Chapter 13

157 12 7
                                    

Chapter 13

"Are you serious?!" malaki na ang ngiting tanong ko.

"Yeah," he lazily nodded.

Like, oh my gosh!

Tinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang noo niya. Mabilis naman siyang umiwas at kinunotan ako ng noo.

Naninigurado lang naman! Or maybe, I am just dreaming or hallucinating?

"I said there is a chance. Hindi ko sinabing gusto na kita," sabi nito pero inirapan ko lang siya.

"Doon din papunta 'yon, promise. Maniwala ka." Mayabang na tumango pa ako rito.

"You're crazy." Mahina itong tumawa.

Pipisilin niya na naman sana ang pisngi ko sa kabila pero umiwas ako. Feeling ko ay nagpasa doon ang kamay ni Mommy. Five times yata 'yung lakas no'n sa sampal ni Larina sa akin nung intrams, e.

"Kumain ka na?" tanong ko nalang sa kaniya dahil nakatitig na naman ito sa mukha ko.

"Oo."

"Kahit na, kain ka pa rin," sabi ko at hinatak na siya papasok sa bahay. Hindi naman siya pumalag kaya okay lang siguro.

Binitawan ko ang kamay niya at tinignan kung saan nilagay ni Aya ang niluto niya kaninang ulam. Biglang nawala 'yung gana ko nung makitang gulay iyon.

Nakanguso kong tinignan si Dwight. Hindi namin parehas gusto ang gulay. Ubos na rin ang stocks sa fridge.

Lakas ng loob kong manghatak, wala naman pala akong ipapakain.

"Uwi ka na pala, Dwight. 'Di masarap ulam."

Tumingin ito sa akin. Mas kita ko na ang kagwapuhan niya ngayong nasa liwanag na kami. Kaya ko siguro itong titigan kahit magdamag, walang tulugan.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong nito.

Umiling ako at sakto naman ang pagtunog ng tiyan ko na hindi naman ganoon kalakas. Nagpi-fiesta roon ang mga paru-paro at bulate.

"Change your clothes. I'll order food online," sabi niya at ipinakita ang phone niyang hawak.

I wonder if he changed his wallpaper now. The last time na nakita ko ang wallpaper ng cellphone niya ay iyong picture pa nila ni Erica ang nandoon.

Tumango ako sa kaniya at umakyat na. Nagpalit ako ng damit at naghilamos na rin ng mukha. Pagkatapos ay bumaba na.

Pagkababa ay nakita ko doon sa sala si Dwight na nakaupo. Sa may mahabang sofa siya kaya tumabi nalang ako sa kaniya roon.

"Ano in-order mo?" tanong ko rito ng may malaking ngiti.

Sumulyap naman ito sa akin at muling napatitig sa mukha ko. His lips is on a straight line while he's glaring on my face.

"Pagkain," sagot nito pagkatapos ng halos isang minutong pagtitig.

Inirapan ko naman siya at nagpeke ng tawa. "Funny 'yon, Dwight?"

Napalunok ako nung hinawakan niya ang baba ko at inilapit niya ang mukha niya. At first, I thought he's gonna kiss me. Tinagilid niya lang ang mukha ko at tinignan ang pisngi kong mahapdi pa rin.

"Nagpasa."

Imbes na pansinin ang sinabi niya ay kumabog lang ng sobra ang puso ko nang maramdaman ang hininga niya roon. Mabilis kong inalis ang kamay niya at nag-iwas.

God, aatakihin ako sa kaniya.

"Matagal pa 'yung inorder mo?" pag-iiba ko sa topic.

"Do you have cold compress?"

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now