Chapter 20

192 12 25
                                        

Chapter 20

Nagising ako dahil sa mga katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Tumingin ako sa wall clock at nakitang alas dos na ng madaling araw.

"I don't want to eat, Aya," I lazily said. Siguro naman ay rinig pa rin iyon mula sa labas.

Nangilid na naman ang luha ko nang maalala ang sinabi ng doktor. I am sick. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at hindi ko alam kung kanino ko sasabihin.

"Can you open the door, Aimi? Please? You need to tell me why you're not answering my messages and calls. Are we still okay?"

Mabilis na nagsiunahan ang mga luha ko sa pagtulo nang marinig ang boses ni Dwight. Tumayo ako agad at binuksan ang pinto.

Hindi pa man ito nakakapagsalita ay sinugod ko na siya ng yakap at doon umiyak sa dibdib niya. Naestatwa siya saglit sa gulat pero nang makabawi ay gumati ito ng yakap.

Lalo akong naiyak at mas lalong sumubsob sa dibdib niya.

"Pumunta ako dito ng nagtatampo sa 'yo but why am I hurting now that you're crying to me?" nahihirapang sabi niya at hinigpitan ang yakap sa 'kin. Maliit akong napangiti kahit na umiiyak.

There's someone who truly cares about me. It's Dwight. And I think I love him.

"Can I sleep here?" tanong niya at agad akong tumango. "Stop crying now, please? What's the problem?"

Umiling ako sa kaniya. I don't want to tell him yet. Saka ko na sasabihin kapag alam ko na talaga ang sakit ko.

"Okay. I won't force you, just tell me anytime if you want. I'm here to listen." Tumango lang ulit ako.

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.

Nanatili kaming magkayakap habang sinisikap kong tumigil sa pag-iyak. Tahimik lang din si Dwight na tinatahan ako.

"A-ayaw ko pang pumasok mamaya sa school," sinisinok pa ring sabi ko.

"Sige, huwag muna tayong pumasok." Naramdaman ko ang paghalik nito sa buhok ko na nagpagulo ng mga paru-paro sa tiyan mo.

"Nagugutom na 'ko," I honestly said. Naramdaman ko lang ang gutom at nagkaroon ng ganang kumain ngayong nandito na siya.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningala siya. Agad naman niyang pinahid ang mga natitirang luha sa pisngi ko.

"Wear your bra first, I'll prepare your food. Dalhin ko na lang ba dito sa taas o bababa ka pa?" Wala mang mababakas na awkwardness sa boses nito. Nakatitig lang ito sa akin habang ako ay nag-init ang mukha dahil sa una niyang sinabi. Hinubad ko nga pala kanina ang bra ko bago ako tuluyang nakatulog.

Hindi ko nakayanang salubungin ang pagod niyang mga mata kaya nag-iwas ako ng tingin. "Baba nalang ako."

Tumango siya at nauna na sa baba. Pumasok naman ako sa loob at nahanap ang bra sa bed side table ko. While wearing it, I saw my MRI on the floor. I sighed. I picked it up and hid it in my drawer.

Bago tuluyang bumaba ay nagsalamin muna ako.

Mugto ang mga mata ko, pula ang magkabilang pisngi at ilong dahil sa pag-iyak. Inayos ko nalang ang gulo-gulo kong buhok at pumunta na sa ibaba.

I smiled when I saw Dwight putting too much rice on my plate. Ininit lang siguro niya ang gulay na tingin ko ay niluto ni Aya kanina. Hindi na ako nagreklamo roon dahil kailangan ko ngayon ng masusustansiyang pagkain.

"Paano ka nga pa lang nakapasok dito ng ganitong oras?" takang tanong ko at naupo na nang matapos niyang ihanda ang pagkain ko. Naupo lang siya sa katabing upuan ko at pumangalumbabang pinanood ako habang kumakain.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now