Chapter 24

174 16 6
                                        

Chapter 24

Talkshit si Dwight.

Sabi niya siya ang magsasauli kay Gavin pero ginising ako ni Aya at ibinigay sa akin ang bata dahil papasok na raw ito ng university. Ang saya ko pa namang natulog dahil akala ko ay siya ang una kong makikita sa umaga!

"What's with that look, Ate? Ayaw mo na kay Gavin?" Tinaasan ako ng kilay ni Aya.

Nakanguso akong umiling. "Sa'n si Dwight?"

Bigla siyang ngumiti ng mapanukso at nag-init ang mukha ko. "Ah, umalis. Don't worry saglit lang siya sa Manila. Patapos na ang project nila roon."

Right. I heard from my friends last night that he's an architectural engineer.

Hinalikan ni Aya si Gavin sa magkabilang pisngi. "Bye, baby."

Kinakaway-kaway niya ang kamay niya rito habang paatras siyang naglalakad papuntang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang kumaway rin ang maliliit na kamay ni Gavin sa kaniya habang ako ay napatawa sa tuwa. 

Sa mga sumunod na araw ay sinubukan kong mag-apply ng trabaho sa mga salon pero sa dami kong sinubukang pasukan ay ayaw akong tanggapin dahil nga 'high school graduate lang'. Sa panahon talaga ngayon, kung wala kang tinapos, nganga ka. Mayroong dalawa na tumanggap sa akin pero bawal namang may kasamang baby.

Gusto ko kasing kasama si Gavin dahil walang mag-aalaga sa kaniya. Gusto ni Aya na kumuha nalang ng babysitter gamit ang mga iniwang pera ni Daddy para sa akin pero ayaw ko.

Itatabi ko nalang iyon para sa plano kong pag-aaral kapag medyo lumaki na si Gav.

Nahihiya na ako kasi si Aya pa ang bumibili ng gatas nito. Minsan ay dumadalaw si Shane sa 'inaanak' daw niya na may dalang mga bagong damit para sa bata.

"Punta tayong salon, Aim. Nai-stress ako sa boylet ko! Feeling ko nambababae siya," sabi ni Shane habang buhat si Gav na tuwang tuwang hinahawakan ang mukha nito.

Umiling naman ako at pinagpatuloy ang pagpiprito ng hotdog. Umagang umaga ay nandito itong babae na 'to.

Magt-try na lang akong mag-apply sa ibang trabaho ngayong araw. Mukha kasing wala talagang tatanggap sa akin sa mga beauty salon kahit na may experience na 'ko.

Talagang gusto lang nila ay nakagraduate sa isang cosmetology school and iba naman ay hindi na nagh-hire.

"Please, Aim? Libre ko naman, pasyal na rin natin si Gavin."

Ilang beses na akong tumanggi at hanggang sa matapos na kaming kumain ay nangungulit pa rin siya. Sa huli ay napapayag rin niya ako. Miss ko na ring magpasalon.

Sumakay kami sa kotse niya. Mukhang gustong-gusto niya talaga ang kapatid ko dahil nang makita niya ang baby carrier na nasa kwarto ko na ginagamit ko kapag sinasama si Gavin na nag-aapply, ay kinuha niya at agad na sinuot pagkatapos ay nilagay roon si Gav. Tuwang-tuwa siya at hanggang ngayong nada-drive siya ay nasa harap niya ito.

"Yes, Ma'am. Magha-hire po ako agad. Thank you po."

Muling bumalik sa pagkukulay ng buhok kong medium hair length bob ang baklang hairstylist na naistorbo dahil sa tumawag.

I kinda overheard it and I think they were looking for another hairstylist.

"Are you looking for a hairstylist?" I asked looking at him in the mirror.

He raised an eye brow at me. "Are you interested?"

I nodded slowly and a small smile crept on my lips. My heart is beating fast right now because of nervousness. Baka hindi rin ako tanggapin.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now