Chapter 6

197 14 13
                                        

Chapter 6
   
    
Masaya akong naghihintay kay Dwight na nasa tabi ko na inaayos ang mga ginamit niya nung last subject bago magtanghalian. Nauna nang lumabas ang mga kaibigan ko kasama si Kassie. Natapos siya kaya tumayo na ako. Lumapit naman sa kaniya ang mga kaibigan niya na nandito pa pala. Tinanguan nila ako pero hindi ko sila pinansin.

Mga bad influence sila kay Dwight.

"Yo, bro, tara na. Libre raw tayo ni Marley. Pagpapasalamat daw sa pagpunta natin kagabi," sabi ni Samwell kay Dwight.

Pinangunutan ko naman ito ng noo. Kagabi?

"Oh, Aimi. Bakit hindi ka pa sumama sa mga kaibigan mo maglunch?" takang tanong naman ni Adie na inirapan ko.

"Malamang sabay kami ni Dwight maglunch ngayon."

Tumayo na si Dwight kaya mas lalong lumaki ang ngiti ko. Sabi niya kahapon ay hindi siya kumakain ng libre kaya sigurado akong hindi siya sasama sa kanila.

"Let's go."

Akala ko ako ang sinabihan niya noon kaya nalukot ang mukha ko nang lagpasan niya ako at sumama sa mga kaibigan. Natulala pa ako ng ilang saglit at nang bumalik sa huwisyo ay palabas na sila ng pintuan.

Hinabol ko sila at hinablot ang kamay ni Dwight. Napatingin silang tatlo sa akin kaya nahihiya kong binitiwan ang kamay ng lalaki.

"Ano?"

Sabi niya lilibre niya ako ng lunch ngayon? Saka, sabi rin niya hindi siya kumakain ng libre, tapos ngayong narinig niyang ililibre sila nung Marley na 'yon, go agad siya?

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Dwight. Kinailangan ko pang tumingala dahil sa katangkaran niya.

"Maglalunch," simpleng sagot lang nito.

"How about me?"

"What?" he asked, confused.

"'Di ba, ikaw ngayon magbabayad for lunch ko?" paalala ko nalang sa kaniya dahil baka nakalimutan lang niya.

Napangiti naman ako nung parang biglang may napagtanto siya. Nawala rin agad iyon nang makita ko siyang kumuha ng pera. Iniabot niya sa akin pero tinitigan ko lang. Is he kidding me? Well, i'ts a good joke, I almost laughed.

"Sa 'yo na 'yan!" sabi ko at bumalik nalang sa upuan ko.

Nawalan na ako ng ganang kumain. Kairita naman!

Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko ay narinig ko pa ang mga kaibigan niyang nag-aasaran.

"Tangina, Pre. Baliw na talaga sa 'yo si Aimi," rinig ko ang boses ni Samwell na sinabi iyon.

"Oo nga, gago! Sana ganyan din sa akin 'yung si Kassandra," sapaw ni Adie.

Narinig kong pinatahimik sila ni Dwight. Pagkarating ko sa upuan ko ay yumuko nalang ako roon hanggang sa hindi ko na narinig ang magkakaibigan.

May nalalaman pang, 'Fine! Libre nalang kitang lunch bukas', sinunghaling naman pala. Kung sino man iyong Marley na 'yon, napakapabida niya. Hindi ko pa man siya nakikita at nakikilala ay ayaw ko na sa kaniya.

I felt someone sat beside me. Nakabalik na siguro ang mga kaibigan ko pero gusto ko nalang matulog at ayaw ko munang makipagkwentuhan. Pero kung sila nga, ang bilis naman nilang kumain? Limang minuto palang nung lumabas sila, ah?

"Aren't you gonna eat lunch?"

Nagulat ako nang boses ni Dwight ang narinig. Akala ko ba sumama na siya sa mga kaibigan niya?

"Hindi na. Tinatamad na ako, tulog nalang ako," sabi ko nang hindi pa rin nag-aangat ng tingin. Nakayuko pa rin ako sa desk ko at nakapikit. Nanghihina ako pero deep inside ay kinikilig pa rin nang hindi ko alam ang dahilan.  

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now