This one is dedicated to my friend EuniGarci
Epilogue
Hingal na hingal ako nang makaahon na sa swimming pool sa tulong ni Dwight. Pinasadahan ko ng kamay ang hanggang balikat kong buhok. Nag-angat ako ng masamang tingin kay Erica na mukhang inosente na ngayong nandito na si Dwight.
"Max, hindi ko sinasadya-"
Hindi ko na hinayaang matapos ang pabebe niyang pagsasalita. Mabilis akong tumayo at hinatak ang blonde niyang buhok.
"Ouch! Max help! She's hurting me!" halos maiyak na sabi niya.
Lalo lang nadagdagan ang pagkairita ko sa kaniya dahil kaninang wala si Dwight gumaganti siya tapos ngayon ay iiyak lang siya? Mas lalo ko pang hinatak ang buhok niya, sinamantala ang ginagawa niyang hindi pagganti.
"Aimi."
Nalukot ang mukha ko sa may pagbabantang boses ni Dwight. Nangilid ang mga luha ko at binitiwan ang babae. Tumingin ako kay Dwight na kaahon lang. Madilim ang mukha nito at naramdaman ko ang kaunting kirot sa puso ko.
Bakit parang nagagalit siya sa akin porque sinaktan ko si Erica?
Unti-unting huminahon ang mukha nito habang hinahakbang ang kaunting distansiya namin. Umamba palang siya na hahawakan ako nang bigla namang yumakap si Erica dito.
"She hurt me, Max," sumbong nito na walang pakialam kahit mahawa siya sa kabasaan ni Dwight.
Umismid ako at sinipa muna ang likod ng paa ni Erica bago tumalikod para pumasok na. Rinig ko ang paghikbi ni Erica dahil sa malakas kong sipa. Ang arte!
"Go home, Erica. I have no time for you. Don't you dare show me your face again! You hurt my Aimi and I will never forgive you!"
Napanguso ako nang sinabi iyon ni Dwight. Hindi ko alam kung tama ba ang makaramdam ng kilig.
Kapal ng mukha niyang sabihin sa akin na pakakasalan siya ni Dwight, e wala naman pala itong pakialam sa kaniya. Kung tutuusin ay kulang pa ang ginawa ko sa kaniya pagkatapos niyang sabihin na bagay lang sa akin na nagkasakit ako noon. Hindi ko alam kung saan niya nalaman pero bigla talagang kumulo ang dugo ko matapos niyang sabihin iyon.
"Aimi."
I felt Dwight's warm palm on my hand. I looked at him with annoyance on my face even though I felt the butterflies in my stomach partying.
"What?!"
"I want to talk to you," seryosong sabi nito.
"Go talk to your fiancee!"
Wala itong sinabi at hinatak lang ako papasok. Inirapan ko si Erica na nakatingin at hinayaan si Dwight na hatakin ako papasok. Tinawag pa ako ni Aya na nasa living room pero tuloy tuloy lang si Dwight sa may hagdan.
Nang nasa harap na kami ng pinto ng kwarto ko ay pinilit kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Lumingon siya sa akin at nag-angat ako ng tingin sa mukha niya.
"Akala ko ba may gagawin ka ngayon sa trabaho pagkatapos ng meeting?"
"Change your clothes first before we talk," walang emosyon na sabi lang nito.
"Ikaw? 'Di ka magpapalit? Basa ka rin."
Imbes na sagutin ako nito ay tumitig lang siya sa mukha ko. Nagtaas ako ng kilay at ngumiti ng malaki.
Sure akong crush na talaga niya ako!
Napapiksi ako nang bigla niyang haplusin ang pisngi kong sinampal kanina ni Erica. Ang mainit kamay ay nagbigay ng kiliti sa tiyan ko at nagpagulo ng tibok ng puso ko.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Roman pour AdolescentsAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...