Chapter 12

179 13 13
                                        

Chapter 12

Komportable akong natutulog sa passenger seat nang may maramdaman ako sa harap ko. Pagdilat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin si Dwight na balak akong suotan ng seatbelt.

Malakas ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa asul niyang mga mata. Nang matapos siyang ikabit iyon ay umayos na siya sa driver's seat.

Napatingin ako sa labas at nakitang madilim na ang paligid. Nagtataka kong nilingon si Dwight na sinimulan nang paandarin ang kotse.

"Ngayon lang kayo natapos?" tanong ko rito.

Bumuntong hininga ito pagkatapos ay sumulyap saglit sa akin.

"Kanina pa," mahinang sabi nito.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang 6:30 pm na. Edi ang tagal ko palang natutulog dito?

"E, bakit ngayon lang tayo uuwi?"

Kumunot ang noo niya at muling sumulyap sa akin. "I was looking for my car key."

Saka ko lang naalala na kinuha ko pala ang susi niya kanina. Natawa ako ng bahagya. "Ah, ngayon ka lang?"

Tumango lang siya sa akin at hindi na lumingon.

"Matagal mo bang hinahanap?" tanong ko rito at tumango naman siya. Sarkastiko akong ngumiti. "Buti nga sa 'yo."

Hindi siya kumibo at patuloy lang sa pagdadrive. Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha na walang emosyon.

"Buti nakapasok ka dito sa loob?" tanong ko ulit. I want a long conversation with him.

"You didn't lock the door," sagot nito.

"Ah, nakalimutan ko siguro. Paano mo nakuha 'yung susi sa akin?"

"Hawak hawak mo lang kaya ko nakuha."

Bahagya akong tumango at hindi na alam ang susunod na sasabihin. Tumahimik nalang ako at nagcellphone.

"I have a question," biglang sabi ni Dwight kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

"What is it?" tanong ko.

"What does that cool girl doing in your house yesterday?" he asked me with his brows furrowed.

So, he thinks Aya is cool?

Ngumiti ako at pinatay na ang cellphone. Tumingin na lang rin ako sa labas ng bintana bago sumagot.

"My sister. She just moved in our house last friday," mahinang sabi ko.

Hindi na siya sumagot at tahimik nalang din akong nakatingin sa dinadaanan. Iniisip ko kung may itutulog pa ba ako niyan dahil ang haba pala ng naging tulog ko rito sa loob ng kotse ni Dwight.

"I am sorry about earlier. I was just really in a bad mood," sabi niya nung papasok na kami sa village.

Nagtataka ko siyang tinitigan. "Why?"

"I can't tell you wh-"

"Bakit ka nagsosorry? Ano ngayon kung mas kinampihan mo kanina si Larina?"

Seryoso na ako. Kailangan kong malaman kung bakit parang guilty siya. Kasi para sa akin ay iba 'yung meaning no'n. Siyempre, gusto ko siya kaya nabibigyan ko ng meaning ang mga ginagawa at sinasabi niya.

Nakita ko ang paglunok niya na akala mo ay intimidated siya. Hindi ito sumagot hanggang sa huminto na ang kotse sa harap ng bahay namin. Sa halip na bumaba na ay nakatitig pa ako sa lalaki.

I need an answer.

"Dwight, do you like me? Or at least, do you have a crush on me?" I asked seriously.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now