Chapter 16
"No way," sabi ko at tinanggal na ang seatbelt.
Dito nalang pala ako sa 'min matutulog.
Tinignan ko ng masama si Dwight nang marinig ang mahina niyang pagtawa. May naiwan pang ngisi sa labi niya pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay.
"Anong nakakatawa?" Tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Nothing. Will you be okay there?" biglang seryosong tanong niya at sinulyapan ang bahay namin.
Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Does he care about me now? I can't believe it. I still can feel his lips on mine— and I want to taste it again.
Wala sa sariling umalis ako sa upuan ko at umupo sa kandungan niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Pinalupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya at nakapikit ang mga matang inilapat ang mga labi ko sa sa kaniya.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at nagwawala ang mga paru-paro sa aking tiyan.
Naramdaman ko ang pagngiti ni Dwight sa labi ko. Nilagay niya ang mga kamay niya sa likod ko at ginalaw na ang aming mga labi. Feeling ko ay masisira na ang dibdib ko dahil sa paglakas lalo ng kabog ng puso ko nang maramdaman ang mainit niyang palad sa likuran ko.
Ramdam ko ang hapdi ng sugat sa gilid ng labi ko pero hindi ko inalintana iyon. Dwight's soft and warm lips is all that matters right now.
Nagtagal lang iyon ng ilang segundo at nauubusan na ako ng hininga. Nang maghiwalay na ang mga labi namin ay sumubsob agad ako sa leeg niya. Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko dahil sa hiya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya mas lalo pa akong sumubsob sa niya leeg.
Shit, nakakahiya!!
"Happy birthday," pagbati niya sa akin ulit at sinubukang itulak ang balikat ko para mahiwalay sa kaniya. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa leeg niya dahil wala talaga akong lakas ng loob para harapin siya ngayon. Isa pa, ang bango bango niya at gusto ko pa siyang amoy-amoyin.
"T-thank you," mahina kong sabi.
"Baba ka na."
I shook my head and I heard him sighed.
"Then text your sister and ask her to bring here my books and your laptop."
"Ayaw ko. Sa bahay na namin ako matutulog."
"Edi bumaba ka na. It's late. Your sister might be worried and waiting for you."
"Ayaw ko pa," nakangusong sabi ko.
"Aimi—"
"Ayaw ko pa nga sabi, e!" naiinis nang sabi ko.
Nahalikan niya na ako tapos basta basta niya nalang akong papaalisin? Ni hindi ko man lang alam 'yung reason kung bakit niya iyon ginawa kanina sa ferris wheel.
"Aimi..." Tinapik niya ang likod ko at muling sinubukan na ialis ang nakayapos kong mga braso sa leeg niya.
"Bakit ba pinapaalis mo ako agad sag—"
"I like you."
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang putulin niya iyon. Doon ko na natanggal ang pagkakayakap sa kaniya at tumingin sa seryoso nitong mukha.
What the hell did he just say!?
"I like you so much," ulit niya gamit ang malamlam na mata habang may maliit na ngiti sa labi. Umiling-iling siya. "This is why I don't want to entertain you. Damn it!"
Pinakatitigan ko muna siya pagkatapos ay umirap, napataas naman ang kilay niya sa akin.
"Dapat lang, Dwight, 'no! Hinalikan mo na ako tapos ilang beses pa 'yon."
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Fiksi RemajaAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
