Chapter 3

216 15 5
                                        

Chapter 3

      
    
"Pwedeng maupo rito?"

"No," masungit na sagot ni Dwight.

Inismiran ko siya at naupo pa rin sa kaharap na upuan niya. Solo naman kasi niya itong lamesa sa pinakasulok ng library. Marami akong nakikita kanina na mga babae na sinubukan rin yatang makiupo. Hindi makikita rito sa library ang mga kaibigan niya sa classroom dahil puro pagpapapogi lang ang alam ng mga iyon kaya siguro mag-isa lang siya.

Si Dwight kasi ay kahit mapaglaro rin sa babae ay seryoso pa rin siya sa pag-aaral niya para sa future namin.

At saka kahit hindi siya magpapogi ay napakagwapo pa rin niya.

Seryoso ang mga asul nitong mata sa binabasa niyang libro. Tapos ay magnonotes siya gamit ang mahahaba niyang daliri sa pagsususlat. Just staring at him gives me butterflies in my stomach. What should I do? I'm crazy.

"You're making me uncomfortable," bigla ay sabi nito kahit na nakatingin pa rin sa librong binabasa niya.

'Di ko namalayan na nangingiting nakatitig na pala ako sa kaniya. Akala ko 'di niya alam dahil hindi man lang ito sumusulyap sa akin. Nagpeke ako ng ubo dahil sa pagkapahiya at binuksan na ang nakuha kong librro.

Nandito naman kasi talaga ako para mag-aral.

It's friday now and tomorrow is our first weekend since the class has started. Dalawang araw ko siyang hindi makikita. Uwian na ngayon at imbes na gumala kasama ang mga kaibigan ay nasa library ako para makapagbasa-basa sa magiging lesson namin next week.

Talagang sineryoso ko na ang pag-aayos sa pag-aaral. Bagong buhay lang ang peg.

'Di ko naman alam na nandito rin pala si Dwight. Nagdesisyon lang akong seryosohin ang pag-aaral, dinadala na ako ng tadhana sa crush ko. Siguro, talagang tamang desisyon ito.
 
"Psst, Dwight. Ano type mo sa babae? Nakapagdesisyon na kasi akong mag-aral ng mabuti, baka gusto mo sa masipag mag-aral? Ano sa tingin mo? Tama kaya desisyon ko sa buhay?" I tried to make a conversation. Kahit ako ay gustong ngumiwi sa ka-corny-han ko.

Parang walang narinig ay patuloy pa rin ito sa pagbabasa at pagnonotes.

Winagayway ko ang kamay ko sa harap niya para makuha ang atensyon niya. Tumingin ito sa akin ng nakakunot ang noo habang ako ay nginitian lang siya.

"Sa tingin mo kaya?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Ano?" inosenteng tanong nito na nakapagpa-inis sa akin.

Kinapalan ko mukha kong sabihin 'yon tapos 'di man lang pala siya nakikinig!

Nang hindi ko siya sinagot ay bumalik nalang ulit siya sa pagbabasa. Nagbasa nalang rin ako ng sarili ko. Boring na boring na ako dahil sa katahimikan.

He never talked to me! Kung hindi lang siguro ako si Aimi Yajima na hapon edi sana nagme-make move na siya sa akin. Bakit ba kasi sa Japanese rin nagcheat mommy niya?

If you are asking me how did I know, it is because of Kassie na pinsan naman pala ni Dwight. Sa kadaldalan niya ay nakwento niya pati iyong sa nanay ng lalaki. Sobrang nainip na yata ako kaya hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. I just woke up when I felt someone is shaking my shoulder.

"Ano?" inis na tanong ko dahil ayaw kong may nanggigising sa akin kapag natutulog ako.

"Magsasarado na library."

Napamulagat agad ako nang marinig ang boses ni Dwight. Hindi na siya nakaupo sa harap ko, nasa gilid ko na sa siya at nakasimangot na nakatayo.

Agad kong inayos buhok ko at itinabi na sa bag ko ang ballpen ko at notebook na hindi ko man lang pala nasulatan ng kahit anong notes.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now