Chapter 19
"Huy, Aimi!"
Napapiksi ako sa gulat nung bigla akong sigawan ni Daphne.
Tumingin ako rito at nakita kong kunot-noo itong nakatingin sa akin. Ngumuso ako sa kaniya at nag-iwas ng tingin.
"May problema ba, Aimi? Did my cousin do something stupid?"
Inis akong tumingin kay Kassie.
Bakit ba lagi niyang pinagdududahan si Dwight tuwing lutang ako?
Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng tanghalian. Lutang na naman kasi ako dahil next week na ang bakasyon. Ibig sabihin ay pupunta si Dwight sa Daddy niya abroad. Hanggang matapos ang new year ay hindi ko siya makikita.
Hindi naman sa ayaw ko. Shempre gusto kong makasama niya rin Dad niya. Mamimiss ko lang talaga siya kahit ilang linggo lang 'yon.
"Huy, cousin! Inutusan lang saglit ng teacher natin si Dwight. Chill lang." Nagthumbs up pa sa akin si Jane na nakikipinsan na.
"Yuck, too clingy! Baka ayawan ka ni Dwighty. Sinasabi ko sa 'yo." Umiling-iling si Shane na tapos nang kumain at naglalagay ng blush on kahit na nasa canteen kami. Napapatingin tuloy ang ibang estudyanteng nanananghalian rin.
Inirapan ko sila at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Sinong hindi mag-oover think? Kasama ba naman niya si Larina. Nag-iimprove na kasi 'yung landi skill niya. Talagang kinuntsaba pa si Ma'am Janine na nag-utos sa kanila na puntahan lahat ng senior high school teacher per room para magpapirma ng kung ano.
"So, ano nga Aim? Sa amin ka ba ulit sa bakasyon? Kanina ka pa tinatanong lutang-lutang na naman!" inis na sabi ni Daph.
"Nope, lilinisin namin ni Aya 'yung likod ng bahay," sagot ko.
"Lola Daphne niyo pikon. Hindi na pinapansin ng crush niya," pang-aasar ni Jane kay Daph at tumawa. Inirapan ito ni Daphne at pinakita ang middle finger nito rito.
Bumalik na rin kami ng room pagkatapos. Natapos na ang unang subject na panghapon pero hindi pa rin yata tapos sina Dwight. Ni hindi ko man lang ito nakita nung magtanghalian. Baka mamaya ay sabay pa silang maglunch ni Larina.
Bakit ba kasi hindi malubayan ng mga babae 'yung boyfriend ko?
Napangiti ako sa kaisipang boyfriend ko na nga pala si Dwight. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Lumipas pa ang isang oras at bumukas ang pinto sa likod. Lumingon ako roon at doon ko na nakita sina Dwight at Larina. Tumingin ako sa kamay ng babae na nasa braso ng lalaki.
"Excuse us, Sir," mahinhin at pabebeng sabi ni Larina.
I looked at Dwight and he raised his one brow as he removed Larina's hand on his arm.
Inalis ko agad ang paningin ko sa kanila at itinuon nalang sa notebook ko. Pagkaupo ni Dwight sa tabi ko ay pinilit kong huwag siyang lingunin.
Huminga ako ng malalim nang kinalbit niya ako. Lumingon lang ako saglit sa kaniya pero nilipat ko rin agad sa teacher na nagsusulat sa harap.
I heard him groaned and dragged his chair closer to mine.
"You jealous?" I shivered when he whispered in my ear.
I shook my head but didn't bother to look at him.
"She's ugly," bulong nito ulit.
"She's pretty."
"She's not."
"She is."
"You are." Bigla akong napatingin sa kaniya sa sinabi niya. Kumabog ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Teen FictionAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
