Chapter 5

208 12 5
                                        

Chapter 5

 
   
Pagka-uwian ay mabilis agad akong nagligpit para makalabas na. Pumayag kasi si Gio na sunduin ako at ipasyal. Of course, isasama ko friends ko.

"Bye, Dwight," paalam ko muna sa lalaki na nagliligpit ng gamit niya bago ako pumunta sa mga kaibigan ko sa harap.

Nakasalubong ko pa si Kassie na papunta kay Dwight. Ngumiti pa ito sa akin at dahil nasa good mood na ako ay ginantihan ko siya ng ngiti.

Busy pa sa paglalagay ng lip and cheek tint ang mga kaibigan ko. Dapat daw kasi lagi silang maganda sa galaan dahil baka may pogi daw silang makita. Ako naman kasi ay maganda na talaga dahil alagang-alaga ako ni Dwight.

"Bilisan niyo na diyan. Baka nandoon na 'yon, ayaw pa naman no'ng naghihintay ng matagal," pamamadali ko sa kanila.

"Eto na."

Sabay-sabay na kaming lumabas at pumunta sa parking. Kita ko agad doon ang mamahaling kotse ni Gio. Si Gio ay nakasandal lang doon at inip na naghihintay. Nang makita ako nito ay agad itong ngumiti sa akin. Gaya ng mata ko ay nawawala rin ang kaniya kapag ngumingiti.

Paglapit namin doon ay agad ko siyang niyakap. I really missed my favourite cousin, siyempre siya lang naman pinsan ko. Simula kasi nung mamatay si Lola ay madalang nalang itong bumisita sa bahay. Even though I like him, I secretly hate his parents. His dad is my dad's brother. Hindi gusto ng pamilya nila si Mom kaya napasa sakin.

Kahit na hindi niya kasi totoong lola ang lola ko ay talagang malapit siya rito. He's four years older than me. Ayaw niyang tawagin ko siyang kuya dahil baka ikahiya ko raw siya dahil sa sobrang kagwapuhan niya. Sinasabihan tuloy ako ng bastos ng mga magulang niya. E, ano namang pake ko sa opinion nila? May pake lang ako kay Gio.

"Did they fight again?" tanong niya na tinutukoy ang mga magulang ko. Niyugyog niya ng bahagya ang katawan ko bilang pagcomfort sa akin.

I appreciate it.

Ngumiti ako ng malungkot.
"Nothing's new, Gio."

Habang yakap ko si Gio ay nakita kong nakatingin sa amin si Dwight at Kassie habang padaan sila.

Kumalas agad ako sa pagkakayakap. Baka iba isipin ng baby ko kaya nakangiti ko siyang kinawayan. Inirapan niya ako at parehas na silang sumakay ni Kassie sa kotse niya at mabilis na umalis. Napanguso tuloy ako.

"Why do you have a taxi driver cousin, Aim? So dirty," maarteng pagkakasabi ni Jane.

"Aimi, why are you with a bratty kinder?" ganti ni Gio.

"Oh, really, Asahi?"

"Oo talaga, Chantria." Binelatan pa niya ang pikon nang si Jane.

Wow, alam nila pareho second name nila na hate nila.

"I told you not to call me with that name!"

"It's beautiful."

"It is not!"

Bago pa sila tuluyan talagang magkapikunan ay sumabat na ako. Baka mamaya ay hindi pa matuloy ang gala, e. Ayaw ko pang umuwi sa bahay dahil ayaw ko munang mag-isa.

"Tara nalang kaya, 'no?" sabi ko sa kanila.

"Hindi ako sasakay sa lalaki na 'yan." Jane said and crossed her arms over her chest. "Bakit ba kasi sinabi ko pa sa driver namin na huwag akong sunduin? Akala ko pa naman kung sino kasama natin."

"Hindi ko naman sinabi na sakyan mo ako," nakangising sabi ni Gio dito.

Pinamulahan ang kaibigan ko at magsasalita pa sana pero hindi na hinayaan nila Daphne.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now