Chapter 18

30 30 98
                                    

"Did you know that na ano Tyler really like you! As in sobra dapat nga ay hindi niya ako papayagan na makatabi ka pero sinabihan ko siya na pag hindi siya mabait sa akin hindi mo siya magugustuhan if ganon ugali niya so ayon pinayagan niya ako ang funny right?" Sabi niya na ikinatawa ko. Really ginawa nilang dalawa 'yon?

Marami siyang na kwento sa Tricycle at nakakatawa ang mga pinagkwekwento niya minsan may may word na ginagamit siya na hindi ko maintindihan at minsan naman ay panay ang english.

Mabilis kaming nakarating, nakarating kami sa malaking resort malaki siya may building na para sa magbabakasyon at may pool sa harap non at kaharap ng pool ay dagat na.

Napatingin ako sa lamesa at maraming pagkain doon dahil buffet nga.

"Dito kami nagwowork, resort to ni tita." Bulong niya sa akin kaya tumango na lamang ako sinundan ko ang lakad nila kung saan sila pupwesto.

Mabilisan silang nag-agawan ng upuan at mabilis ako naubusan ng upuan. Napansin ko na agad na tumabi si Jessa kay tyler at ang kabila ni Tyler ay walang umuupo at iyon na lamang ang bakante.

"Upo kana girl." Sabi ni Princess na ikinalingon ko. Wala akong nagawa kundi maupo doon.  Nag-usap usap sila ng kung ano-ano at ang iba doon ay relate ako pero minsan na out of place na ako dahil nagsasalita sila ng Batangueño kaya hindi ko sila gaano maintindihan.

Lumapit kami sa buffet at kumuha ng sarili naming pagkain. Mabilis akong nakapwesto sa upuan ko lalo na si Princess dahil kaonti lang ang kinuha niya.

"Iyan lang sayo?" Tanong ko sa kaniya

Laman lamang ng kaniyang pagkain ay isang mini burger, isang mini donut at konting spaghetti na may tatlong subo lang.

"I'm on a diet girl, girl things." Aniya at kumain nalang tumango nalang ako at kumain.

"Kuha tayo girl ng juice doon." Aniya at tumayo inayos ko muna ang bag ko dahil tatayo na ako pero nagulat ako dahil may naglagay ng juice sa harapan ko. Tinignan ko kung sino ang nagbigay at tama ako si Tyler nga ito. Napansin ko naman na bumuntong hininga ang dalawang babae malapit sa akin si Jessa at si Princess iyon.

"Fine ako nalang mag-isa." Sabi ni princess at lumayo. Wala akong nagawa kundi tignan si Tyler ng masama.

"Kaya ko naman kumuha mag-isa." Sabi ko sa kaniya na ikina-ngisi niya. Inirapan ko na lang siya at kumain nalang. Mabilis na nakarating si Princess sa upuan namin.

"Tapos kana? Gala kita rito. Alam ko rin naman dito kasi tambay kami ni kuya rito." Sabi niya sa akin ng mahina na ikinalingon ko.

"Sige ba!" Sabi ko at binilisan kong kumain. Mabuti na lamang at konti na lang 'tong pagkain ko. Tumayo na ako kasama si Princess.

"Saan kayo pupunta Chandrella?" Tanong niya sa akin kaya napalingon ako.

"Mag-cr? Ano sasama ka?" Nakataas na kilay at masungit na tanong ni Princess kay Tyler na ikina-isa niya na lang ng tingin.

"Sige go ahead." Sabi niya at tuluyan na kaming lumayo doon. Habang naglalakad kami ay napatanong ako kay Princess na bakit iyon ang nasabi niya.

"Kasi naman girl baka unahan niya na naman ako at siya pa umagaw sa pwesto ko." Paliwanag at nagpay-pay ng mukha dahil sa init.

"Ah ganon ba."

"Oo girl! Baliw na baliw sayo." Natatawa niyang sabi sa akin kaya pilit nalang akong napangiti.

Iginala niya ako sa buong resort masyado siyang malaki lalo na ang pool pero okay lang. Marami akong nakita turista dahil Saturday ngayon.

