Prologue

800 24 4
                                        

Prologue

    
    
Papikit-pikit pa ang mga mata ko habang naglalakad pababa ng hagdan.

This is such a boring vacation. Maybe I should think about what I would do to kill this boredom.

Pagkababa ay dumiretso agad ako sa kitchen para kumuha ng maiinom sa fridge. Naubusan na kasi ako ng inumin sa kwarto ko.

Maaga pa at kagigising ko lang. Sa aga ko nang nagising ay hindi ko pa rin madatnan ng hindi pa umaalis ang mga magulang ko sa bahay. Madaling araw palang yata ay umaalis na ang mga iyon.

Dalawang linggo palang simula noong nagbakasyon. Ilang linggo ko na ring hindi pinapansin ang mga kaibigan ko dahil feeling ko pinagtaksilan nila ako. Pare-pareho lang naman kasi kami ng mga ginagawa sa school pero bakit sila ay nag-honor tapos ako hindi?

I groaned and think that maybe this is the right time to talk to them. Inip na inip na ako rito sa bahay at gusto ko na ring gumala. Bakit ba kasi hindi ako sanay gumala ng mag-isa lang?

Umakyat muna ako sa taas at nahiga pagkatapos ay natulog ulit. Alas diez na nang nagising ako. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako para makapaghanda ng kakainin.

Kumuha ako ng mangkok at gumawa ng oatmeal, pagkatapos ay umupo sa may dining.

I sighed and stood up to get my phone in my room. I will really call my friends just to get out of this house. Fuck my pride!

Nang makuha ko na ang cellphone ko ay muli na akong bumalik sa dining para magsimula nang kumain. Dahil hindi ako marunong magluto ay puro oats na lang ang kinakain ko rito. Minsan naman ay umoorder ako, kapag sinisipag ay nagpiprito ng hotdogs.

I opened my Messenger and checked if one of my friends was online. Nakita ko na may green sa profile ni Daphne tanda na online ito kaya siya ang i-v-in-ideo call ko.

Wala pang three seconds ay sinagot na niya agad ito.

Bumungad sa screen ang mukha ng tatlo kong kaibigan. I feel more betrayed now that they were all together without me.

Nasa loob sila ng kotse. Of course, si Jane ang nagda-drive sa kanila. Siya palang kasi ang nasa legal age na sa amin at mayroon na rin siyang driver's license. Sa passenger seat naman nakapwesto si Daphne at si Shane ay sa likod.

"Yoww, tumawag din si Ms. Pridey," pabirong salubong ni Daph.

"Mga hayop kayo. Bakit kayo magkakasama agad ng ganito kaaga? Tapos 'di niyo man lang ako inaya," panunumbat ko sa kanila.

They all laughed like I was just saying something funny.

"Wow, ha? Sino kaya 'yung ma-pride diyan at ilang linggong 'di namamansin?" sabi ng ipaktang si Jane.

"At saka hoy, tanghali na kaya," Daph corrected me.

Inirapan ko sila at nag-make face.

"That's true. Nasama ka sana namin nung may practice para sa recognition. Edi sana nakapagpapansin ka kay Dwight."

Nagpantig ang mga tainga ko nang marinig ang pangalan ng crush ko kay Shane.

"Mga epal kayo, bakit 'di ninyo ako sinama no'n!?" patanong na sigaw ko sa kanila.

"Makasigaw, wagas. Parang 'di mo siya laging nakikita nung may pasok pa, ah?" pambabara ni Daph. "Parang dalawang linggo mo pa lang siyang 'di nakikita."

"That's true. Ikaw kaya 'yung hindi namamansin sa amin kaya paano ka naming isasama?" sapaw ni Shane.

"Kahit na. Dapat sinabi niyo pa rin sa akin," nakangusong sabi ko.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now