Chapter 9
"Nasaan na ba si, Ma'am? Sabi niya maaga tayo ngayon?" reklamo ni Hanes, student council vice pres namin na taga ibang strand.
Wala kaming maumpisahan dahil nakalock ang room na hiniram namin at ang mga gagamiting gamit ay na kay Ma'am Janine pa. Kanina pa ako ilang na ilang sa mga tingin ni Dwight dito. I can't help but to feet butterflies in my stomach.
Maaga akong umalis ng bahay papuntang school kanina. Basta nalang ako nagsuot ng puting t-shirt, high waist maong pants, at white sneakers.
Hindi na ako nakapag-almusal kanina dahil baka magising si Aya- my sister, at maabutan ako roon. Nahihiya ako sa ginawa kagabi. Masyado lang kasi akong nainggit na ganoon si Daddy sa kaniya. Anu-ano tuloy 'yung nasabi ko. Magso-sorry nalang ako mamaya.
Nakapower off pa rin ang cellphone ko hanggang ngayon dahil baka puro tanong lang ang mga kaibigan ko sa nangyari kagabi nang sundan ako ni Dwight. In-off ko kasi ito kahapon bago kami magsimulang magreview para walang distraction.
"Sino ba may sasakyan sa inyo? Sunduin niyo na kaya si Ma'am?" inip na inip na sabi muli ni Hanes.
Para kaming mga tanga rito sa bench na inuupuan namin. 'Yung ibang mga estudyante ay nag-aayos na ng kani-kanilang gagawing booth. 'Yung iba naman naming kasama ay nagce-cellphone lang dahil sa inip sa paghihintay sa teacher.
"Si Pres meron, 'di ba?" tanong ng auditor na si Kyla.
Tinatamad na tumango si Dwight rito. Nagkamali nga siguro ako nang tumingin ako sa kaniya dahil agad na nagtama ang mga mata namin at bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumingin tingin sa paligid.
"Iyon naman pala, e. Kailangan mo ba ng kasama?" tanong ni Hanes kay Dwight.
"Yeah," sabi nito at nangunot ang noo ko nang tumingin silang lahat sa akin. Pagtingin ko kay Dwight ay nakatitig ito sa akin. Nag iwas ulit agad ako ng tingin at nag-init ang pisngi.
Mas mahirap pa palang umiwas sa kaniya kaysa magpapansin!
"Sexytary, samahan mo na si Pres," nakangisi na sa akin si Hanes pati na ang ilan sa iba pa naming kasama. "Wala na yata tayong balak siputin ni Ma'am, e."
"Bakit ako? At saka, 'di naman natin alam kung saan bahay niya." Sana marealize nila iyon. Ayaw kong sumama kay Dwight. Wala ako sa mood ngayon.
Napasapo naman ng noo si Kyla. "Putek, oo nga pala!"
"Ako alam ko. Let's go," sabi nito at wala na akong nagawa kung hindi ang sumama dahil nakakahiya naman sa mga kasama namin.
Binabagalan ko ang lakad ko para hindi makasabay kay Dwight pero binabagalan niya rin ang kaniya. Sinubukan ko ring bilisan ng bahagya pero ganoon rin ang ginawa niya. Bumuntong hininga ako at hinayaan ko nalang. Hindi naman niya ako kinakausap kaya okay na 'yon. Pagkarating sa parking ay diretso na kami agad sa kotse niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at tahimik lang akong pumasok roon.
I swear, hindi matatapos ang araw na ito ay crush ko na ulit siya kung ganito siya buong araw.
Pagkapasok sa kotse niya ay binuksan ko na ang cellphone ko para hindi masyadong awkward. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi ko naman alam bahay ni Ma'am Janine.
Sinabihan niya pa akong irresponsible noon tapos siya rin pala.
Nang tuluyan nang mabukas ang cellphone ay nagsunod-sunod ang tunog nito mula s text ng mga kaibigan. Napalingon ako kay Dwight na kunot ang noong nakatingin sa cellphone ko.
Nginitian ko siya dahil natutuwa ako sa kinikilos niya ngayon. Kairita! May pa 'I'll stop liking you from now on' pa ako kagabi, kikiligin din naman pala ako sa kaniy ngayon.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Roman pour AdolescentsAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