"Alam mo ba pag weekends napakaraming tao rito. Hindi gaano matao pagweek days pero minsan may tao pero hindi naman madami pero sa summer punuan lahat as pagod talaga pero bawi naman sa sweldo. I can buy anything naman." Kwento niya sa akin. Bet ko na rin dito mukha naman siyang madali. Hindi naman siguro pasaway ang mga tao na nagbakakasyon dito sa resort.

"Masaya rin mag work dito kasi pwede tayo minsan maglaro if wala gaanong gagawin." Aniya na ikina-tango ko.

"Pwede ba try natin yon?" Tanong ko sa kaniya. Dahil napapanood ko sa malayo na mukhang masaya doon sa banana boat at tsaka snorkeling.

"Oo naman may kaibigan ako rito mas mura kasi kaibigan ko 'yon. Lalo na sa Snorkeling madami akong kakilala pero doon tayo sa tito ko." Sabi niya. "Doon siya nakapwesto eh." Turo niya doon sa malayo.

"Sige kailan ba? De joke lang kung kailan kayo available. " masaya kong sabi sa kaniya.

"Available kami always 'no flexible naman time namin minsan." Aniya at tumawa.

"Gusto mo bukas na eh," sabi niya na ikina ngiti ko ng sobra.

"Sama natin sila." Dagdag niya pa at umupo sa mga tent dito sa paligid. Tinuro turo niya pa ang kailangan kong malaman rito. Tulad na lamang may 20 rooms daw lahat ng building na meron dito. Tsaka hindi naman strict ang mga tao rito lalo na ang may-ari kasi nga kamag-anak ni Tyler ang may-ari.

Bumalik kami sa mesa pero wala na sila kaya umikot kami ng kaonti at nakita namin na nasa cottage pala nakatambay kasama ang mga kaibigan ni Tyler at sila Jessa.

"Andito na pala kayo." Bati nila nang makalapit na kami sa kanila.

"Tagal niyo naman sa CR." Biglang sabat ni Jessa.

"Pake mo?" Nakataas na kilay na tanong  ni Princess at sabay umirap pa.  Ang sungit naman nito si Princess kay Jessa.

"Hinay-hinay." Bulong ko sa kaniya.

"Tara na Princess baka magwala ka rito tsaka maggagabi na rin." Sabi niya kay Princess pero hindi siya pinansin nito pinagkros niya na lamang ang dalawa niyang braso.

"Fine tara na, bye bestfriend!" Sigaw niya nang hilahin siya ng kuya niya papalayo doon sa pwesto namin. Kumaway na lamang ako sa kaniya at ngitian siya at pinanood na lang sila na lumayo.

"Tara na sabay na tayo umuwi." Sabi nintyler na ikinalingon ko at hinawakan ang kamay ko sabay nagsimula nang maglakad. Wala akong nagawa kundi gawin na lamang iyon. Okay lang sa akin dahil first time ko ito. Kung ano-ano ang pumasok sa isipan ko at hindi ko namalayan na napapangiti na ako sa mga iniisip ko.

"Anong nakakatawa?" Sabi niya at nahinto sa paglalakad medyo napangisi pa siya ng kaonti kaya nawala ang ngiti ko at napalitan ng kaba.

"Ha wala lang." Sabi ko sa kaniya at nagsimula nalang akong maglakad dahil nga magkahawak kami ay naglakad nalang din siya. Hindi niya talaga matanggal ang kamay niya, pati ako ay nahihirapan tanggalin.

Nakarating kami sa bahay pero sarado pa pala ang bahay ni lola kaya hindi pa siya makakapasok. Kaya doon ko na nalang muna siya pinatuloy sa bahay ko.

Nakaupo lang kami sa sala at walang kibuan na naganap. Pati ako ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya ibinuhay ko ang kaya lang puro commercial ang lumalabas. Nanatili akong tulala at hindi alam ang gagawin tulad bi Tyler. Lobat na ang cellphone ko and tinatamad akong kumilos.

Nagkatinginan kaming dalawa sa mata at bigla kaming napaiwas ng tingin.

Dahan-dahan niyang idinikit ang labi niya sa akin. Wala akong nagawa kundi tumugon. Wala akong alam sa ganito ngayon ko lamang to mararamdaman. Ganito ba talaga ang feeling nito?

Nakaramdam ako ng butterflies sa stomach ko dahil sa ginawa niya. Napasunod lang ako sa bawat galaw ng labi niya.

His HometownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon