Chapter 8

195 16 13
                                        

Chapter 8

Weeks have past na hindi na talaga ako pinansin ni Dwight at hindi ako magkaroon ng pagkakataon na kausapin man lang siya. Paano ba naman, lumipat siya ng pwesto sa bandang harap. Nakipagpalit siya ng pwesto dito sa nerdy na katabi ko ngayon. Hindi na sila pinagalitan ng adviser namin dahil favorite niya ang dalawa, nakikita niya kasi na matatalino ang mga ito.

Malapit lang siya kina Daphne at Jane pero ang worse sa lahat ay katabi ni Dwight roon si Larina!

Hindi ko alam kung ano sumapi kay Dwight nung araw na 'yon. Nilait at tinawanan niya palang pagkanta ko, pinakain pa ako ng pesteng gulay, tapos bigla nalang siyang naging cold.

I literally ran for student council secretary. I thought I would have a chance to talk to Dwight but I did not. He won for president and I also won for secretary.

Akala ko magiging masaya pero naging sobrang bored lang.

Medyo napapalapit na noon ako sa kaniya, e. Ngumingiti na rin siya tapos tumatawa pa. Umasa na pa naman akong nagkakagusto na siya sa akin tapos biglang sinabi niya na 'wag ko na siyang kakausapin? Ano ba'ng trip niya?

"Hoy, sabi ko next week na intramurals, may sasalihan kaba, Aimi Yajima na lutang lutang?"

Sinamaan ko ng tingin si Jane na bahagya pang sinabunutan ang buhok ko kaya medyo nagulo. Inayos ko iyon at inirapan siya.

"Wala," sabi ko at sumubo na muli ng pagkain na nasa harapan ki

We're in the canteen right now. Tahimik lang ako habang sila ay nagpaplano na ng mga sasalihang sports sa intrams. Excited sila dahil parang iyon na rin ang magiging pahinga namin. Grade 12 na kasi at marami ang ginagawa, lalo na STEM kami.

Wala akong balak sumali sa mga sports dahil may gagawing horror booth ang student council. Bawat club rin ay iba iba ang mga paandar.

Bukas ay sabado at pupunta pa akong school para ayusin na ang booth namin. Pagkatapos sa monday ay maaga rin dahil gagawin nila akong white lady. Dalawang araw akong nasa loob lang at nagmumulto roon kaya sa last day lang ng intrams ako makakapanood ng sports at makapag-enjoy. Hindi katulad nung grade 11 na representative lang ako at nakakatakas, ngayon medyo mataas na posisyon ko kaya wala akong kawala.

Tapos may long quiz pa kami sa General Physics at General Biology the day after the intrams. Bobo pa naman ako sa parehas kaya iniisip ko palang ay nai-stress na ako.

Nang matapos na kaming kumain ay bumalik na rin kami sa classroom. Sinadya kong sa pangharap na pinto pumasok dahil nakita kong nadoon na sa bago niyang pwesto si Dwight. Dumaan ako sa gilid niya pero hindi man lang ako nakakuha kahit isang sulyap lang.

Nakanguso nalang akong umupo sa pwesto ko hanggang sa matapos ang klase. Wala akong ganang nag-ayos ng gamit at pinasok sa bag ko. Nakaupo pa ako ay nakita ko nang palapit sa akin ang mga kaibigan.

"Review tayo sa inyo, Aim," sabi agad ni Daphne.

"Ayaw ko," sabi ko at tumayo na rin. "Tara na."

"Hoy, wait!"

Palabas na kami ay narinig namin si Kassie.

Natataka kaming sumulyap sa kaniya. Muntik muntik pa siyang madapa dahil sa pagmamadali, may bitbit din siyang tatlong book gaya namin.

Nang makahabol siya ay ngumiti siya ng malaki sa amin.

"Magrereview kayo? Sama ako, pwede?"

"Ayaw ni Aimi sa kanila. Sa inyo, ba? Hindi pwede sa amin, e," sabi ni Jane.

"Sa amin nalang!" tuwang tuwang sabi nito.

"Seryoso? 'Di ba kila Dwight ka nakatira ngayon?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Daphne pagkatapos ay sumulyap sa akin

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now