," basa ko sa text ni Sydney. Hindi ko alam pero natutuwa ako. Napatingin ako sa salamin, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

Naaalala ko yung panahon na lagi kami magkasama ni Sydney. Lagi niya kasi akong nililibre pero ako hindi ko siya nililibre, pero nahihiya na rin ako kaya babawi ako sa kaniya.

Baka isipin niya na pera lang ang habol ko sa kanya. Ayaw ko ng ganoon, dahil hindi naman 'yon ang habol ko. Wala akong habol sa kaniya kaya ako nakipag-kaibigan, wala rin akong intensiyon na masama. Nakita ko kasi na mabuti siyang kaibigan at hindi naninira at walang problema.

Nabalik ako sa message niya. Hindi ko alam ang irereply ko? Nahihiya ako para sa sarili ko, pakiramdam ko ay may malaki akong kasalanan sa kaniya. Iniwan ko na lamang ang cellphone ko at naghugas na lamang ng plato upang maiba ang utak ko.

Kilala ko naman na mga magiging kaklase ko kaya lang hindi ko sila close,pero kilala ko ang mukha nila at pangalan. Marami naman akong alam sa kanila ngunit sakto lamang. Sure na maninibago ako, dahil baka maging study first na ako, dahil matatalino ang kasama ko. Kinakabahan tuloy akong pumasok dahil baka ako lagi ang tawagin. Bahala na ang mahalaga buhay ako at masaya ako.

May ilang araw pa 'ko para makapag isip, dahil birthday ni mama may pa swimming si mama at sa Batangas kami magswimming kasama ang kamag-anak ni mama.

Ito na ang araw na hinihintay ko ang Birthday  ni Mama, maraming handa si mama dahil marami kami at overnight rin.

Pumunta kami sa saktong laki ng bahay. May cottage sa baba at sa taas naman ay ang mga kwarto. May anim na bahay na nakahilera, pero doon kami sa gitna.

Umakyat ako para mabilis akong makakuha ng pwesto, dahil gusto ko sa malamig na parte. Pagkabukas ko ng pinto ay binalutan agad ako ng ginaw. Sobrang lamig para akong nasa loob ng refrigerator kahit pala di na ako malapit sa aircon ay feeling ko nasa tapat na ako ng aircon.

May 14 na double deck rito, at hindi ko alam kung saan ako pwepwesto. Dito na lamang ako malapit sa terrace para mabilis akong lumabas papuntang terrace at maka-pagrelax. Pagkatapak na pagkatapak ko ay una kong naramdaman ang lamig kaya dali-dali ko rin agad sinuot ang tsinelas ko.Inayos ko ang higaan na pwepwestohan ko at mga sunblock ko, dahil ito ang dapat kong gamitin ngayon para hindi ako masunog at ma-sun burn dahil kapag umitim ako ay magiging negra ako sa room namin.

Mabilis akong nagbihis sa Comfort room. Ang suot ko ay short at croptop lang, masyado yatang labas ang skin ko pero pwede na ito ngayon lang naman at may sunblock naman ako. Hindi muna ako lumabas ng kwarto dahil mag sunblock pa ako at mag picture wala lang memories ko lang din. Lumabas ako patungo sa terrace upang tignan ang view sa labas. May upuan rito at naupo ako doon, dinamdam ko ang malakas na hangin at tinatangay ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin. Kinapa ko sa bulsa ko ang scrunchie ko pero wala. Napatingin ako sa sahig at nagulat ako bigla siyang hinangin at nalaglag dahil sa sobrang lakas ng hangin.

Agad akong bumaba para kuhain 'yon. Nagulat ako dahil may nakasalubong akong lalaki at nakita ko na hawak niya ang tali ko. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya dahil nagkatinginan kami sa mata. Tinignan niya ang scrunchie na hawak niya at binalik ang tingin sa akin. Hindi ako makatingin sa mata niya.

"Akin 'yan," nahihiya kong sabi sa kaniya at tinuro ang tali ko. Hindi ako masyadong sanay makipagusap sa lalaki.

"Ay sa'yo ba 'to. Nahulog kasi siya sa harap ko," sabi niya ng mahinahon at agad akong lumapit at kinuha 'yon. Dala ng pagkahiya ay tumalikod agad ako sabay napapikit pa ako habang naglalakad kaya muntikan na akong matapilok buti na lamang ay mabilis akong nakahawak sa bakal. Bigla siyang magsalita kaya napahinto ako, lilingon ba ako?  Kaya umikot uli ako para lingonin siya.

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon